"Ang lahat ay maaaring makita kung gaano ako naging mapagpasensya kay Ms. Hua," wika ni Tangning sa media habang nakaupo sa kanyang wheelchair. "Hindi pa nagtatagal simula ng una kaming magkita at sigurado akong nakita na ng media ang lahat ng bagay na ginawa niya sa akin sa mga panahong ito. Sinubukan niya akong pagbintangan na tinatakwil ko siya, sinabi niya na ang aking magiging anak ay may sakit, pumupunta siya sa aking bahay ng makailang ulit upang insultuhin ako, gumawa siya ng tsismis na si An Zihao at ako ay nangangalunya, at kahapon, nilason niya ang aking sopas. Ang bawat isang insidenteng ito ay nakapapangilabot para sa akin."
"Sa buong pagbubuntis ko, ako ay nabubuhay sa aking prinsipyo na gumawa ng mabuting halimbawa sa harapan ng aking anak, kaya ako ay nagdesisyon na huwag itong harapin sa labas. Ngunit, ang naging kapalit, sinamantala ni Hua Wenfeng ang pagkakataon upang subukan ang kanyang limitasyon."
Support your favorite authors and translators in webnovel.com