Litong itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang ulo upang tanungin ito tungkol sa mga iyon. Ngunit
sa eksaktong sandali na humarap siya, ay biglang lumapit si Jun Wu Yao at sinunggaban ang
pagkakataon at nagtanim ng halik sa bahagyang nakaawang na labi ni Jun Wu Xie.
Hindi katulad ng magaan na haplos ng isang tutubi na sumayad sa tubig, ang halik na iyon
mula kay Jun Wu Yao ay hindi lamang isang bahagyang tikim, sa halip ay ikinawit nito ang
kaniyang braso sa baywang ni Jun Wu Xie at hinatak upang yakapin, at mas lalong lumalim ang
halik na iyon.
Si Qiao Chu na nakatayo sa isang tabi ay natigagal ng kaniyang masaksihan iyon.
Hindi kailanman sumagi maging sa kanilang panaginip…
Lahat ng mga nangyari ay napakabilis at sila ay hindi makahuma at kung paano tutugon!
Ang isip ni Qiao Chu ay napakagulo, hindi magawang maintindihan ang mga biglaang
pangyayari.
[Bakit biglang hinalikan ni Big Brother Wu Yao si Little Xie ng ganoon…]
Bahagyang tumikhim si Fan Zhuo at tinignan ang ilang mga kabataang kasama. Kinaladkad ni
Hua Yao si Qiao Chu na nanlalaki ang mata at nakanganga palabas ng silid at maging si Ye Mei
ay inilapag ang mga kahon sa may lamesa na nasa tabi at binitbit ang ngumunguya pa rin na
munting Emperor upang mabilis na makaalis sa lugar na iyon ng walang bakas.
Maya-maya ang tanging nasa loob na lamang ng silid ay si Jun Wu Xie at Jun Wu Yao.
Ang halik na iyon, ay biglaan at si Jun Wu Xie ay natigilan. Ang maliit niyang katawan, nawala
siya sa sarili habang nakapulupot at nakasandig sa malapad na dibdib na iyon, walang
magawa.
Ang amoy na iyon na nangulila siya ng ilang saglit ay pumuno sa kaniyang bibig at hiniling ni
Jun Wu Yao na huminto ang sandali dahil hindi niya nais na huminto ito, hindi sa sandaling
iyon.
"Hinga." Ngunit sa huli, ay pinakawalan niya ang bibig ni Jun Wu Xie at pinaalalahanan nang
mapagtanto na ang munting nilalang ay gulat na gulat at nakalimutan rin nitong huminga nang
makita niya ang mukha nitong namumula. Humalakhak si Jun Wu Yao.
"Ikaw…" Bulong ni Jun Wu Xie habang nakatitig kay Jun Wu Yao, ang pisngi ay namumula at
bahagyang nanlabo ang mata, nabawasan ang lamig na laging nasa mata niya, ngayon ay
nabahiran ng kamusmusan ng isang batang babae.
Ang tingin na iyon ay halos tumunaw sa puso ni Jun Wu Yao.
Para sa pares ng mga matang iyon, ay gagawin niya ang lahat para doon.
Hangga't ang pares ng mga matang iyon, ay sa kaniya lamang, isang lalaki lamang.
"Nagustuhan mo ba?" ang boses ni Jun Wu Yao ay medyo paos habang mahina iyong sinasabi.
Blankong napatingin si Jun Wu Xie sa kaniya. "Ano…"
Binigyan siya ni Jun Wu Yao ng nanunuksong ngiti.
"Ano sa iyong palagay?"
Napakurap si Jun Wu Xie, naguguluhan pa rin ang pakiramdam.
Humalakhak si Jun Wu Yao at binuhat ito sa kaniyang braso upang maupo sa tabi. Kinuha niya
ang dalawang piraso ng mapa mula sa kahon at inilagay iyon sa kaniyang kamay.
"Nagustuhan mo?"
Tinitigan ni Jun Wu Xie ang mga mapa sa kaniyang kamay at nagtanong: "Kailan mo ito
nahanap?"
Tumatawang sumagot si Jun Wu Yao: "Nakita ko ang isa sa kanila bago nilusob ang Qi
Kingdom at nais ko hanapin ang iba pa bago ito ibigay sa iyo bilang handog, kaya hindi ko ito
sinabi sa iyo noon." Isang sorpresa iyon, na espesyal niyang hinanda para dito.
"Maraming salamat…" Seryosong saad ni Jun Wu Xie habang nakatingin kay Jun Wu Yao. Si Jun
Wu Yao ay laging napapalibutan ng misteryo at palaging naglalaho sa iba-ibang panahon,
nakikita ang ulo ng dragon ngunit hindi ang buntot nito. Naisip ni Jun Wu Xie na maaring
mayroon itong sariling pinagkakaabalahan na kailangang ayusin at ang mga bagay na iyon ay
hindi makamundo.
Sa tuwing ito'y maglalaho, iniisip ni Jun Wu Xie na mayroon itong mga dapat asikasuhin at
hindi niya naisip na ang dalawang huling pangyayari ay iba ang dahilan.
Umalis ito sapagkat hinanap nito ang natitirang mga mapa ng libingan ng Dark Emperor para
sa kaniya.
"Sa pagitan nating dalawa, hindi na kailangan ang pagpapasalamat." Saad ni Jun Wu Yao na
nakangiti at hinalikan ang kaniyang noo. Hangga't makapagpapasaya sa kaniya, ay hindi niya
iniisip na hindi ito nararapat.
Tumingin si Jun Wu Xie kay Jun Wu Yao at saglit na nag-alangan bago niya itinaas ang ulo.
Bago pa makahuma si Jun Wu Yao, ay hinalikan niya si Jun Wu Yao sa labi.
Nang lumapat ang malambot niyang labi sa kaniya, kumislap sa mata ni Jun Wu Yao ang gulat
at pagkabigla!