Ang Soulshock Incense ay ginawa gamit ang ilang daang natatanging medisinal na halaman at ang mga epekto nito ay sobrang lakas na ito ay epektibo kahit sa mga Chrysalis realm na cultivator. Subalit, ang Soulchock Incense ay walang pinipiling kakampi o kaaway. Kahit na kung mahihipan nila palayo sa kanila ang usok sa ngayon, sila ay maaapektuhan nito pagpumasok sila sa kweba.
"Bawat lason ay may pangontra na gamot. Malamang, mayroon silang ginawang kapares na gamot at ininom ito bago ang lahat," Kamadong tugon ni Zhang Xuan.
Mayroon palaging gamot sa lason, gaano man kalakas ito, lalo na ang bagay na kaya lang gumawa ng ilusyon.
"Un!" Tumango ang iba pa sa pagsangayon.
"Ano ang dapat nating gawin kung gayon? Kapag ang usok ay bumalot na sa loob ng kweba, ang mga Sabertooth Spirit Tiger ay siguradong tumba na at libre na silang kuhanin ang mga prutas!" Nagaalalang sinabi ni Dong Xin.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com