webnovel

Professional Level

Editor: LiberReverieGroup

Sina Seven Fields at ang iba pa'y napatigil sa paghinga, takot na maistorbo ang labanan ni Lord Grim. Kasabay nama'y nag-ingat ang tatlo, handang makinig sa hudyat sa pagsisimula ng atake. Hindi nila inaasahang, manonood lang sila sa labanan ni Lord Grim at ng Skeleton Warrior; ni hindi manlang siya tumawag para humingi ng tulong. Sina Seven Fields at ang tatlo, isa ang nasa kaliwa, isa sa kanan, at ang isang nasa likod ng Skeleton Warrior ay nakatigil, pinipigalan ang mga shock wave ng Skeleton Warrior sa pagtama sa kanila.

"Hindi naman siya nagplaplanong isolo 'to, hindi ba?" Nagpadala si Sunset Clouds ng mensahe kay Seven Fields.

"Sa totoo lang, may agam-agam ako..." Sagot ni Seven Fields.

"Isosolo ang hidden BOSS?" Itong mga katagang isinulat ni Sunset Clouds ay nagpagimbal sa kanilang lahat.

"Hindi namang masasabing imposible..." Tugon ni Seven Fields.

"Kuyang bihasa, sobrang galing mo. Saan kaba nanggaling? Sa husay mong yan, masasabi kong hindi ka matatalo ng guild leader namin..." Sabi ni Sunset Clouds.

"Hindi talaga matatalo." Patapos na sinabi ni Seven Fields. Ang kaawa-awang Full Moon Guild leader ay naging leader sa kadahilanang sinasamba ng lahat ang kaniyang 200 APM hand speed. Sa huli'y, isang araw lang ang lumipas, at may tatlong taksil na siya kaniyang hanay. Para sa kaniyang boss, ito'y sobrang kahiya-hiya na.

Sa panahong ito'y, si Drifting Water ay nagpadala rin ng mensahe: "Hindi naman siguro niya isosolo 'to, hindi ba?" Ang voice system sa laro'y may isang channel lang kaya hindi naitatago ang mga mensaheng ipinapadala. Ang tatlo'y umaasa sa voice communication. Sa kadahilanang sila'y nakatayo sa malayo, kinakailangan nilan magsalita ng mas malakas. Dahil dito, natakot sila na maistorbo si kuyang mahusay sa kaniyang labanan kaya sila'y gumamit ng pribadong pagmemensahe.

"Posible naman." Sina Seven Fields at Sunset Clouds ay parehong sumagot sa mensahe ni Drifting Water.

"Grabe, sobrang galing. Irerekord ba natin 'to?" Tanong ni Drifting Water. Ang laro ay may built-in video recording function.

"Walang sinabi si kuyang mahusay tungkol dito. Sasabihin kong hindi natin dapat gawin to!" Sagot ni Seven Fields.

"Sige." Sagot ni Drifting Waters. Walang ano-anoma'y ang tatlo ay nagpatuloy sa panonood ng labanan ni Lord Grim. Talagang ginagamit niya ang battle lance kasabay ang husay na walang nakakatalo. Pag-ilag, pagside-step, para bang nasa labanan siya sa loob ng isang palabas. Sina Seven Fields at iba pa'y nakadilat ang mga mata na para bang nakakita ng bagong mundo.

Kung ikukumpara dito ang mga manlalarong nakikipaglabanan sa mga halimaw o sa mga manlalarong pumapatay ng iba pang manlalaro, ito'y para bang paghuhubad at pagpapakitang gilas sa katawan. Sobrang magaspang at damuho!

Nakatayo si Chen Guo sa likod ni Ye Xiu at ginamit ang lahat niyang makakaya sa pagbibilang ng mga tamang nagawa niya sa hibilya ng Skeleton Warrior. Ang spectator perspective niya sa laro'y hindi nakakakumpara kay Seven Fields at iba pa, kasi siya'y nanonood sa parehong pinapanood ni Ye Xiu, nakikita niya si Lord Grim sa isang first person perspective. Sa panonood niya, namalayan niyang hindi niya nakikita ng lubos ang mga galaw ni Lord Grim. Sa katotohanan nga'y sa kadahilanang umiikot ang paningin ni Lord Grim, muntik ng matumba si Chen Guo sa pagkahilo.

Hindi niya talaga nakakayanang sabayan ang sobrang bilis na pag-ikot. Kadalasay, kasama ang biglaang pag-ikot, hindi na niya nasasabi kung saan nakaharap ang karakter ni Ye Xiu, hindi nga niya mahanap ang Skeleton Warrior, paano nalang kung ang hibilya pa?

Pero habang pinapanood ang nagkakagulo niyang screen, ang mga galaw ng kamay ni Ye Xiu ay klarong-klaro pa din. Ang nahihilong siChen Guo ay bumaling sa mga galaw na ginagawa ng dalawang kamay ni Ye Xiu. Nadiskubrehan niyang ang kaliwang kamay ni Ye Xiu ay mas mabilis pa kahapon. Mas mabilis ang kaniyang kanang kamay, pero madalang ang paggalaw nito. Minsan, pagkatapos ng paggalaw, mabilisan niyang pinipindot ang left click at right click.

Sobrang napahanga si Chen Guo, alam niyang ang left click ay normal attack, at ang right click ay isang skill attack, at ang cursor ay nakaturo sa direksyon at posisyon ng atake. Ang galawan ni Ye Xiu at ang kaniyang mga clicks ay deretsahan at mabisa na walang pagsasayang. Nalaman niyang kahit na gaano kabilis ang pag-ikot ng screen, ang mouse niya'y palagiang gumagalaw sa kanang bahagi at nagpapadala ng atake na walang pagaatubili.

