webnovel

Ako ang Emperor ng Fire Country (2)

Editor: LiberReverieGroup

Kailan kinailangan ng Emperor ng Condor Country na magdusa ng ganoong kaduwagaan?

Tinandaan niya ang pangyayaring iyon laban kay Jun Xie sa kaibuturan ng kaniyang puso at

hihintayin niya hanggang sa ang kaniyang dakilang hukbo ng Poison Men ay mabuo at

gugutay-gutayin niya ang Emperor na ito ng Fire Country sa maliliit na piraso!

Ang Emperor ng Fire Country ay napakbata pa at alam iyon ng Emperor ng Condor Country.

Ang maharap sa isang bata at walang muwang na bagong pinuno, inisip ng Emperor ng Condor

Country na hindi iyon mahirap para sa kaniya. Para sa isang ganoon kabata, kahit matapos

maupo sa trono, ang kaniyang kumpiyansa at kilos ay kulang pa. Hindi ba't ganoon ang

dalawang Emperor ng Buckwheat Kingdom? Konting pagmamanipula lamang mula sa kaniya,

at parehong nalinlang ang mga iyon ng ganoon kadali.

Sa pag-aakala na ang Emperor ng Fire Country ay kapareho ng mga iyon, hindi sumagi sa

isipan niya na sa sandaling ibuka ni Jun Xie ang kaniyang bibig, ay magagawa nitong magdala

ng sampal sa kaniyang mukha, isang sampal na nagpatigagal sa Emperor ng Condor Country ng

ilang sandali. Palagi niyang ipinagmamalaki ang sarili na isang arogante at mapagmataas at

hindi kailanman niya naisip na ang binatilyong iyon mula sa Fire Country ay higit na mas

dominante at malupit kaysa sa kaniya!

Narito sila nakatayo sa loob ng Imperial Palace ng Condor Country ngunit nagawa pa rin nitong

maging marahas!

"Paanong hindi ko malalaman ang tungkol doon? Isang bisita na mula sa malayo, binibiro ko

lamang ang Kamahalan ng Fire Country! Ipasok ang mga silya!" Napilitan ang Emperor ng

Condor Country na lunukin ang kahiya-hiyang pagkapahiya habang pilit na naglapat ng ngiti sa

kaniyang mga labi nang sabihin iyon.

Walang salita na ipinasok ng mga tagasilbi ang mga silya, hindi na nag-abala pa si Jun Wu Xie

sa kahit na anong pormalidad at umupo na agad. Pinag-krus niya ang payat na mga binti at

ipinatong ang baba sa kaniyang palad, ang postura niya ay malahari at dominante.

"Isang bisita mula sa malayo? Huwag mo sabihin sa akin na nahihibang ka na? Kailan pa

nagkaroon ng ganiyang uri ng relasyon ang aking Fire Country sa iyong Condor Country?

Kailangan ko ba ipaalala sa iyo dito na ang isang milyong malakas na hukbo ng iyong Condor

Country ay hinagupit at tuluyang nasupil ng hukbo ng aking Fire Country? Ang nagwagi ay

maghahari at ang talunan ay mawawalan, at ngayon may lakas ka ng loob na makipagbiruan

sa akin?hindi ka karapat-dapat para doon!" Ang makamandag na dila ni Jun Wu Xie ay dire-

diretso ang pagsasalita, ang mga salita niya ay nakakapinsala at wala siyang balak na pigilan

ang sarili kahit kaunti!

Kahit maging gaano pa kabait ang Emperor ng Condor Country, laban sa hindi mapigilan na

paghagupit ng dila ni Jun Wu Xie, ay malapit na itong sumabog.

Ang kulay ng mukha nito ay nagbago mula sa berde papunta sa pamumutla. Nakita na niya

ang kayabangan at ang pagiging mapusok, ngunit hindi pa siya kailanman nakakita ng isang

tao na sukdulan ang pagiging arogante at kayabangan!

[Ano ang ipinunta ng batang Emperor na ito ng Fire Country sa kaniyang Condor Country?

Nagpunta lang ba siya dito para lamang hamakin ako!?]

Ang sulok ng bibig ng Emperor ng Condor Country ay nagsimulang mapangiwi, ang kamay nito

ay napahigpit ang kapit sa kaniyang trono. Kung hindi lamang dahil sa napakalakas na hukbo

ng Fire Country na nasa likod ni Jun Xie marahil ay sinunggaban na niya agad ang binatilyo at

binalatan ang matalim na dila nito ng buhay bago siya lamunin ng buo!

Habang minamasdan ang mukha ng Emperor ng Condor Country na papangit ng papangit ang

kulay, si Qiao Chu na nakatayo sa likod ni Jun Wu Xie ay halos nais batiin at palakpakan si Jun

Wu Xie!

Ang munting dalaga kadalasan ay tahimik at halos hindi nagsasalita. Hindi kailanman naisip na

sa oras na ito'y sumakal ng buo, ang epekto ay napakalakas! Ang makita na ganoon ang

hitsura ng mukha ng Emperor ng Condor Country, naisip na siguradong hihimatyin ito dahil

kay Jun Wu Xie!

"Ano ang dahilan at ang Kamahalan ng Fire Country ay tila masama ang mga sinasabi? Ang

Condor Country at Fire Country ay mayroong tapat na relasyon sa isa't isa at ang nangyari

kanina ay isa lamang hindi pagkakaintindihan. At dahil ika'y narito sa Condor Country ngayon,

ikaw ay isang panauhin ng Condor Country. Para sa dalawang bansa na magkaroon ng taos-

puso na unawaan, iyon ay magdadala ng mabuting kapalaran sa mga mamamayan at sa aking

palagay ang Kamahalan ng Fire Country ay paniguradong iisipin din ang kalagayan ng kaniyang

nasasakupan, tama ba?" Kahit nais sumuka ng dugo dahil sa kinikimkim na galit sa kaloob-

looban, ang Emperor ng Condor Country ay pinili na hindi hayaan ang sarili na sumabog at sa

halip ay pinigilan ang galit sa kaibuturan ng kaniyang puso, at nagdikit ng ngiti sa kaniyang

mukha at ginamit ang kaligtasan ng kaniyang nasasakupan, sa pagtatangka na makuha ang

puso ng binatilyo at maarok ito.

Subalit…

Si Jun Wu Xie ay wala ng mga ganoong bagay.

"Yaos-puso? Anong mayroon ang Condor Country upang hangarin na maging taos-puso sa

aking Fire Country? Ang talunan ba ay mayroong lugar para magsalita man lang? Ang

mamamayan ng aking Fire Country ay hindi kailanman natakot o umurong sa labanan at kung

mayroon mang hindi makakita ng bagay na iyon at lumapit upang kalabanin kami, ikatutuwa

nila na ihatid ang mga iyon papuntang Impiyerno."

Next chapter