webnovel

Sampal sa Mukha - Ikalabing-isang Anyo (1)

Editor: LiberReverieGroup

Ngunit para kay Xiong Ba, Qing Yu at Qu Wen Hao ay napakalinaw ng lahat. Ang pagbabalik ng

kanilang mga tao ay dahil sa bata na kanilang pinagtaksilan.

Walang katapusan na pagsisisi at kahihiyan na sinamahan pa ng pagpapaalala sa sariili ang

nagwasak sa kanilang puso, tila isang malaking bato ang dumurog sa kanila, at nagpahirap sa

kanilang paghinga.

Nalula si Qu Wen Hao, ang nakaraang ilang araw ay isang malabong alala sa kaniya na tila siya

ay nakatira sa isang panaginip. Pasuray-suray siyang naglakad, balisang naghanap sa mga

kababaihan, hinahangad na makita ang isang pamilyar na anyo na matagal na siyang nangulila

at palaging nasa kaniyang isip sa loob ng ilang taon.

Ngunit ang kaniyang sulyap ay paulit-ulit na sinuyod ang karamihan ng tao ngunit bigo siyang

makita ang kaniyang asawa…

"Mayroon ba… may nakakita ba sa aking asawa…" takot at hindi mapalagay ang biglang

bumalot sa puso ni Qu Wen Hao, habnag walang lakas na nakatayo sa gitna ng napakaraming

tao, ang boses niya ay nilamon.

Ang mga kababaihan na kababalik lamang ay pinunasan ang kanilang mga luha at malungkot

na tumingin kay Qu Wen Hao.

Ang mga sulyap nila na nagdulot na makaramdam ng balisa kay Qu Wen Hao ay mas lalong

tumindi at ang kaniyang kamay ay nagsimulang manginig.

[Hindi… hindi puwede…]

[Ang kaniyang asawa ay magiging ayos lang. Ang mga taong iyon na kada buwan bumabalik ay

sinabing ayos lang siya… Walang maaaring mangyari…]

"Si Madam…" ang nailigtas na mga babae ay kinagat ang kanilang mga labi at yumuko. Lahat

sila ay nabihag ni Qu Xin Rui sa parehong pagkakataon at ikinulong sila na magkakasama sa

parehong lugar. Anumang nangyari noon ay malinaw na alam nilang lahat.

"Nasaan siya? Bakit hindi siya bumalik?" tila nawawala na sa sarili si Qu Wen Hao, kaniyang

dinakma ang balikat ng isang babae, balisang nagtatanong ng impormasyon kung ang

kaniyang asawa ba ay ligtas at maayos.

Hindi magawa ng babae na tumingin sa kaniya at iniwas nito ang kaniyang ulo, iniiwasan ang

mata ni Qu Wen Hao.

Wala sa kanila ang may nais magsabi kay Qu Wen Hao kung ano ang tunay na nangyari kay

Madam at silang lahat ay umiiwas sa kaniyang tingin.

"Ano ang ginagawa ninyong lahat dito! Sino ang nagpahintulot na bumalik kayong lahat!" bigla

ay isang malakas na boses ang narinig sa likuran ng kumpol ng mga tao!

Ang makapunit taingang boses na iyon ay pumunit sa iyakan at ang lahat ay sabay-sabay na

lumingon.

Si Qu Xin Rui kasama si Shen Chi at ang mga tauhan nito at ngayon ay nakatayo sa likuran ng

kumpol ng mga tao!

Kung saan siya nakatayo, ang lahat ay humakbang paurong sa takot at humawi upang

magbigay daan sa kaniya.

Nagtagis ang bagang ni Qu Xin Rui habang tinitignan ang kaguluhan sa kaniyang harapan.

Hindi siya makapaniwala sa nakikita ng kaniyang mga mata. Lahat ng malalanding ikinulong

niya ngayon ay pinakawalan at nagbalik dito!

Nang makuha niya ang balita mula sa guwardiya, ay hindi makapaniwala si Qu Xin Rui na totoo

iyon. Ngunit nang makita mismo ng knaiyang mga mata lahat ng iyon, ay napagtanto niya…

marahil ay may maling nangyari!

Ang mga taong iyon ay ikinulong sa isang lugar sa labas ng Thousand Beast City, kaya bakit

silang lahat ay narito ngayon? Hindi makita ni Qu Xin Rui ang mga guwardiya na inatasan niya

na bantayan ang mga taong iyon at sa puso niya ay may umusbong na pagkabalisa.

Ang mga taong nalunod sa matinding kagalakan sa biglang pagsasama ay biglang nagising

dahil sa pagpapakita ni Qu Xin Rui. Lahat ng mga kababaihan na nakasama ang kanilang

pamilya matapos ang ilang taon ay takot na nagtago sa likod ng kanilang kapamilya, ang

maputlang mga kamay ay mahigpit na hinawakan ang kamay ng kapamilya, hindi nais na

bitawan iyon maski sandali. Ang mga mukha nila ay napuno ng matinding takot kay Qu Xin Rui,

nakatitig sila kay Qu Xin Rui na parang nakatingin sila sa isang demonyo. Ang kanilang

kapamilya sa kanilang tabi ang huling pag-asa nila upang sila'y masagip at hindi nila hahayaan

na bitawan iyon ng ganoon kadali lamang.

"Letse! Dalhin ang mga taong ito ngayon din! Sino ang may lakas ng loob na gawin ito? Sino

ang nagpahintulot na bumalik kayong lahat dito? Ang iba sa inyo ay umalis na ngayon din!

Sumunod kayo namagsilayas dito dahil alam ninyo kung ano ang magiging kapalit nito!" Galit

na sigaw ni Qu Xin Rui.

Next chapter