Sa sandaling nakumpirma ni Han Xiner na limang araw na lamang ay nais nang pumunta na si Bei Chendong sa set, lihim siyang nagsaya. Gayunaman, nalaman pa rin ito ni Bei Chendong at nagdesisyon na kausapin siya. Ang mga mata ni Bei Chendong ay naghihinalang sumulyap kay Han Xiner, "Nakatanggap ako ng balita na masaya ka daw ng malaman mo malapit na akong pumunta sa set."
Tumikhim si Han Xiner upang alisin ang bara sa kanyang lalamunan habang nakatingin siya sa mala yelong lalaki sa kanyang harapan at ngumiti, "Ito ay dahil sa wala naman akong anumang alam at tila pakiramdam ko na ako ay nagbibigay lamang sa'yo ng problema."
Iniwas ni Bei Chendong ang kanyang tingin at sumagot, "Sa palagay ko nga medyo nakakagambala ka…"
Ito ay dahil sa palaging tila may nag uudyok sa kanya na halikan si Han Xiner…
Support your favorite authors and translators in webnovel.com