webnovel

Innate Gift Competition (3)

Editor: LiberReverieGroup

Sa isang pribadong silid sa ikalawang palapag, malamig ang tingin ng mga kalalakihang naroon habang pinapanood ang mga kalahok. Para sa mga kalahok na nagtatanghal seryoso ang kanilang ginagawa ngunit para sa mga kalalakihang ito, tila sila ay nanonood ng comedy show.

"Bakit ganito ito? Tinatamad na akong manood ng Innate Gift Competition. Wala na akong bagong napanood. Wala na ba silang maisip na bago?" Matigas na saad ng isa sa mga lalaki. Wala na siyang ganang manood sa mga kabataang nagtatanghal.

Sa Middle Realm, marami na silang nasaksihang mas hihigit pa sa mga ito.

"Kung hindi lang dahil sa utos ng Elder na tayo ay magpunta rito, mas gugustuhin ko pang manood sa spirit power o sa Ring Spirit competition para masaksihan ang madugo at kasabik-sabik na labanan. Mas nakakaengganyo pa iyong panoorin kaysa dito. Inaantok lang ako." Dagdag pa ng isa sa mga kalalakihang nasa pribadong silid.

Sa Twelve Palaces, marami ang mayroong kakaibang kakayahang taglay. Ang mga may pinakapambihirang talento ay nasa Twelve Palaces at Nine Temples. Ilang pagsubok ang sinuong ng mga taong iyon para mas palakasin pa ang kanilang mga kakayahan. Kumpara sa mga kabataang nagtatanghal ngayon dito, ibang-iba ang antas ng mga taong iyon.

"Buti nga at hindi tayo sa Medical Proficiency Competition pinadala. Mas gugustuhin mo bang panoorin ang mga unggoy na tong parang tanga sa entablado o sa Medical Proficiency Competition na ang ginagawa lang ay maghalo ng maghalo ng halamang gamot?" Ang lalaking nakatayo malapit sa bintana ang tanging lalaking kalmadong nanonood doon.

"Hindi naman sa ganon. Sa Medical Proficiency Competition, kahit papaano ay makikita mo ang makamandag na mga lason na kanilang nagawa! Minsan na akong naipadala sa Medical Proficienct Competition noon at mas nakakaaliw doon. Mayroon pa ngang isang tangang ginamit ang lason sa kaniyang sarili para ipakita ang epekto ng lason, pero iyon pala ay nakalimutan niyang dalhin ang antidote kaya ikinamatay niya iyon doon mismo. Hahaha! Sobrang nakakatawa ng pangyayariing iyon! Labis-labis ang kaniyang pag-iyak noon!"

Napuno ng tawanan ang silid, hindi man lang maririnig ang pagkaawa sa taong kanilang pinagtatawanan. Para sa kanila ay sadyang nakakatawa ang ikinwento ng kanilang kasamahan.

"Tama na iyan. Kayong dalawa halikayo dito at tignan ang mga iyon. Kabilin-bilinan ng ating Elder na dapat ay mauna tayo para madala sa Palace of Flame Demons ang mga may pambihirang taglay na mga kalahok." Saad ng lalaking nasa bintana, matigas ang ekspresyong bumabakas sa mukha nito.

Agad namang tumigil ang dalawang lalaki.

"Alam namin. Dalawang Elder ang nawala satin sa Lower Realm at galit na galit ang Palace Lord dahil doon. Kahit na ayaw na nating manatili pa dito, hindi natin pwedeng suwayin ang kagustuhan ng ating Panginoon."

Ang tatlong lalaking nasa pribadong silid na iyon ay nagmula sa Palace of Flame Demons.

Ang lakas na taglay ng Palace of Flame Demons ay umabot sa puntong halos nahigitan nila ang eleven palaces. Hanggang sa noong hinahanap nila ang Dark Emperor's tomb, nawala sa kanila si Elder Hui. Dahil doon ay labis na nagalit ang kanilang Palace Lord.

Ang buong Twelve Palaces ay mayroong maraming mga miyembro bawat isa, ngunit ang kanilang mga Elder ay kakaunti lang. Ang kanilang mga Elder ang nakatalaga sa pagpapalakas ng kanilang mga pwersang sandatahan. Dahil sa biglang pagkawala ng isang Elder sa Lower Realm, nagpadala ang Palace Lord ng isa pang Elder upang alamin kung anong nangyari at para sakupin ang Lower Realm.

Subalit sa huli, maging ang Elder na iyon ay namatay.

Malaki ang naging epekto sa Palace of Flame Demons ang magkasunod na pagkawala ng dalawang Elder. Kaya naman ang mga taong mula sa palasyong ito ay naparito sa Mount Fu Yao upang gampanan ang isang misyon.

Next chapter