Halos isang buwan nang miyembro ng Team Happy si Mo Fan. Pero wala pa ring nagbago sa kaniyang ugali. Sa kasagsagan ng lahat ng ito, tanging si Su Mucheng lamang ang nakahimok sa kaniyang damdamin.
Pero ngayong bumalik na sa Excellent Era si Su Mucheng ay nakaupo na lamang si Mo Fan sa harapan ng kaniyang mga kompyuter. Hindi niya kinakausap ang ibang mga manlalaro na para bang wala siyang pakialam sa mga nangyayari, at may sarili siyang mundo.
Mabuti na lamang ay mayroong libreng pagkain, at matutulugan sa lugar na ito kaya hindi na nag-abala pa si Mo Fan na umalis. Noong hinahamon pa ng lahat ang Team Happy ay hindi siya nakilahok sa mga labanan. Pero ngayong opisyal na ang mga labanan nila ay hindi pa rin siya nakilahok.
Masyadong importante para sa Team Happy ang Challenger League. Para dito ay hindi pa nga pumapasok sa kaniyang skwelahan si An Wenyi, kahit na halos matapos na ang Septiyembre.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com