webnovel

Hindi Inaasahang Bisita

Editor: LiberReverieGroup

"Kakagising ko pa lang. Bakit ako matutulog?" Sabi ni Tang Rou.

"Hindi rin naman ako inaantok." Sabi ni Ye Xiu.

"Kailan ba kayo gumising?" Nagtanong si Tang Rou.

"8 o'clock!"

Pagkatapos masabi ito, silang dalawa'y nag-usap at hindi na pinansin si Chen Guo. Si Chen Guo natahimik sa galit. Sa mga sandaling ito, bumukas ang pintuan ng Internet Cafe at isang manong ang pumasok: "Kayo ba yung nawalan ng kuryente?"

Lubos na nagalak si Tang Rou at Ye Xiu nang makita ang kaniyang pagdating. Sinalubong nilang dalawa ang manong, at yumukong tumatango: "Yeah, yeah. Kami nga iyon, Kuya."

"Anong nangyari?" Dinala ng manong ang kaniyang toolbox at pumasok.

"Mag-ingat kayong dalawa!" Tapos na ang sermon ni Chen Guo sa dalawa kaya siya'y papaakyat na sana sa ikalawang palapag nang bigla niyang marinig ang sigaw ni Ye Xiu.

"Boss, hindi ba kailangan nating magbayad?"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter