Sa loob ng isang kabahayan sa hilagang siyudad, si Jun Wu Xie at Jun Wu Yao ay naglalaro ng
chess. Habang ibinababa ang isang pirasong chess upang kunin ang piraso ng chess ni Jun Wu
Yao, ay itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang ulo at kaniyang nakita…
Ang atensiyon ng isang tao ay wala sa chessboard at sa halip ay nakatingin sa kaniya na
naaaliw ang ekspresyon.
"Isang beses ka pang matalo at ang magiging kaparusahan mo ay magwalis ng sahig." Saan ni
Jun Wu Xie habang nakataas ang kilay.
Bahagyang natigilan si Jun Wu Yao at natawa. "Basta iyong nais, magwawalis ako kahit na
ako'y hindi matalo."
Pinanatili ni Ye Sha at Ye Mei ang kanilang mga tingin sa labas ng bintana. Dahil sa tusong
pagbabago sa ugnayan ni Jun Wu Xie at Jun Wu Yao, silang dalawa ay kailangang harapin ang
ipinapakitang pagmamahal na nakakaasiwa sa kanilang pakiramdam, nakaramdam sila ng
inggit kay Ye Jie na abala ang sarili sa ibaba.
Subalit, ibubuka pa lamang ni Jun Wu Xie ang kaniyang bibig upang sumagot nang
maramdaman niya ang isang malakas na presensiya na napakabilis na papalapit sa kaniya!
Naningkit ang mata ni Jun Wu Xie habang ipinipihit ang kaniyang ulo upang tumingin sa labas
ng bintana.
"Sa wakas ay kumagat na ang malaking isda."
"Susubukan ba ni Little Xie ang kaniyang kapangyarihan?" Tanong ni Jun Wu Yao habang
nakapangalumbaba, ang mata niya ay nakatuon sa gilid ng mukha ni Jun Wu Xie.
"Bakit hindi?" Tugon ni Jun Wu Xie na nakataas ang kilay.
Nang si Qiao Chu at mga kasama nito ay nasa Heaven's End Cliff, ay nakipaglaban sila sa mga
taong mula sa Twelve Palaces. Ngunit dahil sa itinutok niya ang pansin sa kaniyang paglinang,
ay hindi niya nagawa na makipaglaban sa kahit sino mula sa Twelve Palaces. Ang tanging
pagkakataon na nagamit niya ang kaniyang kapangyarihan ay laban sa mga Poison Men.
Nagtataka siya kung hanggang saan ang kaya niya laban sa mga tauhan ng Twelve Palaces.
Bahagyang tumawa si Jun Wu Yao.
"Masusunod ang iyong hiling, ngunit ang isang ito'y hindi lamang isang katamtamang kalaban.
Ayon sa aking nararamdaman, ang kapngyarihan niya ay pareho sa Elder mula sa Palace of
Flame Demons." Bagaman hindi siya sangkot, hindi pa rin kinaligtaan ni Jun Wu Yao na
paalalahanan si Jun Wu Xie sa kapangyarihan ng kalaban.
"Kung matatalo mo siya, kung gayon sa mga tauhan ng Twelve Palaces, hindi ganoon karami
ang papantay sa'yo."
Sa buong Twelve Palaces, ang mga Palace Lords lamang ay nagtataglay ng matinding
kapangyarihan, susunod ang mga Elder. Si Elder Hui ay isa sa mga iyon at ito'y nagtataglay ng
napakalakas na kapangyarihan dahil kung hindi, ay hindi matatalo si Ye Sha sa kamay nito
nang araw na iyon. Ang taong mabilis na paparating ngayon ay nagtataglay ng antas ng
kapangyarihan na katulad ng kay Elder Hui!
Dahan-dahang tumayo si Jun Wu Xie. "Kung gayon dapat ay subukan ko ito."
Matagal-tagal na rin siyang natapos at sa wakas ay magagawa na niyang kumagat, kaya bakit
niya kakaligtaan iyon?
Sa labas ng hilagang siyudad, isang lalaking nakaitim na naglalabas ng nakakatakot na aura ang
dumating. Nang makita ng mga takas na nasa malapit ang lalaking dumating, ay wala sa
sariling napalunok sila. Dahil sa kanilang diwa kaya minabuti nilang huwag na humakbang ng
isa pa at nagtakbuhan sila upang magtagong mabuti.
Ang mata ng lalaking nakaitim ay sinuri ang paligid at bigla niyang itinaas ang kaniyang kamay
habang ang kapangyarihan ng Purple Spirit ay bumalot sa buong katawan niya. Isang liwanag
ng Purple Spirit ang lumabas mula sa akniyang palad at agad na pinasabog ang isa sa mga
kabahayan na nasa kaniyang harapan!
Isang dumadagundong na pagguho ang agad na umalingawngaw at ang mataas na gusali ay
agad nadurog!
Isang nagdadalamhating palahaw ang narinig matapos ang sandaling iyon!
Ang mga takas na itinago ang kanilang sarili ay pinanood ang eksena sa kanilang harapan na
nanlalaki ang mata at nakangaga. May ilang daang tao ang nanirahan sa mga kabahayan na
iyon at sa isang napakalakas na pagguho, ang gusali ay natumba, pira-piraso ng mga durog na
bato, malalaki at maliliit ang nagkalat sa lupa, at nagpaangat sa isang ulap ng alikabok. Sa
ilalim ng dumagundong na pagguho, malinaw nilang narinig ang kaawa-awang pagtangis dahil
sa kamatayan!
Isang nakakasulasok na alingasaw ng dugo ang kumalat sa hangin sa buong hilagang dako ng
siyudad, kung saan ilang daang buhay ang nawasak kasabay ng gusali sa isang iglap.
Hindi makapaniwalang napatitig ang mga takas sa gusali na isang tumpok na lamang ng mga
durog na bato, ang takot ay gumapang sa kaibuturan ng puso sa lahat ng naroon!