"Bakit kinakailangan ng isang tao na sirain ang kaligayahan ng iba?"
Ito ang kauna – unahang pagkakataon mula noong kasal nila na ibinahagi ni Tangning ang sitwasyon niya sa kanilang tahanan kay Mo Ting. Napakatagal na panahon na niyang nagtataka kung bakit hindi kailanman nagpakita ang Tang Family kahit na alam nila na napakaraming hinarap na pagsubok ni Tangning.
"Huwag mo iyon masyadong pakaisipin. Dahil sa ikinasal ka na sa akin, ikaw ay miyembro na ngayon ng Mo Family. Hindi ka na ngayon nakatali sa mga Tangs," hinila ni Mo Ting si Tangning palapit sa kanya at hinalikan ito mula ilong pababa ng kanyang leeg. Ito ay isang paraan ng pag – aalo na hindi ginagamitan ng mga salita pero epektibo. "Mamaya, kapag sinama kita para makilala ang Mo Family, tutulungan kitang maghanda."
Pagkatapos marinig ang kwento ni Tangning, nalaman ni Mo Ting kung gaano hindi nagtitiwala si Tangning sa ibang tao at kung gaano ito kaseryoso.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com