webnovel

Yit (3)

Editor: LiberReverieGroup

"..." Lumuwa na tila sa isda ang mata ni Qiao Chu.

[Ano ba yan!?]

[Isang tao na kumakain ng ring spirit!!]

Ang sulyap niya ay nalipat kay Jun Wu Xie na para bang ang makakgawa lamang niyon ay…

Pinandilatan siya ni Jun Wu Xie, at agad na huminahon si Qiao Chu.

"Iba iyon kay Little Xie. Kumakain si Little Xie ng ring spirits upang mapataas ang antas ng

kaniyang spirit power, habang kaso ng munting nilalang na ito ay ayusin at tapalan ang

kaniyang spirit." Paliwanag ni Jun Wu Yao.

"Sa katunayan, hangga't ang isang bagay ay mayroong diwa ng mga spirit, ay magagawa niya

itong kainin."

Katatapos lamang magsalita ni Jun Wu Yao nang ang nakaupong munting Emperor ay tila may

nadiskubre na bagay at agad itong tumalon mula sa upuan at tumakbo kay Rong Ruo. Ikiniling

nito ang ulo na nag-uusisa at tumingin sa mukha ni Rong Ruo.

Malambing na ngumiti si Rong Ruo sa munting bata.

"Yit big brother." Saad ng munting Emperor habang nagtatatalon sa tuwa.

Bigla ay tila hindi na magawang ngumiti si Rong Ruo…

Lahat ng nasa loob ng silid ay nagulantang.

Wala siyang ibang inisip kundi ang "yiting" at ngayon ay nais niyang kumain ng tao!!?

Agad naglakad paharap si Fei Yan upang tumayo sa harapan ni Rong Ruo, inilagay niya ang

sarili sa pagitan ng munting Emperor at ni Rong Ruo.

"Ito ay hindi puwedeng kainin!" Inis na bulalas ni Fei Yan.

Ibinaon ng munting Emperor ang ulo sa kaniyang balikat at malungkot na tumingin kay Fei

Yan, ang munting kamay nito ay hindi mapakali habang magkadaop sa harapan ng munti

niyang dibdib, ang balikat niya ay nanginig at ang malalaking mata ay puno ng luha, talagang

nakaa-awang pagmasdan.

Si Fei Yan, na agad napasugod upang depensahan ang kaniyang "nalalapit na pakakasalan sa

hinaharap", nanag makita ang munting Emperor na malapit nang tumangis, ay nakita ang sarili

na naglalaho na ang inis, at ang puso niya ay agad nahabag sa matinding konsensya na tila

inabuso niya ang isang munting takot na hayop.

"Hoy… Hindi mo kailangan umiyak." Agad na pag-arok ni Fei Yan.

Hindi pa ganoong kasama nang magsalita siya, ngunit nang banggitin niya ang "iyak". ang luha

na namuo sa mata ng munting Emperor ay agad tumulo, ang napahiyang ekspresyon sa

mukha nito kasabay ang walang tunog na pag-iyak, ay tila isang kaawa-awang batang palaboy

na nilamangan.

Nakaramdam ng panlulumo si Fei Yan at nanghina. [Ano ba ang ginawa niya?]

Ang batang ito ay nais kainin ang kaniyang "nalalapit pakasalan" at pinagbawalan niya ito sa

pagsasabi ng isang pangungusap lamang, bakit ito'y umiiyak na…

Simula nang hindi sinasadyang makita ang eksenang iyon, ay ikinabit na ni Fei Yan ang

"pakakasalan sa hinaharap" sa ulo ni Rong Ruo. Bagama't hindi iyon naiiba sa mga nagdaang

araw, ngunit kung mabuting oobserbahan, ay magagawang mapansin na si Fei Yan ay mas

naging maingat at magalang kay Rong Ruo.

Ngunit halos silang lahat ay mas pinili na huwag iyon pansinin, at tanging si Rong Ruo ang

nakaramdam ng kawalang magawa sa lahat ng iyon.

Ninais niya na kausapin ng sarilinan si Fei Yan ngunit si Fei Yan na laging matalim ang dila kpag

kaharap si Rong Ruo ng mag-isa, kung hindi tatako ng walang iniiwang bakas at namumula ang

mukha ay tila nawawala sa sarili at hindi magawang maintindihan ang mga sinasabi ni Rong

Ruo.

Lumipas ang ilang araw, ay sumuko na si Rong Ruo sa ideya na subukang ipaliwanag iyon kay

Fei Yan at hinayaan na lamang siyang makaramdam ng pagmamalaki tungkol doon.

Pakiramdam ni Fei Yan ay malaki ang kasalanan niya sa tingin na iyon ng munting bata at hindi

siya makapagsalita. Pinangangalagaan lamang niya ang kaniyang pakakasalan kaya ano ang

mali sa ginawa niya?!

Ang munting bata ay nagawang durugin ang jade stone gamit ang kaniyang ngipin kaya paano

kakayanin ng kaniyang pakakasalan na may malambot at maputing balat ang matalim na

ngipin ng munting Emperor?

Sa ilalim ng malupit at kritikal na sulyap, walang ibang magawa si Fei Yan kundi ang ilabas ang

maliit na piraso ng jade at inilagay iyon sa kamay ng munting Emperor.

"Kain kain kain, huwag mo kainin si big brother, kainin mo ito!"

Ang matalim na mata ni Qiao Chu ay napansin ang piraso ng jade at nagsalita: "Hindi ba't iyan

ang binili mo at ibibigay dapat…"

Hindi pa nagagawang matapos ni Qiao Chu ang kaniyang sasabihin nang tapunan siya ni Fei

Yan ng matalim na titig upang patahimikin siya.

Hinawakan ng lunting Emperor ang jade pendant na nasa kaniyang kamay at nag-aalinlangan

na tumingin kay Fei Yan at kinurap ang mata dito: "Huwag kainin si big brother, kainin ang

jade pendant…"

Halos sumabog sa pagluha si Fei Yan at tumango habang nagdurugo ang puso.

"Tama!"

Ang munting Emperor ay agad ngumiti matapos makakuha ng bagay na kaniyang "yit",

pinagdaop niya ang palad sa jade na palawait na ibinigay ni Fei Yan na ginastusan niya ng

malaking halaga upang makuha, at agad itong nagtago sa isang sulok at masayang kumain…

Next chapter