webnovel

Spirit Jade Palace (1)

Editor: LiberReverieGroup

Ang Soul Calming Jade ay iningatan ang laman ng katawan ni Jun Gu sa paghadlang nito na

ito'y mabulok at maagnas, at pinanatili ang kalagayan ng bangkay nito na parang iyon ay ilan

sandali lamang bago ito namatay. Sa oras na makita niya ang spirit ni Jun Gu, ay doon pa

lamang niya mabubuhay muli si Jun Gu!

At upang mahanap ang spirit ni Jun Gu, kinakailangan niya magtungo sa lugar kung saan

natitipon ang spirit bodies, ang Spirit World!

Subalit, ang hangganan ng kapangyarihan sa Middle Realm ay talagang kakaiba. Ang Dark

Region ay nasa gitnang bahagi ng Middle Realm at nakapalibot doon ang Four Sides. Ang

kasunod na hanay sa labas ay ang saklaw na kapangyarihan ng Nine Temples habang sa

pinakalabas palibot ay ang Twelve palaces.

At ang Mount Fu Yao kung saan naroon si Jun Wu Xie at mga kamasa nito ay nasa hangganan

kung saan nagtatagpo ang hangganan ng Twelve Palaces at Nine Temples. Masasabing ang

isang paghakbang ay magdadala sa isang tao sa isang naiibang bahagi ng kapangyarihan.

Pinasadahan ni Jun Wu Xie nang tingin ang mga sandata ngunit wala siyang makita na kahit

anong makabuluhan. Akmang ihahakbang na niya ang paa palabas ng tindahan ng isang anino

ang biglang lumipad patungo sa kaniya mula sa harapan kaya kusang umiwas papunta sa isang

tabi si Jun Wu Xie.

Pagkatapos ay nakarinig siya ng isang malakas na pagbagsak. Ang itim na anino ay bumagsak

sa istante na nasa likuran ni Jun Wu Xie na ginamit upang paglagyan ng iba't ibang uri ng mga

sandata at sunud-sunod na malalakas na kalansing ang narinig.

"Sasabihin ko sa iyo ito! Isang beses pa na marinig ko na magsabi ka ng kahit anong masama

tungkol sa Spirit Jade Palace, pupunitin ko ang bibig mo!" Galit na sigaw ng isang dalagita

habang naglakad ito palabas sa karamihan ng tao, at kaniyang pinandilatan ang lalaki na

nahulog sa lupa, mahigpit na hawak sa kamay ang isang latigong balat.

Ang mukha ng dalagita ay maganda at marikit na anyo, ngunit ang kasuotan nito ay payak, at

ang mata nito'y nagliliwanag dahil sa nag-aapoy na galit.

Ang lalaki sa sahig ay tumayo at kinakabahan habang nakatitig sa dalagita na may hawak na

latigo at may bahid ng takot sa mga mata nito.

"Sa ilalim ng Heavens na ito, may lugar ba na tinatawag na Spirit Jade Palace? Bakit hindi ko

ito matandaan?" Isang malakas na boses ang biglang narinig mula sa likod ng karamihan at

ang tatlong kabataan na naka-uniporme ng Cloud Brook Academy ay nakitang dahan-dahang

naglalakad. Ang nasa unahan ay ang taong nagsalita.

Nang makita na mayroong kumakampi sa kaniya, ang lalaki na nabugbog ay biglang

napalundag.

"Tama! Ano ang Spirit Jade Palace? Ilang taon na ang lumipas nang mabura silang tuluyan ng

Twelve Palaces at tanging kayo lamang na mga dalagita ang naniniwala sa Spirit Jade Palace ng

buong puso. Sino ba ang nakakaalam kung anong uri ng isinumpang lugar ang Spirit Jade

Palace ngayon?"

Galit na galit ang mukha ng dalagita at nakita ng lahat na hahagupit ito gamit ang kaniyang

latigo nang harangin siya ng kabataan mula sa Cloud Brook Academy. Mapusyaw ang kulay ng

mukha nito, ang anyo ay kaakit-akit, mayroon lamang kung anoo sa mata nito na nagbigay ng

hindi komportableng pakiramdam sa mga tao. Tiningnan nito ang nanggagalaiting dalaga mula

ulo hanggang paa at bahagyang napagisi.

"Binibini, bakit ka galit na galit? Dahil ba sa ikaw ay isang miyembro ng Spirit Jade Palace?"

"Huwag mong isipin na dahil lang sa naka-uniporme ka ng Cloud Brook Academy at may

tulong mula sa Twelve Palaces at Nine Temples ay maari mo sabihin kung ano man ang gusto

mo! Hindi kailanman nawala ang Spirit Jade Palace!" Poot na sigaw ng dalagita.

"Ha ha. Paanong ang isang tulad mo na dalagita ay ganiyan ang pananalita? Ako ay walang

alam at hindi ko pa kailanman naririnig ang pangalang Spirit Jade Palace iyon lamang. Kung

ang miss dito ay may oras, bakit hindi mo sabihin ang pinagmulan ng Spirit Jade Palace?"

Habang sinasabi iyon, ang binata ay inunat ang kaniyang kamay, nais haplusin ang likod ng

kamay ng dalagita, nais na samantalahin ito.

Ngunit, akmang hahawakan na ng binatilyo ang likod ng kamay ng dalagita, ang latigo na nasa

kamay ng dalagita ay biglang napataas, pinilit na palayuin ang manyak na balak siyang hipuan.

"Isang dali na kasing dulas ng ahas. Maging ikaw ay walang magandang balak!" Habang

sinasabi iyon, an dalagita ay hinampas ang kaniyang latigo at ang dulo nito'y humaganit

diretso sa binatilyo.

Sa isang kisapmata, ang lugar sa labas ng tindahan ng mga sandata ay biglang nagkagulo at

binuhat ni Jun Wu Xie ang pusang itim sa kaniyang braso at kalmadong umalis.

Next chapter