webnovel

Kaya Mo Bang Lumaban Ng Mas Masuhay Kaysa Sa Kanila?

Editor: LiberReverieGroup

Tiningnan ng malalim ni Tangning ang mga mata ng lalaki habang bumalik na siya sa karaniwan niyang pagiging kalmado at ngumiti, "Wala akong kasintahan."

Ang tanging mayroon lang siya ay asawa!

Nang makita niya ang pagtanggi ni Tangning, hindi na nagpatuloy ang lalaki sa papwepwersa kay Tangning. Ngunit ang kinang sa mga mata nito ang nakapakaba kay Tangning. May pakiramdam siya, na ang lalaki na ito ay pagmamatyagan na siya sa mga susunod na panahon.

"Naging sanhi ng kaguluhan ang insidente tungkol kay Lan Yu, ngunit tila, hindi man lang naapektuhan si Miss Tang."

Ngumiti si Tangning, halata nang ayaw na niyang makipag – usap pa sa lalaki. Ito ay bagay na kadalasang ginawa niya kapag nais niyang panatilihing distansya niya sa mga tao. Tila ba naramdaman na ng lalaki ang kanyang layunin, kaya tumigil na ito sa pagsasalita at bumalik na sa kanyang kinauupuan.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter