Hindi sumagot si Nangong Quan habang ibinibigay ang kanyang business carad at bumalik sa tabi ni Su Youran.
"Tila ang iyong bagahe ay nakaayos na. Sa palagay ko, isa na itong kabawasan sa aalalahanin natin. Maraming salamat, Mr. Su," magalang na wika ni Nangong Quan kay Father Su.
Sa sandaling tingnan ni Father Su ang business card ni Nangong Quan, napagtanto niya na siya ang lalake na palaging lumalabas sa mga pahayagan nitong mga nakaraan: ang CEO ng Springfall Film and Television. Higit sa lahat ng ito, siya rin ang bumuo ng isang technology company sa US.
"Si Mr. Nangong at ang aking anak na babae..."
"Si Youran ay aking fiancee. Hindi lamang ako nagkakaroon ng pagkakataon na bumisita dito, ngunit hindi ko inaasahan na maabutan ko ito sa aking unang pagbisita," tumawa si Nangong Quan bago nito inilagay ang kanyang braso sa balikat ni Su Youran at tumalikod para umalis, "Halika na..."
"Mr. Nangong, pakiusap manatili ka muna ng isang sandali..."
Support your favorite authors and translators in webnovel.com