webnovel

Hindi Ganun Kasimple (3)

Editor: LiberReverieGroup

"Spirit Mastery Race?" Muling tanong ng lalaki.

Tumango si Jun Wu Xie.

"Ikaw ang kauna-unahang taga Spirit Mastery Race na natanggap sa Cloud Brook Academy. Kaya wala kaming assesment na maibibigay sa'yo." Saad ng lalaki habang matamang nakatingin kay Jun Wu Xie.

Assesment?

Muling inalala ni Jun Wu Xie ang mga kabataang hinati-hati ayon sa tribung kanilang kinabibilangan. Ang mga kwebang pinasok nila, iyon ba ang assesment na tinutukoy nito?

Walang nakakaalam na taga-labas tungkol sa mga nangyayari sa loob ng Cloud Brook Academy. Nakapasok din si Jun Wu Xie sa Phoenix Academy at Zephyr Academy noon pero ibang-iba iyon sa Cloudy Brook Academy.

Kahit papano sa naunang dalawang academy na kaniyang pinasukan, wala agad assesment pagkapasok na pagkapasok pa lang. Samantalang dito, unang araw pa lang ay assesment agad ang kanilang haharapin.

"Pero narinig kong ang iyong Spirit Reinforcement ay kailangan ang iyong soul?" Tanong ulit ng lalaki.

"Oo." Tipid na sagot ni Jun Wu Xie.

"Kung gayon, mayroon kaming maaring bumagay sa'yo." Saad ng lalaki saka naglakad patungo sa ibang direksyon habang tahimik namang sumunod sa kaniya.

Dinala ng lalaki si Jun Wu Xie sa harap ng isang malaki at lumang pinto. Kung titignan iyon, mukhang matagal na panahon na nang iyon ay huling buksan. Sa magkabilang tabi ng pinto ay mayroong dalawang lalaking nagbabantay. Tumango ang dalawa sa lalaking kasama ni Jun Wu Xie saka binuksan ang pinto. 

Sa likod ng pintong iyon ay napakadilim. Sa amoy pa lang noon ay halata nang napakaluma na nga noon.

"Ang lugar na ito ay akma para sa spirit bodies. Isang bagay lang ang iyong kailangang tapusin at makokonsidera ka nang pasado." Seryosong sabi ng lalaki kay Jun Wu Xie. "Maraming mga bagay ang nakakalat sa sahig. Ang kailangan mo lang gawin ay ibalik sila sa shelf. Kapag tapos ka na, kumatok ka lang sa pinto at ang dalawang ito ang titingin kung nagawa mo nga. Mananatili ka sa loob hanggat hindi mo pa natatapos. Saka ka lang bibigyan ng dormitory kapag natapos mo ang pagsubok na ito."

Pulutin ang mga bagay? Napakasimpleng pakinggan ng pinapagawa kay Jun Wu Xie ngunit hindi niya napansin na may bahid ng pagbabanta sa boses ng lalaki.

Inihanda para sa mga spirit bodies? Anong klaseng lugar iyon?

Siguradong hindi ganoon kasimple ang mga bagay dito.

Hindi na sumagot si Jun Wu Xie, tumingin na lang siya sa lalaki bago siya pumasok. Agad namang isinara ng dalawang nagbabantay ang pinto nang makapasok na si Jun Wu Xie.

"Teacher Tian Ze, ang batang ito ba ay si...Jun Wu?" Matapos maisara ang pinto, hindi nila maiwasang hindi magtanong kay Teacher Tian Ze.

Tumangon naman si Tian Ze bilang sagot.

Bumakas sa mukha ng isa sa nagbabantay ng pinto ang pagkabahala: "Hindi ba galing siya sa Spirit Mastery Race? Ayos lang bang ilagay siya diyan? Ang lugar na ito ay..."

Umiling si Tian Ze at sinabing: "Ideya ito ng ating Panginoon."

Nang marinig ng dalawa ang "Panginoon", bumakas ang pagkagulat sa kanilang mukha subalit hindi na sila nangahas pang magtanong. Wala silang nagawa kundi magtinginan na lang.

"Kayong dalawa, manatili kayong magbantay dito, kung magkaroon man ng problema, hanapin niyo lang ako. Kung wala naman, hayaan niyo lang siya." Utos ni Tian Ze sa dalawang bantay.

"Opo!"

Tumango naman si Tian Ze, matigas ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Subalit...

Nang makatalikod na siya, biglang bumakas ang pag-aalala sa mukha nito.

[Magiging ayos nga lang ba ang lahat?]

Next chapter