webnovel

Idilat mo ang Iyong mga Mata at Manood (1)

Editor: LiberReverieGroup

Walang nakaintindi sa sinulat na iyon ni Jun Wu Xie kaya wala ring nakahula kung ano ang nais gawin ni Jun Wu Xie.

"Kung ang batang iyan ay wala namang gagawin, dapat siguro ay umalis na lang siya diyan, nagsasayang lang siya ng oras."

Nagsisimula nang mawalan ng pasensya ang kabataang naroon.

Ngunit nagpatuloy lang si Jun Wu Xie sa kaniyang ginagawa. Muli niyang iniangat ang kaniyang kamay at gumuhit ng dalawang water seal sa sahig. Marahang naglakad palapit sa kaniya ang pusa ang dalawang paa nito ay nakaapak sa dalawang rune marks.

At bigla na lang...

Nagliyab ang paa ng itim na pusa! Unti-unting iniangat ng apoy na iyon ang katawan ng pusa!

Ang mga paa nito ay naglalakad sa nakaangat na apoy. Para itong isang glowing beacon at tinitingala ng mga tao!

"Paano nangyari iyon?!" Sa pribadong silid ang tatlong lalaking mula sa Palace of Flame Demons ay napabalikwas sa kanilang kinauupuan. Nanlalaki ang kanilang mga matang nakatingin sa entablado at hindi makapaniwala sa nangyayari.

Ang mga Ring Spirits ay mga spirit bodies at wala silang kakayahang magtransform ng kanila lang. Higit sa lahat, hindi pa sila kailanman nakakakita ng ring spirits bukod sa flying tapes na kayang maglakad sa ere o di kaya'y tumatapak sa apoy!

Nagulantang ang tatlong lalaki sa mga sandaling iyon. Hindi nila magawan ng eksplanasyon ang kanilang nasasaksihan!

Sa iba namang pribadong silid, ang mga mata ng bawat taong nagmula sa Twelve Palaces ay nakatuon sa itim na pusa. Walang nakakaalam kung paano iyon nagawa ni Jun Wu Xie.

Sa competition venue, ang lahat ng naroon ay nakatingala at hindi rin makapaniwala sa kanilang nakikita. Ang pusa ay naglalakad sa ere na animo'y mayroon itong matibay na tinatayuan.

Ang mga nangungutya kanina kay Jun Wu Xie ay hindi magawang magsalita sa mga sandaling iyon.

"Ano...Ano 'yan?" Maging si Ye Gu na lihim na nagbabantay kay Jun Wu Xie ay natigilan sa kaniyang nasaksihan. Ngayon lang siya nakakita ng ganoong pangyayari!

"Spirit Reinforcement." Sagot naman ni Ye Sha.

"Spirit Reinforcement? Anong ibig sabihin noon?" Gulat pa ring tanong ni Ye Gu.

Umiling si Ye Sha. "Hindi ko rin alam. Ang Spirit Reinforcement ay nagmula mismo sa Young Miss. Kung saan iyon nagmula, tanging ang Young Miss lang ang nakakaalam." Saad ni Ye Sha. Naalala ni Ye Sha ang kaniyang reaksyon ng kaniya iyong unang makita. Siya rin mismo ay nagulat.

Bakas ang labis na pagkabigla sa mukha ni Ye Gu. Mataas ang paghanga niya kay Jun Wu Xie noon pa man at dahil na rin sa utos ni Jun Wu Yao kaya maigi niya itong binabantayan. Para kay Ye Gu, kahit na ganoon na lamang ang lakas at kakayahan ni Jun Wu Xie, malayo pa rin ang pagkakaiba nito sa kaniyang Dark Lord na si Jun Wu Yao. Kadalasan, si Jun Wu Yao ang nagpoprotekta kay Jun Wu Xie at kahit na mabilis ang paglakas ni Jun Wu Xie, malayong-malayo pa ito sa lakas ni Jun Wu Yao.

Ngunit sa mga oras na iyon, habang nasasaksihan niya ang Spirit Reinforcement, mayroong boses sa kaniyang utak na bumubulong na si Jun Wu Xie ay isang taong higit pa sa kaniyang inaasahan.

"Nang magdesisyon ang Young Miss na dito sa Innate Gift Competition magtungo, siguro ay mayroon na siyang plano. Ang Spirit Reinforcement na kaniyang pinakita ngayon ay napakasimple lang kung tutuusin. Mukhang nasagot niya na nga ang ating katanungan." Saad ni Ye Sha saka nagpakawala ng buntong-hininga.

Next chapter