Ang tatlong tao na ito na maingat na pinapanood ang nagaganap na labanan ay sina Xu Bin, Liu Xiaobie, at Gao Yingjie. Silang tatlo ay mga manlalaro ng Team Tiny Herb.
Kahit na hindi istadyum ng Team Tiny Herb ang Liulisong Sports Arena, ang City B ay ang kampo ng Team Tiny Herb. Hindi mapigilang mainis ni Liu Xiaobie matapos marinig ang sigawan ng mga tao para sa isang Team na hindi naman nila kaanu-ano sa lugar na kung saan sila nagkukuta dito sa City B.
"Hindi naging marami ang Health na natapyas ng Happy sa kanilang kalaban sa labanan na ito. Sa tingin ko ay mahihirapan sila sa mga susunod na yugto ng labanang kakaharapin nila kaharap si Xiao Shiqin." Tanging nakatuon lamang sa labanan ang atensyon ni Xu Bin.
"Tama, kagaya nga sa mga inaaasahan ko." Ibinaling naman ni Liu Xiaobie muli ang kaniyang atensyon sa labanan, at ipinaalam rin niya sa tatlo ang kanyiang pagkabigla. Sila naman kasi ang mga manlalarong pinakaunang nakaharap kay Soft Mist.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com