"Hindi ba nararamdaman ni President Mo na hindi siya umaarte na tulad ng isang maginoong lalaki? Kung ang sitwasyon ay hindi maaayos, hindi rin ito magiging maganda para sa Hai Rui. Bakit hindi tayo umatras ng isang hakbang?"
"Sa paanong paraan ako inaasahan ni President Ni na umatras?" tanong ni Mo Ting. "Kung alam ni President Ni kung paano mag alala tungkol sa kanyang babae, paano niya nasasabing umatras ako? Iniisip ba niyang ang aking asawa ay karapat dapat lamang na apihin?"
Ang mga sinabi ni Mo Ting ay hindi malumanay o kaya ay masakit sa tainga. Sa katotohanan, napakahirap na masabi kung ano ang kanyang iniisip. Ngunit…
…ang tono ng kanyang boses at matigas na ulong pag uugali ay naglalaman ng panganib.
"Tila sa pananalita ni President Mo siya ay walang intensyong na umatras? Ngunit, dapat mo lang malaman na ang buong Beijing ay kasalukuyang nasa aking panig."
Support your favorite authors and translators in webnovel.com