Ang mukha na inilalarawan sa pagpinta ay kaparehong-kapreho ng nasa kaniyang alaala. Hindi
mapaniwalaan ni Jun Xian na ang binata na tumulong sa kanila noon ay sa katunayan ang
Grand Adviser ng Fire Country!
Nakita ni Jun Wu Xia ang reaksyon ni Jun Xian kaya't nasisiguro niyang tama ang kaniyang
hula. Pinaalis na muna niya sa Lei Chen at tanging si Jun Xian at siya ang naiwan sa silid.
"Grandfather, siya ba iyon?" tanong ni Jun Wu Xie, nais niyang mapagtibay muli ang
katotohanan.
Tumango si Jun Xian. Ang mukhang iyon ay hinding-hindi niya makakalimutan buong buhay
niya.
"Paanong nangyari na siya ang Grand Adviser ng Fire Country…" Matapos makita ang larawan
ni Wen Yu, ay nahirapan pa rin si Jun Xian na tanggapin ang kaniyang natuklasan. "Bago itatag
ang Qi Kingdom, ang Fire Country ay matagl nang naitatag. At ayon sa mga bulung-bulungan,
ang kanilang Grand Adviser… dapat ngayon ay may katandaan na. Paanong nangyari na
ganito…"
Hindi maunawaan ni Jun Xian kung bakit ang Grand Adviser ng Fire Country ay piniling iabot
bigla ang kaniyang mga kamay upang tulungan ang mga taong katulad nila.
Naningkit ang mga mata ni Jun Wu Xie. Nang siya ay nasa Fire Country, ay naramdaman niya
na ang Grand Adviser ay hindi pangkaraniwan lamang ngunit dahil ito ay naging magiliw at
hindi pinakitang isa siyang kaaway, ay hindi na niya iyon pinag-isipan pa, subalit hindi niya
inaasahan na ang Soul Calming Jade ng Qi Kingdom ay ibinigay sa kanila ni Wen Yu…
Paano nagawa ni Wen Yu na mapasakamay ang Soul Calming Jade?
Nagawa man malutas ang isang misteryo, ngunit ang naiipong tanong sa isipan ni Jun Wu Xie
ay parami nang parami at kailangan niyang mahanap ang mga sagot sa bawat isa.
Ang anyo ni Wen Yu ay hindi nagbago sa loob ng mahabang panahon at walang mababakas na
kahit anong pagdaan ng taon kahit bahagya sa kaniyang mukha. Kung mamasdang maigi ang
kaniyang hitsura, si Wen Yu ay isang kaakit-akit na binata na nasa dalawampung taon lamang,
ngunit ang kaniyang pag-uugali at asal ay ibang-iba sa bugnutin at agresibong binata, at sa
halip ay nagpakita ng maayos na asal na maaaring bunga lamang ng maraming taon na
karanasan at pagsubok.
"Wu Xie, ikaw na ngayon ang Emperor ng Fire Country, at itong si Wen Yu…" hindi maiwasan
ni Jun Xian na tumningin kay Jun Wu Xie nang may pag-aalala. Kung si Wen yu nga talaga ang
taong iyon, ang kaniyang kakayahan ay hindi pala dapat maliitin at ang tunay na katauhan ba
ni Jun Wu Xie ay madidiskubre ni Wen Yu?
Umiling si Jun Wu Xie.
"Ang Grand Adviser ay hindi ginawang mahirap ang mga bagay-bagay sa akin. Tila hindi niya
nais na masyadong madamay sa mga unawaan ng Fire Country." Maging iyon man ay ang
katotohanan sa likod ng pagsilang kay Lei Chen o noong pinatalsik niya ang Emperor, si Wen
Yu ay nanatili lamang na manonood na nag-oobserba sa isang sulok, halos hindi nagsimulang
gumawa ng sarili nitong pagkilos. Ang pagiging malayo na asal nito sa mga bagay ay hindi
maiwasan ng iba na maging mausisa dahil tila wala itong pakialam sa mga nangyayari sa Fire
Country.
Bahagyang nakahing nang maluwag si Jun Xian. "Kung magkakaroon lamang ako ng
pagkakataon na makita siya sa hinaharap, nais kong pasalamatan siya nang maayos. Hindi
mahalaga kung gaano karaming problema ang dinulot ng Soul Jade, dahil nakatulong iyon
upang panatilihin ang katawan ng iyong ama, pinanatili iyon sa perpektong kondisyon, na
talagang nagpasaya sa akin."
Tumango si Jun Wu Xie, alam niya na ang ama at anak ng Jun Family ay matagal nang inaasam
na mabuhay muli si Jun Gu. Ang hiling na iyon, ay taos-puso siyang tutulong upang makamit.
Ayos sa nakita niya sa ama at anak na Jun, naniniwala siya na ang kaniyang sariling "ama" ay
magiging isang bayani rin na nararapat igalang.
"Tungkol sa Soul Jade, huwag mo muna hayaan na kumalat sa ngayon ang balitang iyon sa
labas. Ang pagsalakay sa Qi kingdom ngayon, ay dahil sa pagnanais ng Condor Country na
nakawin ang Soul Jade. Lulutasin ko ang bagay na ito at ang kailangan lamang ninyo
Grandfather ay magpahinga at magpagaling ng mabuti." Sa wakas ay saad ni Jun Wu Xie. Ayon
sa pagtatalo sa pagitan ng mga Commanders, ay hindi naging mahirap sa kaniyang
maintindihan na hindi nila alam ang tunay na hinahanap ni Lin Xiao. Bukod sa Condor Country,
ang mga hukbo ng tatlong bansa ay hamak na natali lamang sa papel na maging katulong at
ang pinakbuod ng problema ay nagmula mismo sa Condor Country.
"Siguruhin mo lamang. Ang jade na iyon, isang piraso ang nasa katawan ng iyong ama, at ang
isa ay laging nakatago sa katawan ng iyong tiyuhin. Bukod sa mga tauhan natin sa Rui Lin Army
at ang Kamahalan, walang ibang nakakaalam na ang parehong piraso ng jade ay narito sa Lin
Palace." saad ni Jun Xian.