Bukod kay Fan Zhuo, ang mukha ng lahat ay hindi maganda ang hitsura at agad naramdaman
ni Fan Zhuo na mayroong mali.
"May mga tao mula sa Twelve Palaces na nasa Heaven's End Cliff." Saad ni Fei Yan sa
nangangalit na ngipin.
"Ang landas ay laging kumikitid sa pagitan ng kalaban! Nagtataka ako kung ang dalawang
tampalasan na nakita natin noon sa Cloudy Peaks ay naroon din. Kung naroon, ay nais ko
talagang maghiganti sa kahihiyan na dinanas natin noon!" Saad ni Qiao Chu habang mahigpit
na nakakuyom ang kamao at gumagawa ng malutong na tunog. Bagaman nagawa nilang
makaligtas, ang kanilang buhay ay nailigtas lamang dahil sa pagsasakripisyo ni Ye Sha sa
kaniyang buhay.
Bagama't hindi nila alam kung paanong nabuhay muli si Ye Sha, ngunit para sa isang tao, ang
magtago sa likuran ng isang tao upang mabuhay sa karuwagan para sa kanila ay hindi
katanggap-tanggap na kahihiyan!
Malinaw kay Fei Yan at Rong Ruo ang tungkol sa sagupaan na nangyari kay Jun Wu Xie, Qiao
Chu at Hua Yao sa Cloudy Peaks ngunit walang alam tungkol doon si Fan Zhuo. At ngayon na
nakita nilang muli ang mga tao mula sa Flame Demons Palace, ipinaliwanag ni Rong Ruo kay
Fan Zhuo ang nangyari noon.
Ang mukha ni Fan Zhuo ay agad namaluktot sa galit.
"Ang Twelve Palaces ay tunay na mas nagiging pangahas!"
"Ang ugnayan sa pagitan ng Nine Temples at Twelve Palaces noon pa man ay tuso ngunit ang
Four Sides ay inalis ang kanilang sarili sa alitan. Nang tumigil ang Dark Regions na masangkot
sa mga gawain sa Middle Realm, ang pinakamasayang mga tao tungkol doon ay ang Twelve
Palaces, iniisip na makakakuha sila ng pagkakataon na kontrolin ang lahat?" Saad ni Fei Yan,
ang boses ay malamig na nangungutya.
Habang patuloy na nag-uusap ang mga kabataan, wala sa kanila ang nakapansin kay Little Jue
na buhat ni Jun Wu Xie sa kaniyang braso ay nakatingin din sa kanila, bawat salita na
sinasambit nila ay lumulutang patungo sa tainga ng munting bata at ang mapulang mga mata
ay biglang kumisap ng isang kakaibang liwanag.
"Little Big Brother, masakit?" itinaas ni Little Jue ang kaniyang ulo, malungkot na nakatingin
kay Jun Wu Xie.
Sumagot si Jun Wu Xie: "Hindi na masakit."
Yumuko si Little Jue, at walang may alam kung ano ang iniisip nito. Ang kaniyang spirit ay hindi
pa kumpleto at kung lubusan nga ba nitong naiintindihan ang sinasabi ni Rong Ruo ay isa pang
tanong.
…
Sa taas ng Heaven's End Cliff, dalawang pangkat ang naglalaban at ang liwanag mula sa Purple
Spirit ay nagliwanag sa ere!
Ang amoy ng dugo ay mas kumakapal at lalong kumakalat. Nagdanas ng kamatayan ang bawat
panig ngunit kahit gaano pa man karami ang mamatay, ay wala silang intensyon na ihinto ang
labanang iyon.
"Kayong mga nilalang mula sa Flame Demons Palace ay talagang kasuklam-suklam. Tingin niyo
ba ay walang naiwan mula sa Palace of All Life!?" Ang isang lalaki na itinulak ng isang hampas
ng palad ay ay tila namumutla habang hawak ang kaniyang dibdib, ang mata niya ay nandidilat
sa lalaking nakasuot ng abong roba na nasa kaniyang harapan.
Ang lalaking nakasuot ng abo na roba ay nakatayo na ang mga braso ay nasa likuran, ang
malamig na tingin nito ay ouno ng poot.
Nakatayo sa likod ng lalaking nakasuot ng abo na roba ay isang lalaki na may kulay berde na
kasuotan at nagsalita habang nakangisi: "Hindi mahalaga kung ilang tao ang mayroon ka,
lumapit lang kayo! Ang Flame Demons Palace ay hindi matatakot sa iyo!"
Ang dalawang grupo ng mga tao mula sa Flame Demons Palace at Palace of All Life ay
nakasalamuha ang bawat isa sa Heaven's End Cliff at ang layunin nila ay malinaw. Ang mga tao
mula sa Palace of All Life ay inisip na ang kalabang panig ay hindi nanaisin na pasabugin ang
insidente tulad nila at hindi iyon inaasahan sa sandaling magkita sila, ang mga tao mula sa
Flame Demons Palace ay agad na lulusob sa kanila. Marahas silang lumusob, lahat ay minsan
lang ang paglusob, nahuli ang mga tao mula sa Palace of All Life na hindi handa habang
kumakaripas upang depensahan ang kanilang sarili!
Ang nagpasama pa sa mga bagay para sa kanila ay ang nakakatakot na kapangyarihan na
mayroon ang lalaking nakasuot ng abo na roba mula sa Flame Demons Palace!
Ang dalawang magkaibang panig ay mayroong parehong dami ng mga tauhan at ang
kabuuang lakas nila ay halos pareho. Ngunit ang Flame Demons Palace ay mayroong
makapangyarihan na lalaki na may suot na abong roba at sa kapangyarihan lamang nito, ay
nalipol nito ang naapakaraming tao mula sa Palace of All Life. At dahil doon ay umatras ang
mga tao mula sa Palace of All Life pabalik sa kanilang depensa.
Tinitignan ang bilang ng mga tauhan nila na paunti ng paunti, ang pinuno mula sa Palace of All
Life ay nagsisimula ng mabalisa.
"Pooh! Kung hindi lang dahil sa ang isa sa inyong mga Elders ay kasama niyo, tingin niyo ba ay
mapipigilan niyo kami?!"