webnovel

Paghahabol sa Kandidato (5)

Editor: LiberReverieGroup

Maging ang mga Elder ng Twelve Palaces ay hindi nangahas na sumalungat sa Nine Temples sa mga oras na iyon.

Isa pa, ang Spirit Jade Palace ay pinatahimik ng Twelve Palaces ngunit ang kanilang karapatan sa Battle of Deities Grand Meet ay hindi pa nabubura. Kaya kahit pa sabihin nilang ang Spirit Jade Palace ay isa na lang bagay sa nakaraan, kapag ibinato sa kanila ng Nine Temples ang libro tungkol sa rules ng Battle of Deities Grand Meet ay mapapahiya lang sila.

"Kung gayon, maaari kong piliin ang Spirit Jade Palace?" Inilibot ni Jun Wu Xie ang kaniyang tingin sa mga Elder ng Twelve Palaces. Ang mga masiglang mukha ng mga ito kanina, ngayon ay hindi na maipinta.

[Tingin niyo ba talaga ang lahat dito ay mahuhulog sa kamay ng Twelve Palaces?]

Pasenya, pero naririto siya para sampalin kayo lahat.

Tila sampal sa mukha ng bawat palasyo ng Twelve Palaces na piliin ni Jun Wu Xie ang Spirit Jade Palace na dati nilang pinatalsik. Kung ibang tao ang nagsabi 'non baka natawa pa ang Twelve Palaces. Dahil sa harap-harapang pagtanggi sa mga Elders ni Jun Wu Xie, tila gusto nilang durugin ang dahilan noon.

Ngunit ang taong iyon ay si Jun Wu Xie ang may gawa. Naging nakakaintriga ang sitwasyon.

Masyadong mataas ang karisma ng Spirit Reinforcement para sa Twelve Palaces. Gusto nilang turuan ng leksyon ang bata, ngunit wala silang magawa.

Napansin ng Elder na mula sa Palace of Flame Demons na tila gumugulo na ang sitwasyon dahil sa pagsali ni Su Jing Yan. Humagalpak siya ng tawa at tumingin kay Jun Wu Xie.

"Wala namang mali sa desisyon ng Young Master. Ngunit ang sitwasyon sa Spirit Jade Palace ay hindi ganoon kaganda, baka ikapahamak mo lang iyon. Pero kung iyon talaga ang iyong nais, wala naman kaming magagawa. Ngunit sa oras na biguin ka ng Spirit Jade Palace, bukas ang pinto ng Palace of Flame Demons para tanggapin ka kahit kailan mo gustuhin." Alam ng Elder ng Palace of Flame Demons na mahirap baguhin ngayon ang desisyon ni Jun Wu Xie kaya hindi niya na iyon pinilit lalo pa at naririto si Su Jing Yan. 

Para sa Elder ng Palace of Flame Demons, ang Spirit Jade Palace ay wala nang pag-asang bumangon muli. Pero palaisipan pa rin sa kaniya kung paanong nakalapit ang mga taga-Spirit Jade Palace kay Jun Wu Xie at paano nila ito nakumbinsi. Naisip niya pa ring sa huli ay wala pa ring mangyayari sa palasyong iyon.

Mapapagtanto din naman ni Jun Wu Xie sa huli na mali ang kaniyang pasiya at sa oras na lisanin ni Jun Wu Xie ang Spirit Jade Palace, pagkakataon na iyon ng Palace of Flame Demons.

Magiging pag-aari din ng Palace of Flame Demons ang Spirit Reinforcement sa huli!

Naintindihan naman ng ibang Elder ang binabalak ng Elder ng Palace of Flame Demons. Agad nilang binura ang lukot sa kanilang mukha at marahang kinausap si Jun Wu Xie, sinabi nilang handa rin silang kupkupin si Jun Wu Xie sa hinaharap.

Pagkatapos ay sunod naman nilang ibinaling ang kanilang atensyon sa siyam na kandidato. Ngunit ang mga batang ito ay hindi katulad ni Jun Wu Xie. Sa oras na nakatanggap sila ng imbitasyon mula sa Twelve Palaces ay agad silang nanumpa ng kanilang katapatan sa napili nilang Elder.

Agad na nagpasiya ang siyam na kabataan sa Innate Gift Competition at agad namang umalis ang Twelve Palaces pagkatapos noon. Kasama na nila ang mga kandidatong pumili sa kanila.

Next chapter