Si Qu Xin Rui ay kinaladkad patungo sa harapan ni Jun Wu Xie habang ito ay nanlalaki ang
matang nakatitig, ang bibig nitong hindi na magawang isara ay mayroon pa ring natitirang
laman na may dugo. Ang masangsang na amoy ng dugo ay umiikot sa palibot niya habang ang
dugo ay patuloy na binabasa ang kasuotan niya at ang putik ay namumuo sa buong katawan
niya. Ang napakaayos na buhok ngayon ay sobrang gulo, ang mata na dati ay kiri kung
sumulyap ngayon ay napalitan na ng takot at kabaliwan.
Kung sasabihin na si Qu Xin Rui ay iniisip bilang isang hindi malapitan at nakatutuksong
demonyong babae noon, ang hitsura nito ngayon ay hindi naiiba sa isang maruming pulubi na
nakahiga sa lupa, o masa masahol pa ito kaysa sa kanila.
Ang nakakakilabot na tingin ni Jun Wu Xie ay dumako kay Qu Xin Rui, sinlamig ng bakal na
patalim, napakatalim at walang kahit anong awa.
"Alam mo ba kung bakit nais ko na mabuhay ka?" ang malamig na boses ni Jun Wu Xie ay
biglang umalingawngaw.
Sindak na tumingin si Qu Xin Rui kay Jun Xie. Naisip niya na si Jun Xie ay isa lamang bagong
hirang na munting Emperor ng Fire Country ngunit nang maintindihan niya ang
pagkakakilanlan ni Jun Wu Yao, napagtanto niyang siya ay nagkamali… tunay at talagang
nagkamali!
Si Jun Xie ay hindi ang tipo ng tao na kaya niyang galitin kahit bahagya!
Ngunit ngayon walang dami ng pagsisisi ang mahalaga kahit kaunti. Ang dila niya ay bulok na,
ang labi at ngipin niya ay nalagas, makapal na dugo ang pumupuno sa kaniyang bibig. Nais
niyang magmakaawa, nais magsisi, ngunit wala siyang magawa, tanging ang humiga doon na
parang isang patay na aso habang kinakaladkad ni Ye Sha at Yei Mei upang iharap kay Jun Xie.
"Minsan, ang manatiling buhay ay mas mahirap na kapalaran kaysa ang mamatay." saad ni Jun
Wu Xie sa naniningkit na mata. Hindi niya intensyon noon na magpataw ng pagpaphirap kay
Qu Xin Rui ngunit si Qu Xin Rui ay ilang ulit siyang pinanghimasukan.
Hindi niya papayagan si Qu Xin Rui na mamatay ng ganoon kadali lamang!
"Ngunit ngayon, ito ay iniligtas ako sa maraming abala. Hindi ko na kailangan tumawag ng
sinuman upang pilitin na ibuka ang bibig mong iyan." saad ni Jun Wu Xie habang ang sulok ng
bibig niya ay kumulot sa isang nakakakilabot na ngiti. Naglabas siya ng elixir mula sa kaniyang
Cosmos Sack na nakabitin sa kaniyang bewang at nang makita ni Jun Wu Yao ang gamot , ang
mata niya ay dagling kumislap.
Ang elixir na iyon ay hindi iba sa kaniya. Noon sa Qi Kingdom, ginamit ni Jun Wu Xie ang
parehong gamot kay Mo Xuan Fei at Bai Yun Xian!
Patuloy sa pagkabulok, patuloy sa paglalagay sa isang tao sa matinding desperasyon… sa loob
ng kawalang pag-asang iyon, ay isang walang hanggan na ikot na paulit-ulit, isang tadhana na
imposibleng matakasan.
Inilabas ni Jun Wu Xie ang elixir na iyon, ang nagdulot kay Prince Mo Xuan Fei na maging
kasuklam-suklam na tumpok ng nabubulok na laman, at ibinuhos iyon sa bibig ni Qu Xin Rui.
Inisip ni Qu Xin Rui na iluwa iyon ngunit itinaas ni Ye Sha ang kaniyang baba na may
tumutulong dugo upang puwersahang malunok nito ang elixir.
"Medyo matagal na rin nang makita kong ginamit mo ang elixir na ito." nakangiting saad ni Jun
Wu Yao. Ang epekto ng elixir ay kaniyang nasaksihan mismo noon. Kahit hindi man niya
gustuhin ay namangha siya sa malupit na epekto ng elixir na iyon!
Nagdudulot iyon sa laman ng isang tao na dahan-dahang mabulok hanggang makarating ito sa
buto at kapag malapit na ito sa kamatayan ay tutubong muli ang mga laman. At kung wala ang
panlunas ni Jun Wu Xie, ang makapunit puso at hindi mailarawan na paghihirap ay mauulit sa
walang tigil na pag-ikot.
Hindi ka mamamatay ngunit hindi ka rin mabubuhay…
Ang isang tunay na pagpapahirap sa ilalim ng Heavens ay hindi kamatayan. Sa halip ay
mapuwersang mabuhay na walang pag-asa at pighati, walang kahit anong pag-asa sa puso,
walang pagkakataon na matubos…
Ginamit ni Jun Wu Xie ang pinakasimple ngunit pinakamalupit na pamamaraan
upangparusahan si Qu Xin Rui. Matapos niyang makita na nilunok ni Qu Xin Rui ang elixir, ay
biglang umangat ang tingin ni Jun Wu Xie at tiningnan ang natigilan na si Xiong Ba sa kumpol
ng mga tao.
"Ngayon ay ibibigay ko na siya sa iyo. Ikulong mo siyang mabuti, at habang-buhay siyang
mabubuhay. Huwag mo hayaan na mamatay siya."