Kaagad na pinanatili ng paaralan na lihim ang insidente at nag umpisang maghanap para sa mga bata. Ngunit, tila nahulaan na ito ng salarin, kaya kinuha nila palayo ang mga bata ng walang iniwang anumang bakas.
Samantala, ang teacher na namamahala sa dalawang bata ay nagkunwaring napahagulhol. Alam niya na hindi niya makakayanan na harapin ang kahihinatnan nito, kaya bukod mula sa pag aabiso sa paaralan at pakikipag ugnayan sa magulang, tinawagan din niya ang mga pulis.
Kung kaya, nang sandaling makarating sina Tangning at Mo Ting sa paaralan, dumating na rin ang mga pulis. Nag umpisa rin silang mag imbestiga sa lahat ng kaduda duda. Gayunpaman, hindi sila nakakuha ng anumang magagamit na ebidensya.
Ngunit, paanong ang dalawang bata ay mawala ng ganon na lamang?
Support your favorite authors and translators in webnovel.com