webnovel

Kailangan Ba Kita Para Magbigay Sa Akin Ng Kahit Ano?

Editor: LiberReverieGroup

Si Chen Xingyan ay hindi mag aaksaya ng panahon na kausapin si Annie, kaya kaagad niyang tinawagan si An Zihao, "Mayroon sitwasyon dito. Pumunta ka at ayusin ito."

Kaaalis pa lamang ni An Zihao sa bahay ni Director Chen Feng. Pagkatapos matanggap ang tawag ni Chen Xingyan, kaagad siyang pumunta sa apartment. Dumating siyang nadatnan na si Chen Xingyan ay nakaupo sa sofa habang nakakrus ang mga binti at inaalo naman ni Annie ang umiiyak na si Little five.

"Mr. An, tamang tama lamang ang dating mo. Tulungan mo akong aluhin si Little Five. Aksidente niyang nasira ang game console ni Chen Xingyan at sinabi ni Chen Xingyan na nagkakahalaga ito ng $3 milyon. Hindi ito kayang bayaran ni Little Five. Ang tangi lamang niyang opsyon ngayon ay ipagbili ang kanyang bahay."

Parehong alam ni Chen Xingyan at An Zihao na gusto ni Annie na umarteng mahina. At, syempre, alam ni Annie kung ano ang kanyang ginagawa.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter