webnovel

Nagpunta ng Walang Paanyaya (2)

Editor: LiberReverieGroup

Bakit ang isang ring spirit ay magtatakda ng ugnayan sa isang tao at bahagi na ng kapalaran.

Ang ganitong sitwasyon ay maaring hindi karaniwan sa Lower Realm ngunit sa Middle Realm,

madalas ay makikita ang ganitong kaso.

Kung sabagay ang uriin ng ibang rehiyon, ang Middle Realm ay may mga tao na may kakaibang

angkan, tulad ng angkan ng Bone Shifters at ang angkan ng Spirit Soul.

Ang mga tao mula sa angkan ng Bone Shifters ay karaniwang may kaloob na sandata at

artifacts na Bone, kaya naman hinahangad ng maraming kapangyarihan. Ang ganoong kaloob

ay isang kalamangan na walang nakakagaya at para sa mga tao mula sa angkan ng Spirit Soul,

sila ang pinakamagagaling sa lahat ng mga angkan.

Ayon sa kuwento, ang angkan ng Spirit Soul ay nagtataglay ng malalim na karunungan sa mga

spirits at may kakayahan rin na gumawa ng mga spirit at mapanumbalik ang mga spirit.

Ang parte tungkol sa kakayahan nilang mapanumbalik ang mga spirit ay may pagkakatulad sa

Spirit Healing Technique ni Gu Li Sheng ngunit ang Spirit Healing Technique ay nakakamit sa

pamamagitan ng pagbabago ng spirit power at gamitin iyon upang ayusin at mapanumbalik

ang spirit body. Kahit mas napabuti ang pamamaraan, ang epekto nito ay hindi pa rin

perpekto. Ang mga tao mula sa angkan ng Spirit Soul ay ipinanganak na may likas na

kakayahan na makipag-usap sa mga spirit at ang kanilang diwa ay napakasensitibo na nakikita

nito ang mga bagay na malalim na nakatago sa mga spirit.

Noong unang panahon, ang angkan ng Spirit Soul ang pinakamakapangyarihang angkan sa

Middle Realm. Napakamakapangyarihan at misteryoso nila ngunit ang angkan ng Spirit Soul ay

mababa lamang ang antas ng pag-aanak. Ang angkan ay hindi na nagawang magkaanak at

dumami ang bilang at nanatili na maliit lamang ang bahagi ng kanilang mga tao.

"Alam ba ng Mistress na mayroong Soul Return Palace sa Twelve Palaces?" tanong ni Poppy

habang naktingin kay Jun Wu Xie.

Tumango si Jun Wu Xie. Hindi lamang sa alam niya ang Soul Return Palace, nag-krus rin ang

mga landas nila noon. Hindi ba't ang matandang hukluban na si Qu Xin Rui ng Thousand Beast

City ay nagmula sa Soul Return Palace?

"Sa katunayan, mula sa simula, ang Twelve Palaces ay orihinal na ginawa ng mga piling

miyembro mula sa iba't ibang angkan. Itinatag nila ang Twelve Palaces upang protektahan ang

kakaunting bilang ng kanilang angkan. At ngayon na pinag-uusapan ang tungkol dito, ito ay

medyo kakatwa. Ang mga angkan na iyon na nagtataglay ng mga kakaibang kaloob ay palaging

mababa ang kakayahan na magparami, na naging dahilan upang ang kanilang angkan ay

naging kakaunti lamang, at ang angkan ng Spirit Soul ang may pinakakaunting bilang sa lahat.

Sa simula ng panahon na iyon kaya ang Head ng angkan ng Spirit Soul ay itinatag ang Soul

Return Palace ngunit dahil sa ang Twelve Palaces ay palakas nang palakas, ang posisyon ng

iba't ibang Palace Lords ay nag-iba at ang panlilinlang at kawalan ng tiwala ay naging talamak.

Ang mga nagtatag ay pinabagsak dahil sa napakaraming dahilan sa pamamagitan ng iba-ibang

paraan at sila'y lumaki at ngayon ay naging Twelve Palaces."

Saglit na tumigil si Poppy bago nagpatuloy sa pagsasalita: "Ang kasalukuyang Soul Return

Palace ay ginagamit pa rin ang mga bagay na iniwan ng mga tao mula sa angkan ng Spirit Soul

ngunit iyon ay kahabag-habag. Noon, ang angkan ng Spirit Soul ay nakasalubong ang isang

sakuna at sila'y tuluyan naglaho sa Middle Realm. Ngayon sa loob ng libingan ng Dark

Emperor, maaring mayroon pang mga tao na mula sa angkan ng Spirit Soul ngunit mahirap

masabi."

[Mga tao mula sa angkan ng Spirit Soul…]

Naningkit ang mga mata ni Jun Wu Xie.

Ang munting dagang costa na iyon na halos mamatay sa matinding takot ay nanumbalik ang

diwa matapos halos ang buong araw. Nang imulat nito ang mga mata ay nakita niyang

nakapalibot sa kaniya si Jun Wu Xie at Little Lotus, ang itim na mata nito'y nabalot ng kaba at

pagkabalisa. Nang lumipat ang tingin nito upang masdan ang pusang itim na nasa braso ni Jun

Wu Xie…

"Squeak!!!"

Sa isang matining na ingit nito, ang dagang costa ay nawalan ng malay, lupaypay na nakahiga

at hindi gumagalaw sa palad ni Poppy, ang munting kuko nitto ay bahagyang nanginginig.

"..." Biglang naramdaman ni Jun Wu Xie ang paghamak na ang kaduwagan ng pusang itim ay

maaring isang kamalian. Ang munting dagang costang ito na nawalan ng malay dahil sa takot

nang makita lamang ang walang malay na pusang itim ay dapat bigyan ng korona para sa

titulo ng tunay na katakutan!

"Ang ganitong ring spirit ba'y mayroong silbi?" tanong ni Jun Wu Xie na nakataas ang kilay.

Isang ring spirit na matindi ang takot na umabot sa kasukdulan, ay halos walang pinagkaiba sa

isang alagang hayop sa anumang uri ng tao ito kaugnay.

Next chapter