webnovel

Kabayaran (2)

Editor: LiberReverieGroup

Nanginig ang Emperor ng Condor Country, umiiyak sa kaibuturan ng kaniyang puso sapagkat

isinulat na niya lahat ng uri ng kabayaran na naisip niya ngunit si Jun Xie ay hindi pa rin

nasiyahan. "Kung gayon… Kung gayon sabihin mo sa akin… Ano ang magiging sapat?"

Bahagyang inangat si Jun Wu Xie ang kaniyang kamay. Si Fei Yan na nakatayo sa likuran niya ay

humakbang paharap at naglabas ng papel na nakahanda na kanina pa sa loob ng kaniyang

kasuotan, kung saan naroon ang mga tuntunin ng kabayaranat inabot iyon sa Emperor ng

Condor Country.

Binasa ng Emperor ng Condor Country ang nakasaad sa papel at sa tindi ng kaniyang

gulantang ay muntikan na siyang mahulog sa kaniyang trono.

Ang mga mata niya ay nanlaki dahil sa hindi siya makapaniwala at tinitigan si Jun Xie, ang

kamay nito na mahigpit ang pagkakahawak sa papel ay tila mababali.

"Ikaw… Ikaw… Isa itong biro 'di ba?"

Walang emosyon na tumawa si Jun Wu Xie at sinabi: "Iniisip mo pa rin ba na nararapat ka para

makipagbiruan ako sa'yo?"

Nawalan ng kulay ang mukha ng Emperor ng Condor Country at malakas na napalunok habang

ang mata niya ay napuno ng kawalan ng pag-asa. "Ito… Hindi ba't sobra-sobra ito… Halos

sinasabi mo na sa akin na ibigay ang kalahati ng imperyo ng Condor Country bilang

kabayaran!!"

Kabilang sa mga tuntunin ng kabayaran na inabot ni Fei Yan, ang pinaka-nagpatigagal sa

Emperor ng Condor Country ay ang nakasulat na talata tungkol sa pagsuko sa lupain ng

Condor Country. Kukunin ni Jun Wu Xie ang kalahati ng lupain ng Condor Country upang ibigay

sa Qi Kingdom bilang kabayaran sa Qi Kingdom.

Ang malawak na lupain ng Codor Country na kanilang pinamamahalaan ay pangalawa lamang

sa Fire Country at sa isang malapad na guhit, kalahati niyon ay isusuko ng ganoon lamang.

Kung lahat iyon ay ibibigay sa Qi Kingdom, ang munting Qi Kingdom ay agad aangat ang

ranggo bilang isa sa malakas na bansa. Higit pa roon, ang Emperor ng Condor Country ay hindi

malaman kung intesyon talaga iyon ni Jun Xie dahil sa ang mga siyudad na nakasaad sa papel

ay ilan sa pinakamaunlad na lugar sa Condor Country kung saan hindi lamang ang mga ito

nabiyayaan ng likas na kayamanan, ang mga ito rin ang pinakamayaman. Kung talagang

ibibigay na lahat iyon, ang kalahati ng ekonomiya ng Condor Country ay babagsak.

Idagdag pa roon ang kabayaran na pera, na halos pakiramdam ng Emperor ng Condor Country

ay mamamatay siya habang tinitingnan iyon!

[Hindi lamang ito hamak na pagsuko ng lupain bilang kabayaran!]

[Ito'y katumbas nang pagsasabi sa kaniya na ibigay niya ang buong Condor Country sa Qi

Kingdom na nasa isang pilak na plato!]

Ang kasunduan sa kabayaran na iyon, ay hinding-hindi pipirmahan ng Condor Country kahit na

bugbugin pa siya hanggang sa mamatay!

"Sobra-sobra?" Ang sulyap ni Jun Wu Xie ay naging pambihira ang lamig.

"Gaano karaming buhay mula sa daang libo na mandirigma ng Qi Kingdom na namatay sa

battlefield para diyan sa kaunting kabayaran ang kayang bilihin? Magagawa ba niyan maibalik

ang buhay ng mga inosenteng mamamayan na natupok sa apoy ng digmaan na iyong

pinasiklab? Sapat ba iyan para sa hindi mabilang na mga tao na biglang nawalan at pinalayas

sa kanilang mga tahanan at nawalan ng pag-asa na nagpagala-gala? Kung hindi ka papayag,

hindi kita pipilitin. Kailangan mo lang ibalik bawat isang tao na pumanaw sa apoy ng digmaan

na iyong sinindihan, bawat isa sa kanila, ibalik ang nasira at nawasak na mga siyudad na

eksakto kung ano ang mga iyon noon, pagkatapos ay maari kang hindi sumang-ayon sa mga

tuntunin na nakadeklara dito." Saad ni Jun Wu Xie sa boses na mas naging kahindik-hindik.

Matindi ang paniniwala niya, na ang buong Qi Kingdom ay hindi hahangarin ang lahat ng mga

lupain at kayaman na iyon, at sa halip ay mas nanaisin na maibalik ng ligtas ang mga

miyembro ng kanilang mga pamilya.

Pakiramdam ng Emperor ng Condor Country ay mayroong bumara sa ibaba ng kaniyang

lalamunan, hindi niya magawang makapagsalita. Ang mga siyudad ay muling maitatayo, ngunit

lahat ng mga buhay na nawala, paano niya magagawa na ibalik ang mga buhay ng mga iyon?

Malinaw na inalok lamang siya ni Jun Xie ng dalawang magkaparehong nakakapinsalang

pagpipilian at walang paraan upang siya'y makawala!

Ang isa ay kabayaran na imposible niyang tanggapin, at ang isa ay isang pagpipilian na wala

siyang kakayahan na magawa…

"Wala bang ikatlong pagpipilian?" Hindi pa rin nais sumuko ng Emperor ng Condor Country.

Hindi niya maintindihan kung bakit naglalaan ng matinding pagsisikap si Jun Xie upang

tulungan ang Qi Kingdom at kung ano ba talaga ang gusto ng batang Emperor.

Sumagot si Jun Wu Xie na may nakakakilabot na ngiti: "Mayroon."

Nagningning ang mata ng Emperor ng Condor Country at agad niyang inangat ang ulo, ang

mata niya ay puno ng pag-asa habang nakatingin kay Jun Xie.

"Agad sasalakayin ng Fire Country ang Condor Country at ang pangalang Condor ay maglalaho

sa ibabaw ng mundo matapos."

Ang tinuran ni Jun Wu Xie ay tuluyang pinuksa ang kaunting pag-asa na mayroon ang Emperor

ng Condor Country sa kaniyang puso…

Napayuko siya habang tinititigan ang papel na puno ng tuntunin ng kabayaran, ang buong

katawan niya ay nanginig, ang banat at naninigas na labi ay unti-unting naging maputalng

berde.

Ang masaksihan ang matinding kapangyarihan ng mga tao na nakatayo sa likuran ni Jun Xie, at

matapos mawalan ng Condor Country ng isang milyong kawal sa kanilang hukbo sa naganap

na digmaan, ano ang pag-asa nilang manalo laban sa nakabaluting mga kabalyero ng Fire

Country? Ang pagkakaiba ng lakas sa pagitan ng dalawang bansa ngayon ay malaki na ang

pagkakalayo kaya dahil doon ay wala na siyang magawa! Ganap na walang pagpipilian!

"Sumasang-ayon ako…"

Next chapter