webnovel

Sinong Dapat Tanungin (2)

Editor: LiberReverieGroup

Kumabog ang puso ng City Lord at ang mga matang tumingin kay Jun Wu Xie ay puno ng takot.

Naging malikot ang kaniyang sulyap at tahimik na napalunok bago nagsalita: "Ano… Luo Xi?…

Wala akong alam sa sinasabi mo… ARGH!!!"

Bago pa man matapos ang City Lord, isang pilak na liwanag ang kumislap sa kaniyang likuran

at ang kaliwang sakong niya ay agad nadurog sa isang walang awa na padyak ng paa ni Ye Sha,

ang matinding kirot ang naging dahilan upang matumba siya sa sahig at magpagulong-gulong

dahil sa labis na sakit.

Isang malamig na tingin ang ibinato ni Jun Wu Xie sa City Lord na ngayon ay naliligo na sa

malamig na pawis at nagsalita siya sa marahan at halos panandaliang boses: "Ito ang unang

beses. Isang beses ka pang magsinungaling at maari mo na kalimutan ang pagkakaroon ng

binti."

Namamaluktot na nakahiga ang City Lord sa lupa habang takot na takot na nakatitig sa walang

emosyong mukha ng binatilyo sa kaniyang harapan. Maaring napakabait nga ng hitsura nito

ngunit ang antas ng kasamaan na kayang gawin ng binatilyo upang makuha ang gusto ay

nagbigay ng pakiramdam sa City Lord na tila ang anit niya ay gumapang. Ito'y walang awa.

Nang makita ang panig na iyon ni Jun Wu Xie, ang City Lord ay tuluyang nasupil at hindi na

naglakas loob na magsalita pa ng isang kasinungalingan.

"Si Luo Xi! Si Luo Xi ang nag-utos sa akin upang gawin iyon! Sinabi niya na gawin ko iyon! Hindi

ko iyon naisip! Nagmamakaawa ako patawarin mo ako…" Pagmamakaawa ng City Lord habang

tumatangis. Kung ang Heavens ay ipinaalam sa kaniya ng maaga na si Jun Wu Xie ay

nagtataglay ng matinding kasamaan, kahit maubusan ng boses si Luo Xi, ay hinding-hindi

maglalakas-loob ang City Lord na galitin si Jun Wu Xie kahit kaunti!

Sa ngayon siya ay nasa Impiyerno!

"Kailangan mo sumunod sa kaniya?" Tanong ni Jun Wu Xie, napataas ang kilay.

Tumango ang City Lord.

"Bakit?"

Bigla ay naging pipi ang City Lord at hindi naglakas-loob na magsalita.

"Ye Sha." Ang malamig na boses ni Jun Wu Xie ay kumislap na parang isang kulog upang

tamaan muli sa puso at ang City Lord ay mabilis na nagsalita: "Magsasalita ako! Magsasalita

ako! Sasabihin ko sa iyo lahat! Dahil si Luo Xi ay malapit sa kagalang-galang at lahat ng utos

mula sa kagalang-galang ay ipinaparating sa akin sa pamamagitan ni Luo Xi. Kung hindi ako

makikinig sa kaniya, ay ilalagay ng kagalang-galang lahat ng sisi sa akin…"

Ang City Lord ay nasa sahig at umiiyak, ang sipon ay tumutulo sa kaniyang mukha. Dahil sa

kasamaan ni Jun Wu Xie ay kaniyang napagtanto na kung hindi niya mabibigyan si Jun Wu Xie

ng maayos na tugon ay maaring hindi na niya makita ang pagsikat ng araw bukas.

"Sino ang kagalang-galang?" Ang tono ng boses ni Jun Wu Xie ay mas naging kakila-kilabot.

Tulad ng inaasahan, sa likod ng mga pagkilos ng City Lord at ni Luo Xi, ay may isang tao na

nagkokontrol sa kanilang dalawa. Kung hindi siya nagkakamali, ang pangyayari tungkol sa

Poison Men ay maaring may kinalaman dito sa "kagalang-galang".

"Hindi… Hindi ko kilala… Hindi ko talaga kilala… Ang tanging alam ko ay nagtataglay ang

kagalang-galang ng katangi-tanging abilidad at mayroong hindi mapantayan na

kapangyarihan. Si Luo Xi ang dahilan kaya ang kagalang-galang ay kinailangan ako, inuutusan

ako na gawin lahat ang utos ng kagalang-galang. Ang taong iyon ay makapangyarihan at wala

akong lakas ng loob na suwayin ito." Matapat na sagot ng City Lord.

Muling nagtanong si Jun Wu Xie: "Ang pagpapalaya sa mga takas papunta sa Clear Breeze City

ay ideya rin ng kagalang-galang?"

"Oo… tama…" Tumango ang City Lord.

"Bakit niya inutos na gawin ninyong dalawa ang bagay na ito?" Patuloy na tanong ni Jun Wu

Xie.

Napalunok ang City Lord bago tumugon: "May kailangang gawin ang mga takas para sa

kagalang-galang. Inutusan niya akong magdala ng tatlong daang matatanda at mahihina araw-

araw sa siyudad at pagkalipas ng pitong araw, ay dadalhin ang mga ito sa Fortune Spring Hall

ni Luo Xi kung saan si Luo Xi ay may ipapainom sa kanilang isang uri ng gamot. Ang gamot ay

gagawing bulok ang utak ng mga takas at gagawin silang tuliro hanggang sa mawalan sila ng

diwa at pagkatapos… Pagkatapos, ang kagalang-galang ay ipapadala ang mga taong iyon sa

iba't ibang lugar…"

[Ipapadala sa iba't ibang lugar!] Kumsilap ang mga mata ni Jun Wu Xie. Binuo ang bawat

piraso pati ang sinasabi sa kaniya ng City Lord, mayroon na siyang ideya kung bakit at para

saan kailangan ng kagalang-galang ang mga matatanda at mahihinang kababaihan!

Sa nakaraang buhay niya, minsan nang narinig ni Jun Wu Xie ang tungkol sa di-karaniwang uri

ng biological warfare. Isang uri ng kapangyarihan ang ginamit ang mga tao bilang tagapagdala

, kung saan ay tuturukan nila ang ilang tao ng nakakahawang uri ng baktirya bago ipapadala sa

iba't ibang lugar kung nasaan ang hukbo ng mga kalaban .

Next chapter