webnovel

Kabayaran (5)

Editor: LiberReverieGroup

"Your Majesty ng Fire Country, ang taong iyan ay wala sa sarili! Ang mga salita ng isang baliw

ay hindi dapat paniwalaan!" Malakas na saad ng Emperor ng Condor Country, malamig na

pawis ang tumatagktak sa kaniyang likuran habang galit na nakatitig kay Jun Xie.

Minasdan ni Jun Wu Xie ang nalilito at natatarantang Emperor ng Condor Country habang si

Fei Yan ay patuloy na pinayapa si Grand Tutor He. Naglabas siya ng elixir upang papirmihin ang

emosyon ni Grand Tutor He bago siya dahan-dahang nagbalik upang sabihin sa Emperor ng

Condor Country: "Hindi dapat paniwalaan?"

Ang Emperor ng Condor Country sumagot sa naghahamon na boses: "Maaari kang magtungo

sa patyo at siyasatin. Walang Emperor ng Buckwheat Kingdom ddon! Ang Emperor ng

Buckwheat Kingdom ay totoong nagpunta dito sa Condor Country kamakailan ngunit siya ay

nawala ng walang kahit na anong bakas. At sa kung saan siya nagpunta, paano ko malalaman

iyon? Ang lalaking ito ay halatang nababaliw. Ang pagkawala ng kaniyang Emperor at iniisip na

idiin lahat iyon sa akin!"

Galit na galit si Grand Tutor He at siya ay napasinghap ng hangin. Mabuti na lamang at

binigyan siya ni Jun Wu Xie ng elixir kanina kung kaya't napigilan ang anumang karahasan na

maaaring maganap.

Tinitigan ni Jun Wu Xie ay patuloy na nagsisinungaling na Emperor ng Condor Country at

nakapangingilabot na sinabi: "Yan ay talagang kakaiba dahil ako'y labis na nagtataka kung

bakit ko nakita ang munting Emperor ng Buckwheat Kingdom sa iyong patyo kamakailan."

"Ano…" Blankong napatitig ang Emperor ng Condor Country kay Jun Wu Xie.

Si Fei Yan na nakatayo sa isang sulok ay tumitig sa Emperor ng Condor Country at sinabi:

"Lumalabo na ang paningin at ngayon ay hindi na rin naiintindihan ang sinasabi ng

Kamahalan? Huwag mo sabihin sa akin na nakalimutan mo na mayroong dumukot sa munting

Emperor ng Buckwheat Kingdom mula sa iyong patyo kamakailan lamang?"

Ang ekspresyon sa mukha ng Emperor ng Condor Country ay tuluyang nagbago habang hindi

makapaniwala na nakatitig kay Fei Yan, isang hibang na hula ang biglang pumasok sa kaniyang

isipan.

"Nang araw na iyon… Ikaw iyon…"

Nahuli sa matinding gulat, ang Emperor ng Condor Country ay hindi naisip ang posibilidad na

ang munting Emperor ng Buckwheat Kingdom ay madudukot sa kaniya ni Jun Xie at ng

kaniyang mga tauhan. Ngunit ngayon habang inaalala niyang muli, ang anim na Purple Spirits

na biglang nagpakita ay talaga namang kakaiba at gaano kabihira rin ang Purple Spirits sa

ilalim nitong Heavens?

At si Jun Xie ay nagkataon na dinala ang ilang Purple Spirits dito ngayon…

At nang mapagtanto kung gaano kasakto ang pagkakataon , ang katotohanan sa bagay na iyon

ay hindi mahirap hulaan.

Nang araw na iyon, ang sumagidp sa munting Emperor ng BUckwheat Kingdom ay si Jun Xie at

ang kaniyang mga tauhan!

Bigla, ang Emperor ng Condor Country ay naramdaman na tila lahat ng kaniyang lakas ay

hinigop lahat sa kaniya at napasalampak siyang muli sa kaniyang trono, ang malamig na pawis

ay tuloy-tuloy na tumatagaktak sa kaniyang mukha at di kalaunan ay binasa ang kaniyang

Dragon na roba.

Walang tigil na nanginig ang kaniyang katawan at ang labi niya ay tinakasan ng kulay.

"Hindi mo pa rin ba talaga aaminin?" Tanong ni Fei Yan habang nakatitig sa Emperor ng

Condor Country, ang puso niya ay puno na ng disgusto.

Napanganga ang Emperor ng Condor Country habang nakatingin kay Jun Xie, ang mga mata

niya ay agad napuno ng takot.

Patuloy na tinitigan siya ng walang emosyon ni Jun Wu Xie at hindi nagsasalita.

Ngunit ang katahimikan ni Jun Xie ay nagbigay ng hindi magandang pakiramdam sa Emperor

ng Condor Country.

Agad siyang bumaba mula sa trono at lumuhod sa lupa habang pinilit na gumapang papunta

sa harapan ni Jun Xie, tumutulo ang luha sa mukha habang sinasabi: "Hindi ko ginawa iyon,

hindi ako ang responsable sa nangyari… Si Elder Huang… Lahat iyon ay kagagawan ni Elder

Huang! Siya ang may nais na imbitahin ko lahat ng pinuno mula sa iba't ibang bansa papunta

dito sa Imperial Capital, iniisip na gamitin ang pagkakataon upang pilitin ang mga pinuno na

maglabas ng Imperial Edict, gamitin ang mga mandirigma at mamamayan mula sa iba't ibang

bansa upang gumawa ng Poison Men. Ang Buckwheat Kingdom… At ang munting Emperor ng

Buckwheat Kingdom ay siya rin ang pumili! Nais niya ipakita ang kapangyarihan ng Scarlet

Blood sa ibang pinuno at pinili niya ang munting Emperor ng Buckwheat Kingdom. Siya ang

may gusto na gawin ko iyon… Lahat ay kaniyang ideya… Wala akong kinalaman doon… wala..

Siya lahat ang may gawa! Siya lahat!!"

Upang masagip ang kaniyang sarili, ang Emperor ng Condor Country ay ibinaling lahat ng sisi

ng krimen kay Elder Huang at bagama't hindi iyon masasabing hindi makatarungan na pag-

aakusa, gayunman ay ginawa iyon sa napakasamang paraan.

Napapikit si Grand Tutor He, bakas sa mukha ang matinding sakit ng puso at kalungkutan.

Next chapter