Hindi lamang mabilis ang mga kamay ni Ye Xiu, ito'y matatag din, napakatatag.

"Iba talaga ang Professional level." Napahiyaw si Chen Guo sa paghanga. Sa mga oras na ito, ang headphones na nasa leeg ni Ye Xiu ay umalingawngaw ng isa pang "peng" na tunog. Narinig ito ni Chen Guo. Sa mahinang tunog na iyon lang siya umaasa para mabilang ang mga tamang nagagawa ni Ye Xiu. Labindalawa, Ito ay ika-labindalawang tama na sa hibilya. Pero ang HP ni Lord Grim? Sa kabuoang proseso'y wala siyang natamo kahit na isang pinsala.

"Sunset Clouds, Collapsing Mountain!" Ibinaba ni Ye Xiu ang kaniyang ulo at sumigaw sa headphones.

"Tayo na ba sa wakas?" Noong una'y naisip ni Sunset Clouds na hindi sila kinakailangan. Pero nung marinig ang sigaw ni Ye Xiu, walang pagaatubili niyang itinaas ang kaniyang espada at sumugod. Sa panahong iyo'y gumamit si Lord Grim ng Sky Strike at pinalipad ang Skeleton Warrior papunta sa kaniyang direksyon. Binuhat ni Sunset Clouds ang kaniyang espada at gumamit ng Collapsing Mountain, tinamaan ang Skeleton Warrior mula sa langit papuntang lupa. Kinombo niya ito ng walong beses, ang limit para sa Collapsing Mountain.

"Guard!" Pinaaalahanan padin ni Ye Xiu si Sunset Clouds, pero ito'y naisip na niya. Hindi pa natatapos ni Ye Xiu ang kaniyang pagsigaw nang itinaas ni Sunset Clouds ang kaniyang kalasag. Ang Skeleton Warrior ay lumipad at ang shock wave ay tumama sa kaniyang espada. Kasama ang "dong", Napaatras si Sunset Clouds. Ang Guard ni Sunset Cloud ay nasa Level 4 na, kayang pababain ang pinsalang natatanggap ng hanggang 70%.

Ang shock wave attack na ito'y hindi naman ganoon ka seryosong atake, kaya ang pinababang 30% na pinsala'y walang masyadong nagawa.

Tumalon ang Lord Grim ni Ye Xiu para ilagan ang atake at mabilis na umatake gamit ang Dragon Tooth, sinindak ang Skeleton Warrior. Naintindihan agad ni Sunset Clouds ang ibig niyang sabihin at walang agam-agam na ginamit ang kaniyang Stun skill.

"Seven Fields, Drifting Water." Sigaw ni Ye Xiu. Ang dalawa'y sumugod na at naintindihan ang kaniyang taktika. Ginamit din nila agad ang kanilang Stun skills.

"Anong nangyari?" Hindi naintindihan ni Chen Guo kung bakit kinailangan ni Ye Xiu ang kanilang tulong.

"Hindi mo nakita?" Tanong ni Ye Xiu. Ibinaba niya ang ulo ni Lord Grim para makita ni Chen Guo. Nakita naman niya agad na ang Saber ay tahimik na nakabungad malapit sa paa ng Skeleton Warrior. Ang hibilya'y nasira at nahulog.

"Paanong nangyari iyan? Hindi ba 24 na beses?" Nagulantang si Chen Guo. Kahit na ang headphones ay medyo malayo sa kaniya, naririnig niyang mabuti ang mga "peng" na tunog sa labanan niya sa Skeleton Warrior. Hindi naiisip ni Chen Guo na siya'y nagkamali.

"24 beses kaya yun!" Sabi ni Ye Xiu.

"Panong 20 beses lang ang narinig ko?" Tugon ni Chen Guo.

"Apat na beses akong gumamit ng Double Stab, dalawang beses ito tatama, at mabilisan din, kaya siguradong hindi mo iyon narinig. Kung isasali nating iyong apat, hindi ba't 24 lahat?" Sagot ni Ye Xiu.

Nagulantang nanaman si Chen Guo: "Tumama ang Double Stab, dalawang beses sa isang lugar? Kung ganon, napa-bleed mo ba ang hidden BOSS? Panong hindi ko nakita? Apat na beses pero hindi pa din nag-bleed? Nabibilang ba iyon pag natamaan ang hibilya?"

"Immune ang mga kalansay sa bleed, hindi ba?" Tugon ni Ye Xiu.

Namula si Chen Guo sa kahihiyan, ang Glory ay may iba't-ibang mga halimaw na immune sa Bleed at isa naroon ang mga skeleton types. Puro buto lang sila at walang mga katawan, pano sila magble-bleed? Yan yung dahilan kung bakit, at ito'y napaka common sense. Ang beteranong si Chen Guo ay di inaasahang makalimutan ito.

Kasalanan ng taong to ang lahat. Sa sobrang lakas ng pag-ikot ng camera angle, hindi ko talaga mamamalayan ang lahat ng mga kinalaban niyang halimaw.

Pagalit na umupo si Chen Guo sa harapan ng kaniyang computer. Marami pa ang tao sa labas ng beginner village. May mga halimaw pa na hindi pa niya napapatay, habang namromroblema, narinig niyang nagtanong si Ye Xiu, "Boss, may plano ka bang hindi matulog?"

Next chapter