Hindi nagtagal, oras na namang muli para sa Fei Tian Awards. Ang seremonya ay naka iskedyul na gaganapin pagkatapos ng ilang araw.
Bilang isa sa mga paboritong mananalo ng parangal, umakto si Feng Jing ng nakakaawa na ina na naghahanap ng kanyang anak, pero hindi nito napalaki ang pagkakataon niyang manalo ng parangal. Pagkatapos ng lahat, pagdating sa popularidad at kasikatan, hindi niya posibleng matalo si Tangning.
Pero, kahit na wala siyang matatanggap, bilang isang nominado, inaasahan pa din na dadalo siya sa seremonya. Pagdating dito, hindi siya katulad ni Tangning. Masyado siyang natatakot na umaksyon ng hindi nag - iisip.
Samantala, pumusta ang publiko na hindi magpapakita si Tangning sa seremonya. Pagkatapos ng lahat, kinompirma na niya na hindi na aarte muli.
Ngunit, inirehistro pa din ng Hai Rui ang 'Survivor' para sa napakaraming parangal at ito ay nakatanggap ng medyo kaunting nominasyon.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com