webnovel

Ang Natulalang mga Mag-aaral

Editor: LiberReverieGroup

Alam ng lahat na nakakamangha ang bilis ng kanyang cultivation, at isa siyang henyo.

Subalit, wala sa kanila ang may alam na dahil ito sa kanyang angkan. Higit pa rito, dahil sa dami ng nainom niyang gamot nitong nagdaang mga taon, naipon ang pill poison sa kanyang katawan, dahilan para maging sobrang hirap para sa kanya na pataasin ang kanyang cultivation.

Kung hindi dahil dito, baka matagal na siyang nakatapos sa pag-aaral kung narating lang niya ang Pixue Realm. Hindi na sana niya kailanganh manatili pa sa akademya hanggang ngayon.

Wala ni isa man sa mga guro ang nakapansin sa kanyang kondisyon, maging ang gurong naging malapit sa kanya ay hindi ito napansin. Pero, ang taong ito ay nagawang tukuyin ang kanyang kondiayon kahit na sandali pa lang sila nagkakilala. Masyado itong nakapangingilabot.

Posible kayang… hindi siya isang agresibong guro, kundi isang taong may taglay na tunay na kakayahan?

Nangatog ang katawan ni Mu Xueqing.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter