webnovel

Nasa tabi mo lang ako

Editor: LiberReverieGroup

Ang balitang magpapalit ng tagapagsalita ang HF ay mabilis na kumalat sa buong industriya.

Narinig din ni Mo Ting ang balitang iyon. Para sa kanya, kung ang kanyang kompanya ang nakatanggap ng HF spokesperson deal, kahit ang pinakamababang rank na modelo ay hindi ito papansinin. Pero para kay Tangning, matagumpay na nakuha niya ang mga bagay na para sa kanya mula kay Mo Yurou. Kaya tinawagan niya agad ito, "You did well."

Mahinang tumawa si Tangning at pasalamat na sumagot, "To be praised by you makes me happier than anything else."

"Hihintayin kita, na bumalik sa number one spot."

Sa mga oras na 'yon, sinagot siya ni Tangning ng dalawang salita lang, "I will!" Ngayon, kailangan niya ng bumalik sa Tianyi para harapin ang pangit na ugali ni Mo Yurou.

Sa mga oras na kumakalat ang mga salitang iyon, natutulog ng mahimbing si Mo Yurou sa bahay ni Han Yufan. Noong nakaraang gabi, dumiretso siyang umuwi sa bahay ni Han Yufan pagkalabas nito sa ospital at kinonsensya niya ito para hindi siya ewan nito ng buong gabi - at para hindi siya makatawag sa telepono kay Tangning. Ang mga bagay na nasa kamay niya ay hindi na dapat pag-isipan pang kunin ng iba - lalong - lalo na si Tangning, na para bang kinokontra siya.

Naiinip na ang assistant nito at natataranta ng makarating ito sa bahay. Binuksan niya ang balita para kay Mo Yurou at ang unang reaksyon nito ay hindi makapaniwala sa nakita, "Ang tagapagsalita ng HF ay naka-set na, there's no way they could change it."

"Yurou, totoo lahat ito. Nakatanggap ng tawag si President Hang galing sa HF kaninang hapon. Personal na sinabi nila na gusto nilang palitan at gawin tagapagsalita si Tangning or else, mas mabuti pang makipagtrabaho sa ibang kompanya," itinuro nito ang balitang nasa harap nito ng may mahalaga at galit na ekspresyon, "What exactly did Tangning do? Kung gusto niyang I-secure ang deal, bakit ang deal mo pa?"

"Let's go back to the office. This incident, gusto kong marinig mula kay Han Yufan mismo ang paliwag nito," alam ni Mo Yurou na pag sa telepono o sa bahay sila mag-uusap ni Han Yufan, maghahanap ito ng paraan para makalabas sa usapang ito. Kaya nagdesisyon siyang bumalik sa opisina at harapin ang isyung ng harapan, sa ganitong paraan. Sa ganitong paraan, mapipilitan itong propesyonal na harapin ito.

Samantala, pagod at bugbug sarado na si Han Yufan. Determinadong papalitan ng HF si Mo Yurou para kay Tangning at alam na alam niyang lubusang masasaktan si Mo Yurou. Gayunpaman, may karapatan ba siyang humindi dito? Sa huli, hinding - hindi siya hihindi sa pera.

Habang nag-iisip ng paraan si Han Yufan para aliwin si Mo Yurou; pumasok ng opisina niya si Mo Yurou na nakaupo sa wheelchair sa tulong ng kanyang assistant. Nauna siyang dumating bago si Tangning ng ilang metro lang ang agwat.

"Han Yufan, ano 'to? Pano'ng ang kasunduan ng tagapagsalita na dapat sa akin ay nakuha ni Tangning?"

Pina-alis muna ni Han Yufan ang assitant nito sa loob ng kwart. Sa sandaling naiwan silang dalawa sa kwarto ay lumapit si Han Yufan kay Mo Yurou at niyakap ito, "Yurou, this was beyond my control. Tutulungan kitang makakuha ng deal na mas maganda pa kesa dito."

"Alam mo at alam ko na si Mr. Eugene ay kapatid ni Ms. Eren na isa sa mga judges sa Top Ten Model Awards. Importante sa akin ang deal na to, at higit sa lahat, bakit mo binigay ito kay Tangning?" Nanginginig ang tinig ni Mo Yurou at galit na tinulak nito si Han Yufan palayo, "Hindi pa ba sapat 'yun na kinuha ka na nga niya sa'kin? Ba't ba sa lahat ng bagay kailangan ko pang makipagagawan sa kanya? Wala akong pakialam, kung mawawala sa'kin ang deal na 'to, ayoko na rin na batang 'to. Ayoko na ring manatili sa Tianyi."

"Don't speak out of anger," habang tinatangkang pakalmahin siya ni Han Yufan, "How could you give up our child so easily? Alam mong nasa tabi mo ko palagi, pero, sa ngayon, deteminado talaga ang HF."

