Kung talagang gagawin nga iyon ni Jun Wu Xie, samakatuwid lahat ng plano na ginawa ng
Emperor ay mapupunta sa wala.
Kahit alam ni Jun Xie ang lihim sa likod ng Ring ng Imperial Fire, ay wala siyang nais kundi
paghamak para sa trono ng Fire Country. Takot na tumingin ang Emperor kay Jun Xie at hindi
niya maiwasang isipin. [Kung hindi niya inisip na paslangin si Jun Xie sa simula, kung
pinakisamahan niya si Jun Xie tulad ng pakikisama niya sa ibang kabataan, maaari kayang hindi
mangyayari ang lahat ng ito?]
Sayang, walang gamot o lunas para sa pagsisisi sa ilalim nitong kalangitan!
Nanginginig na napaupo sa kaniyang trono ang Emperor, bigla ay nakaramdam siya ng
matinding lamig at siya ay gininaw. Ang ginawa ay dumaloy sa buong katawan niya at iyon ay
nagdulot ng lamig sa kaniyang singsing na suot sa daliri.
"Ako ang apo ni Empress Dowager… Hindi niya... Hindi niya kayo tutulungan..." hanggang sa
mga huling sandali, ang Emperor ay hindi pa rin matanggap ang katotohanan.
"Ah? Ganoon ba?" isang malamig na ngiti ang namutawi sa labi ni Jun Wu Xie.
Sa likod ng malaking bulwagan, tatlong anyo ang biglang lumitaw.
Ang Grand Adviser kasama ang tunay na Qu Ling Yue at isang matandang babae na puro puti
ang buhok ang mabagal na naglakad papasok sa bulwagan.
"Empress Dowager!" si Lei Xi na tulirong nakatayo sa loob ng bulwagan ay biglang humangos
ng makita niya ang Empress Dowager.
Bigla ay sumigaw ang Emperor: "Grandmother! Iligtas mo ang iyong apo! Ang magkasabwat na
magnanakaw na ito ay nais kunin ang buhay ng iyong apo!"
The Fire Country's Empress Dowager ay nalalapit na sa isangdaang taon at ang mahabang
panahon ay nag-iwan ng bakas sa kaniyang hitsura ngunit ang kaniyang tindig at panatag
niyang kilos ay dala-dala pa rin niya kaya siya ay kapansin-pansin.
Ang Empress Dowager ay tinulungan ang yumaong Emperor upang pamunuan ang trono
simula ng ipasa iyon sa angkan ng First Emperor. At matapos ipasa ng yumaong Emperor sa
kaniyang apo ang trono, ay hindi na siya gaanoong lumalabas at namuhay sa loob ng Imperial
Palace, hindi siya nakialam sa mga gawain, malaki man o maliit, sa Imperial Court man o sa
Imperial Harem, hindi nagtanong maski isang bagay, umabot pa sa punto na karamihan sa
Court Officials na dumadalo ng Court tuwing umaga ay halos nakalimutan na ang tungkol sa
Empress Dowager.
Tanging ang Emperor lamang ang nakakaalam, na ang tanging may hawak sa
pinakamakapangyarihan na mandirigma ng Fire Country, ay ang Empress Dowager!
Bagama't hindi kailanman siya nagtanong tungkol sa mga bagay sa Court, ay walang bagay na
hindi niya nalalaman tungkol sa kaniyang paligid.
"Imperial Grandmother! Imperial Grandmother! Iligtas mo ang iyong apo!" ang Emperor ay
halos kumaripas at gumapang ng siya ay tumakas upang magtungo sa Empress Dowager. Nang
mga sandaling iyon, ang Emperor ay hindi nagpakita ng kahit kaunting kapangyarihan na dapat
ay mayroon ang isang pinuno, ang matanda at pagod na mukha nito ay natatakpan ng mga
luha at ang mata ay puno ng takot.
Ang Empress Dowager ay mahinahon at marangal na nakatayo sa loob ng malaking bulwagan,
ang kaniyang malalim at kalmadong mata ay may bahid ng karunungan na naksaksi na ng
maraming pagsubok. Tahimik siyang tumingin sa Emperor na umiiyak na tila isang batang paslit
sa kaniyang paanan at siya ay malalim na bumuntong-hininga.
"Naaalala pa ba ng Kamahalan ang Decree na inilatag ng First Emperor? Ang mga miyembro ng
Lei Family ay palaging pinangangatawanan ang kanilang mga salita. Naaalala mo pa ba ang
pagkakataon noong umupo ang First Emperor? Nang ipasa sayo ng iyong Ama ang trono, ay
paulit-ulit niyang pinapaalala sa iyo. Kaya bakit ngayon ay nagmamatigas ka at masyado kang
ganid sa autoridad at kapangyarihan?"
Ang Empress Dowager ay nakatingin sa Emperor at bakas sa mata na wala itong magagawa.
"Imperial Grandmother…" gulat na napatingin ang Emperor, hindi siya makapaniwala sa
sinasabi ng Empress Dowager.
Ang huling bakas ng pag-asa na umusbong sa kaniyang puso ay muling nawasak. Ang mga
sinabi ng Empress Dowager ay nagpapatunay lamang na si Jun Xie ay nagtataglay ng karapatan
na maging Emperor ng Fire Country. Dahil sa Imperial Decree na isinulat ng First Emperor
mismo sa kamay ng Empress Dowager, ang mga salitang iyon mismo ay sapat na upang
puwersahang bumaba ang Emperor sa trono!
Niligon ni Empress Dowager si Jun Xie. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakita siya
ng isang bata na pag-aari ang Ring ng Imperial Fire. Nang marinig niya kay Wen Yu na ang
nagmamay-ari ng Ring ng Imperial Fire ay nagpakita, ang puso niya ay napuno nang gulat at
galak. Hindi niya naisip na ang kaniyang apo ay maguguluhan ang isip, at lalabanan ang
kautusan ng First Emperor, at susubuking paslangin ang nagmamay-ari ng Ring ng Imperial
Fire.