Nang sumunod na ilang panahon, ang trabaho ni Song Xin ay hindi tumakbo ng naayon sa inaasam niya. Kung hindi kokonti ang mga kuha niya sa harap ng camera, siya naman ay isinasantabi.
Kung isa o dalawang beses lamang itong nangyari, maaaring hindi niya ito mapapansin, ngunit, pagkatapos na malampasan ng maraming pagkakataon, nag umpisa na siyang maghinala na may isang tao ang nagmamanipula ng mga bagay sa likod ng eksena.
"Masyado ng gabi, bakit nakaupo ka pa rin dito?" Nakita ni Duan Jinghong si Song Xin na naninigarilyo sa balkon at kaagad na kinuha ang ashtray para kay Song Xin.
"Hindi mo ba napapansin na ang aking trabaho ay hindi nagiging maganda nitong mga nakaraang araw?"
"Wala naman akong napapansin na anumang bagay na malaki," sagot ni Duan Jinghong. Si Song Xin ay lumalabas pa rin sa mga programa sa TV t ang kanyang iskedyul ay punong puno pa rin. Ang tangi lamang isyu ay hindi palaging maganda ang mga resulta.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com