webnovel

Kayamanan, Parating Na Kami! (2)

Editor: LiberReverieGroup

Paanong namatay ang Dark Emperor? At sino ang pumatay sa kanya?

Walang sinuman ang maaaring sumagot sa mga tanong na iyon.

Minsan na itong naging usap- usapan sa Middle Realm na ang isang bahagi ng kapangyarihan

sa Middle Realm ay hindi nasisiyahan sa paghahari ng Dark Emperor at nagsabuwatan sila

upang gumawa ng paraan para patayin ang Dark Emperor.

Ngunit ang balita ay hindi pinapaniwalaan ng karamihan.

Sapagkat kung ito ay totoo, sa buong katapatan ng Night Regime sa Dark Emperor,

imposibleng hindi nila malalaman kung sino ang salarin sa pamamagitan ng masusing

pagsisiyasat. Kung may makapangyarihang pangkat sa Middle Realm na pumatay sa Dark

Emperor, hindi lamang ito magiging Night Regime, ngunit ang buong Dark Regions ay

makikipaglaban at walang maliligtas. Ito ay magbubunga ng paghihiganti.

Pagkatapos ng pagbagsak ng Dark Emperor, ang Dark Regions ay nanahimik at hindi

nagsagawa ng anumang paghihiganti.

Mahirap isipin na ang mga tao sa Dark Regions ay pinayagan ang gayong pangyayari kung ito

man ay totoo pagkatapos ng pagbagsak ng Dark Emperor. Sinumang magsalita patungkol sa

Dark Emperor ay papatayin. Ano pa kaya ang salarin sa likod ng pagpatay.

Ang katotohanan na ang Dark Regions ay hindi gumawa ng anumang hakbang ay mas lalo

lamang naging kahina-hinala ang mga pangyayari.

Sa liibingan ng Dark Emperor, ang napakataas na buhay na pigurang bato ay makikita kahit

saan. Para sa grupo ng mga kabataan na maraming narinig patungkol sa Dark Emperor, hindi

nila mapigilang ilarawan ang detalye na kung saan maaari nilang makita ang isang lalaking

tumayo sa taluktok ng Middle Realm sa napakatagal nang panahon.

Si Jun Wu Xie at Jun Wu Yao ay naglakad sa gilid ng libingan ng Dark Emperor, ang napakabigat

na batong pintuan ay tila napakagaan lamang para kay Jun Wu Yao.

Ang atensyon ni Jun Wu Yao ay wala sa mga bagay na nakapalamuti sa libingan ng Dark

Emperor sa halip ay kay Jun Wu Xie na parang lahat ng kumikinang sa kaniyang paligid ay

hindi mahalaga tulad ng hibla ng buhok ni Jun Wu Xie.

Si Jun Wu Xie ay tumingin kay Jun Wu Yao na may ngiti sa mukha , ang walang kapintasan at

kakisigan ang naging dahilan upang ito ay hindi niya malimutan. Sa kaniyang tabi, lahat ay

naging madali.

"Malawak ang lugar na ito" Biglang sinabi ni Jun Wu Xie.

Halos isang oras silang naglalakad sa libingan ng Dark Emperor ngunit hindi pa rin makalabas

sa maraming bulwagan na konektado sa bawat isa. Dinaanan na nila ang bawat daanan at

hindi nila alam kung kailan sila makakarating sa dulo . Sa bawat isang malaking bulwagan ay

daanan at sa bawat malalaking bulwagan na iyon , ay puno ng hindi mabilang na kayamanan,

halos sila ay mabulag. Kung maaari lamang sila pumili sa kahit anong bulwagan at mailabas

lahat ng naroon , magagawa nilang payamanin ang mahirap na bansa.

Nakita pa lamang nila ang dulo ng libingan ng Dark Emperor at ito ay punong- puno na ng

kayamanan.

Ito ay nagbigay lamang sa kanila ng kaalaman kung gaano katindi ang halaga ng buong

libingan ng Dark Emperor.

Kahit hindi na naisin ang mahiwagang sinaunang kagamitan, ang kayamanan mismo ay sapat

na upang pukawin ang mga tao mula sa Middle Realm.

Dito, tila ang lahat ng kayamanan sa Middle Realm at makuha ang kayamanan sa libingan ng

Dark Emperor ay hindi lamang makakamit ang isang kapangyarihan, kundi pati na rin ang hindi

matutumbasang kayamanan.

Ito ay sapat na upang mabigyan ng armas at kalasag ang buong hukbo.

"Tama iyan" sagot ni Jun Wu Yao at tumango na may kasamang ngiti.

Tumingin sa kaniya si Jun Wu Xie at naunawaan na ang lahat ng narito ay hindi niya pansin.

Ngunit kung iisipin, nadaanan na nila ang halos isang daang bulwagan at lahat ay puno ng

bundok na kumikinang na kayamanan at hindi nila nakita ang isang mahiwagang sinaunang

gamit na makakapagpahusay ng kanilang kapangyarihan. Sa mga silid na ito , sa halip na

sabihing ang mga bagay na ito ay inilibing kasama ng Dark Emperor, mas magandang tawagin

ang lugar na ito na kung saan itinago ng Dark Emperor ang kaniyang kayaman pagkatapos

niyang bumagsak.

Kahit na ang halaga ng mga ito ay nakakamangha, ang halaga nito ay limitado lamang sa pera.

Next chapter