webnovel

Maghahambing ka ng Purple Spirits sa Akin? (2)

Editor: LiberReverieGroup

[Nakakapagtaka na si Jun Xie ay dominante sa gitna ng bulwagan ng Imperial Palace ng Condor

Country, ito'y marahil sa anim na Purple Spirits na nakatayo sa likuran niya sa simula pa

lamang!]

[Sa ilalim ng magarang tagabantay, sino ang makakagawa na mahipo man lang maski isang

hibla ng buhok sa ulo nito?]

Sa sandaling iyon, ang Emperor ng Condor Country ay hindi magawang panatilihin ang ngisi sa

kaniyang mukha. Nakatitig siya sa anim na Purple Spirits na nakatayo sa likod ni Jun Wu Xie

habang binabalikan niya sa kaniyang isip lahat ng kaniyang sinabi sa ignoranteng kagalakan at

hiniling na sana ay mabawi niyang lahat ng sinabi kanina!

Kahit na narito si Elder Huang para sa kaniya, anong laban ng isang Purple Spirit sa anim na

Purple Spirits?

Ang Emperor ng Condor Country na kanina ay puno ng kagalakan ngayon ay tila naging isang

takot na sisiw habang ang mga kamay ay nagsimulang manginig.

Maya-maya ay kinakabahan na nilingon niya si Elder Huang. Subalit, ang reaksyon ni Elder

Huang ay nagtulak sa kaniya sa dulo ng kawalang pag-asa.

Ang gulat na bumakas sa mukha ni Elder Huang ay hindi naiiba sa Emperor ng Condor Country,

at ang napagtanto niya sa eksenang iyon ay higit pa sa nakita ng Emperor ng Condor Country.

Ang mga Purple Spirits ay karaniwan lamang na makikita sa Middle Realm at lahat ng nasa

hustong gulang ay magagawang gawin ang espesyal na paraan na pansamantalang makamtan

ang kapangyarihan ng Purple Spirit. Mula sa anim na Purple Spirits sa likod ni Jun Xie, nakita ni

Elder Huang na ang lima sa kanila ay ginagamit ang paraan kung saan itinataas nila ang antas

ng kanilang spirit power. Bagama't ang makamit ang Purple Spirit sa pamamagitan ng

pagpapataas ng antas ng kanilang spirit power ay hindi magagawang labanan ang isang tunay

na Purple Spirit, ngunit sa isang ganitong sitwasyon na isa laban sa lima, kahit ang isang tunay

na Purple Spirit ay susuko sa ilalim ng sunud-sunod na pag-atake.

Ang talagang nagpagulat kay Elder Huang ay ang matangkad na lalaki na may malamig at

matigas na mukha.

Ang nagbabagang Purple Spirit sa katawan ng lalaking iyon ay lubhang bukog-tangi, at kahit

siya ay aaminin na ang kapangyarihan ng lalaki ay mas higit kaysa sa kaniya!

Sa simula ay nais niyang gamitin ang kaniyang Purple Spirit upang takutin ang mga insektong

ito na mula sa Lower Realm, ngunit si Elder Huang ay marahas na sinampal ng anim na beses

sa kaniyang mukha!

Kahit hindi na ibilang ang matangkad at matayog na lalaki, ang limang kabataan lamang ay

higit na para kaniyang hawakan.

Ang kahambugan niya ay biglang naglaho, at napangiwi ang sulok ng mga labi ni Elder Huang.

"Ako ay nagtataka kung saang Palace nagmula ang ating mga kaibigan dito? Hindi ko naisip na

nakikipagtulungan kayo sa Fire Country." Hindi isang tanga si Elder Huang. Ang ganoong

kalakas na Purple Spirit ay hindi maaaring magmula sa Lower Realm at ang pansamantalang

pagtaas ng antas ng isang tao sa kaniyang spirit power ay hindi nalalaman sa Lower Realm.

Maging ang lalaki mang iyon o ang limang kabataan, silang lahat ay nagmula sa Middle Realm!

Binalikan sa kaniyang isip ang katotohanan na ang All Dragon's Palace ay nakipagtulungan sa

Condor Country upang mahanap at buksan ang libingan ng Dark Emperor, nagising si Elder

Huang sa katotohanan na ang mga taong iyon ay maaring mula sa ibang lugar, at ang layunin

nila ay dahil sa libingan ng Dark Emperor. At dahil sa ang Fire Country ang pinakamalakas na

bansa sa Lower Realm, ang katotohanan na sila ay piliin ay maktwiran lamang.

Walang sumagot mula kila Ye Sha at sa iba pa, ang mukha ni Elder Huang ay pumangit ang

kulay.

Ang mukha ni Jun Wu Xie ay nakapatong pa rin sa kaniyang palad habang kalmado at hindi

nabahal sa nabagong ekspresyon sa mukha ni Elder Huang.

"Ano? Hindi ba't sinabi mo na tuturuan mo ako ng leksiyon? Ang tagal ko nang nakaupo dito.

Hindi mo pa ba sisimulan?"

Sansubo ng dugo ang bumara sa lalamunan ni Elder Huang habang galit na nakatitig sa batang

Emperor sa naningkit na mata, hiniling niya na sana'y mahampas niya ang mukhang iyon sa

pamamagitan ng pagsampal ng kaniyang palad.

[Ang kapal ng mukha!!?]

[Magsasama ng anim na Purple Spirits at hihingiin na "turuan", sino ang mang-aahas na

gawin?]

[Natatakot ito na bago pa man niya mahawakan ang dulo ng kasuotan ni Jun Xie ay lilipad na

siya palabas upang sa huli ay mapabagsak sa labas ng bulwagan ng mga Purple Spirits sa likod

ng batang Emperor!]

Kahit gaano pa man katindi ang pag-angal o galit na nararamdaman niya sa kaniyang puso, ay

hindi naglakas-loob si Elder Huang na magbitaw pa ng kahit anong salita ng mga sandaling

iyon.

Next chapter