webnovel

Mag - Ingat Ka, Baka Hindi Na Kita Gustuhin

Editor: LiberReverieGroup

Sa loob ng tahimik na pribadong ospital, nagising si Lan Xi dahil sa matinding amoy ng pangdisimpekta. Pagkatapos imulat ang kamyang mga mata, tumitig lang siya sa kisame.

Nakabantay si Luo Hao sa tabi ng kanyang kama. Sa sandaling nakita siya nitong nagising, agad siya nitong tinanong, "Mas maayos na ba ang pakiramdam mo? Nakakaramdam ka pa rin ba ng pagkahilo?"

"Kamusta na ang Cheng Tian?" tanong ni Lan Xi gamit ang garalgal na boses.

Nag - isip ng sandali si Luo Hao bago siya sinagot nito ng tapat, "Naapektuhan ito ng labis. Kahit na ang mga pulis ay inalerto nila, pero sinabihan ko na ang legal team na makipagtulungan sa kanila. Tungkol naman sa ibinibintang na pagpatay at pagkidnap, walang mahanap na katibayan ang mga pulis, kaya hindi naman ito magiging isyu."

"Subalit, napakaraming kolaborasyon ang nakansela, kasama na ang mga advertisement at endorsement. Bukod kay Tangning, kahit na si Hua Yuan ay nakatanggap ng malamig na pagturing."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter