Yumuko si lin qian at malalim na nag isip. Sa wakas, tumingin ito kay Tangning at sumagot, "Oo, sasama ako."
Bakit hindi siya sasama?
Tinango ni Tangning ang kanyang ulo ng may miseryosong ngiti, "Mukhang ikaw ay mapagwalang bahala, ayon sa paraan ng pagharap mo sa problema mo kay Quan Ziye, maaari kong masabi na ikaw ay hindi sunod sunurang tao."
"En," nagpakawala ng mahinang ungol si Lin Qian bilang pagsang ayon.
Pagkatapos ay bumalik sa apartment ni Xing Lan upang mag impake ng bagahe para sa kanyang biyahe sa New Zealand.
Syempre, halos ilang oras na lamang para sa laban ni Xing Lan sa grand final ng kanyang kompetisyon. Kaya, natural lamang na umasam si Lin Qian na manalo si Xing Lan.
"Kung hindi ka mananalo…"
"Huwag kang mag alala, umalis ka na," nararamdaman ni Xing Lan na si Lin Qian ay bahagyan nagiging mapag sermon.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com