"Wala akong pakialam sa kung ano ang plano niyang gawin. Ang alam ko lamang ay, ikaw ay aking hangganan," ang boses ni Mo Ting ay malalim at matatag.
Ngunit, ito ay isang bagay na hindi pinagdududahan ni Tangning.
Mula ng sandaling ikinasal siya kay Mo Ting, kailanman ay hindi siya nagkaroon ng pag sisisi sa kanyang desisyon kahit minsan.
...
Hyatt Regency. Seaside villa.
Isa na naman maingay na araw ang natapos. Pagkatapos ng nabigong aksyon ni Hua Wenfeng, ang tanging pakinabang na nakuha niya mula sa buong sitwasyon ay nag nadagdag na pagtitiwala sa kanya ni Father Mo at ang galit kay Tangning.
Pagkatapos ng lahat, ang taong sinaktan ni Tangning ay hindi lamang ibang tao – ito ay ang kanyang asawa!
Pinaka importante sa lahat, si Tangning ay nakatalaga nilang manugang!
Paanong nangyari na ang isang taong may masamang reputasyon ay magiging karapat dapat sa kanilang anak?
Support your favorite authors and translators in webnovel.com