webnovel

Ang Sandaling Pagkalito (4)

Editor: LiberReverieGroup

Nanigas si Ye Mei at ang pusang itim ay natigilan dahil sa matinding gulat.

Ni sa panaginip ay hindi niya naisip, na ang padaskul-daskol na munting Mistress niya ay…

[Natutunan na humalik ng isang lalaki!]

[Ang mundo nito ay nagbago mula sa isang pantasya at kailangan na nito ng katahimikan

ngayon!]

Ang pusang itim ay nanginginig habang naksunod sa likod ni Jun Wu Xie na pabalik na sa

kaniyang silid. Nang makabalik,ang kaniyang isip ay puno ng mga imahe na nasaksihan kanina.

[Anong nangyari sa kaniyang Mistress?]

[Naimpluwensyahan na ba ito ng mga masasamang gawain ng dakilang Demon Lord?]

[Msitress! Gumising ka!]

"Hindi ko iyon kinasusuklaman, at nagustuhan ko pa iyon. Para sa akin, siya ay naiiba."

Nakaupo si Jun Wu Xie, sa wakas ay napagtanto niya matapos malinawan ang lahat.

Ang pusang itim na nkahiga sa lupa ay tahimik na lumuluha.

[Ang kaniyang Mistress ay inilalayo.]

[Kawawa naman ako!]

"Anong… Anong naiisip mo gawin…" Ang pusang itim ay umiiyak na walang luha habang

nakamasid kay Jun Wu Xie.

"Sinusubukan alamin kung ano ba talaga ang namamgitan sa aming dalawa." Tiwalang sagot ni

Jun Wu Xie.

Hindi akalain ng pusang itim na mahirap pala ang pagpapalabas ng luha.

"Kung gayon nakuha mo na ba ang kasagutan?"

Sandaling nag-atubili si Jun Wu Xie at walang katiyakan na sumagot: "Halos."

[Hindi iyon ugnayan ng pagiging magkamag-anak o ng pagkakaibigan.]

Pakiramdam ng pusang itim ay wala ng saysay ang kaniyang buhay at nanatili itong nakahiga

sa sahig na animo'y patay na.

Ang dulo ng labi ni Jun Wu Xie ay biglang napangiti at habang nakapatong ang baba sa

kaniyang palad, ay minasdan niya ang magandang tanawin na nasa labas ng kaniyang bintana.

Subalit…

Matapos makabawi ni Jun Wu Yao sa matinding gulat, ay tahimik siyang napaupo sa isang

upuan na nasa isang sulok. Itinaas ang kamay, at tinakpan ang bibig at ilong, upang tahimik na

magbulay.

Si Ye Mei na nasa tabi ay lihim na napalunok, hindi nangahas na tumingin sa kung saan,

natatakot siya na makakita ng anumang bagay na lagpas sa kontrol ng kaniyang Lord Jue…

[Ehem… Wala siyang nakita na kahit ano.]

[Plok…]

Ang tunog ng pagtulo ng tubig ay narinig at nanatili lamang si Ye Mei na nakayuko hindi

naglakas-loob na itaas iyon. Ngunit ang bahagyang amoy ng dugo ay natangay sa kaniyang

ilong at gulat siyang napatitig kay Jun Wu Yao.

Napasimangot si Jun Wu Yao at napasigaw: "Lumayas ka dito."

Nagmamadali na lumabas sa lugar na iyon si Ye Mei at isinara ang pintuan sa kaniyang likuran,

ang puso niya ay matinding kumabog.

[Ngayon si Lord Jue… ay nahulog sa isang matinding gulo!]

Matapos lamang ang ilang sandali, ay narinig ni Ye Mei ang tuloy-tuloy na tilamsik ng tubig.

Ramdam ang sakit ng kaniyang Lord Jue…

[Young Miss, ang maglaro ng apoy ng hindi man lang inaapula ito ay maaari talagang

makapatay ng tao!]

Hindi alam ni Ye Mei kung gaano na siya katagal na nagbabantay sa labas ng pintuan, ngunit

pagpatak ng gabi ay saka lamang may isang munting anyo na nagpakita sa kaniyang harapan.

"Yit Uncle…" Ang munting Emperor ay nakatingin sa kaniya habang nakabuka ang bibig, ang

mukha nito ay halos naglalaway habang nakatingin kay Ye Mei.

Malamig na pawis ang namuo sa noo ni Ye Mei at mabilis na inabot ang kaniyang bulsa upang

ilabas ang isang jade na singsing at ipinakita iyon sa munting Emperor. Kinuha ng munting

Emperor iyon ng walang ekpsresyon, at nagtungo sa isang sulok upang kainin iyon…

"Ehem… Big Brother Ye Mei, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Qiao Chu habang

nakatingin kay Ye Mei na nagbabantay sa labas ng silid ni Jun Wu Yao at iyon ay kakaiba.

Bagama't si Ye Mei at Ye Sha ay laghing nasa tabi ni Jun Wu Yao at Jun Wu Xie, ang dalawang

iyon ay laging nagtatago sa dilim, bihirang makita sa isang lugar na hindi gumagalaw.

"Nasaan si Big Brother Wu Yao?" Tanong ni Qiao Chu habnag nakatitig sa nakasarang pintuan

ng silid. Ang imahe ni Jun Wu Yao at Jun Wu Xie na naghahalikan kanina ay nagdulot ng

malaking epekto sa kaniyang isip at matagal na pagpapaliwanag ang ginawa ni Hua Yao at ng

iba pa bago mapahupa ang kaniyang puso.

[Tama.]

[Si Jun Wu Xie at Jun Wu Yao ay hindi tunay na magkapatid.]

[Pareho silang nakakabighani at matalino at walang mali doon.]

"Bobong Qiao." Saad ni Ye Mei habanga nakatingin kay Qiao Chu at sinabi: "Sa mga oras na

ito, ang maipapayo ko sa'yo ay huwag kang manatili na nakatayo lamang dito sa halip ay

dalhin mo ang munting nilalang sa kung saan upang maglaro."

"Ha?"

"Sinasabi ko ito para na rin sa iyong kabutihan." Ang naunang apoy ay hindi pa naaapula at

may bagong apoy na sinilaban. Naniniwala si Ye Mei na ang kalagayan ng kaniyang Lord Jue ay

hindi maganda sa mga sandaling iyon.

Next chapter