"Tangning's already given up so many times in the past, anong pinagka-iba ngayon? Malapit na kayong magpakasal, ba't pa niya ka-kailanganin ang deal?"

Matapos marinig katwiran ni Mo Yurou, ramdam ni Han Yufan na may katuturan ito. Sa ugaling iyon ni Tangning, maraming pagkakataon na ang kanyang isinuko para rito dati, hindi na mahalaga ito na isuko ulit ang isa pang pagkakataon. Sigurado siyang sa- sang-ayon ulit ito, kaya inalu niya si Mo Yurou, "Kakausapin ko tungkol dito. Don't be angry, ok?"

Umaangal man ay niyakap si Mo Yurou ni Han Yufan.Sa mga oras na 'yon, nakarinig siya ng katok sa pintuan; sinyales na nakabalik na sina Tangning at Long Jie.

Kaagad na pinigilan ni Mo Yurou ang kanyang mga luha at dumistansya kay Han Yufan habang tinitignan ito na parang bang minaltrato siya. Hanggang sa patulak na binuksan ni Tangning ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto.

"Tangning, sa'n ka nagpunta last night? Alam mo bang hinanap kita buong magdamag?" Sunod - sunod na tanong ni Han Yufan."

Tinignan siya ni Tangning pagkatapos ay tinignan nito si Mo Yurou.

"It's all a misunderstanding between Yurou and I. Naglabas na ako ng pahayag para klaruhin to. Don't make a fuss over it, will you?"

Iniwasan ni Tangning ang kanyang tingin at hindi nagsalita. Alam niya ang tinutukoy ni Han Yufan na 'hinanap kita buong mag damag'. Malinaw na hinanap siya nito buong magdamag at napadpad ito sa paghahanap sa kama kasama si Mo Yurou. Kung hindi man, hindi nito mapapansin na hindi na siya nakatira roon sa dati nilang tinitirhan.

"Too bad, na ang isyung tungkol kay Ms. Mo at sa'kin ay hindi lamang isang simpleng hindi pagkakaintindihan." Kalmadong sagot ni Tanging, "I helped her so many times, yet she turn around and bit me. Tinging nyo ba ganun na lang ako kadaling apihin?"

"Tangning , Yurou was worried there were reporters around at 'yun lang ang kanyang magagawa!"

"Talaga?" Kahina-hinalang tanong ni Tangning.

"Anu't - ano man, this incident is over, 'wag na nating pag-usapan to. As for the HF spokesperson deal, ano kaya kung ibalik mo na 'yon kay Yurou? The deal is important to her. You've already retreated and won't be doing any shows, so, you have no use being a spokesperson," diritsong sabi ni Han Yufan at pwersahang sinabi kay Tangning na ibalik kay Mo Yurou ang kasunduang ito.

"Tama, Tangning, you haven't done any shows for so many years, you're not even familiar with the stage anymore," dagdag pa ni Mo Yurou, "On top of everything, ang kasunduan 'yon ay sa'kin naman dapat e. Iniisip siguro ng HF na dahil nasugatan ako, hindi ako gagaling sa tamang oras kaya ikaw ang pinili nila. You don't want to be a substitute, do you?"

"Sa'yo pa talaga nanggaling ang mga salitang 'yun?" Malamig na tugon ni Tangning na pwersahang napalingon pabalik kay Han Yufan, "Hindi ka naman ganito dati a, Tangning. Kung mahal mo pa ako, hindi mo kukunin ang kasunduang ito. Para sa future ng kompanya, kailangang manalo ni Mo Yurou para lumaas ang lugar ng kompanya sa indusriyang ito."

May bantang dala ang mga salitang iyon na sinabi ni Han Yufan. Talagang sumusobra na ito na pati ang pag-ibig ay ginamit na rin nitong rason.

Palihim na tumatawa si Mo Yurou habang nakikinig hanggang sa puntong ito. Alam niyang gagawin ni Tangning ang lahat para kay Han Yufan, kahit na I-give up nito ang kasunduang 'yon.

"Yufan, bilis, tawagann mo ang HF. Ipaalam mo sa kanilang masyadong busy si Tangning sa pagpaplano ng kanyang kasal at hindi siya mkakakuha ng mga bagong trabaho."

Tumango si Han Yufan at kinuha ang telepono nito. Pero ng makuha na nito ang kanyang telepono, pinigilan siya ni Tangning, "The deal… Tinanggap ko na ang deal."

"Tangning!" Gulat na sabi ni Han Yufan, ni minsan ay hindi sinuway ni Tangning ang mga desisyon niya dati.

"'Wang mong kalimutan, I am also a model of Tianyi Entertainment. Actually, nag-usap na kami ng founder ng HF, si Mr. Eugene, at he's looking forward to working together."

Next chapter