webnovel

Sampal Sa Mukha - Ika-siyam Na Anyo (6)

Editor: LiberReverieGroup

Sa totoong nangyari doon ay mayroon nang hinala si Lei Chen. Ngunit maging anupaman ang naisip niya tungkol doon, ngunit iyon ay isyu na nanagyari sa loob ng Yan Country at hindi nais ni Lei Chen na magkaroon ng poot ang Thousand Beast City sa Yan Country dahil dito.

Naningkit ang mata ni Lei Chen at kahit ang kaniyang naisip ay pareho ng kay Imperial Physician Li ay wala talaga siyang balak na isalba ang mga albularyo na nasa harapan niya. Ngunit dahil ang bagay na iyon ay tunay na magkakaroon ng epekto sa relasyon ng Yan Country at Thousand Beast City, hindi siya makakakuha ng kahit ano kung ang relasyon na iyon ay masira dadil dito.

Ibubuka na sana ni Lei Chen ang kaniyang bibig upang magsalita ngunit nakita niya ang malamig na mata ni Jun Wu Xie at siya ay natigilan bigla.

Halata niya na ang nais ipahiwatig ni Jun Wu Xie ay huwag na siyang sumagkot doon.

Saglit na nag-atubili si Lei Chen bago siya nagsalita: "Ang sinabi ni Hall Chief Xiong ay tama. Ang insidente ay nangyari dahil na rin sa kakulangan ng mabuting pakikitungo ng Yan Country. Ako man ay humihiling na malaman ni Hall Chief Xiong kung sino ang salarin sa likod nito at hayaan na natin ang imbestigasyon sa kamay ni Hall Chief Xiong."

Tumango si Xiong Ba habang ang mukha ni Imperial Physician Li ay mas lalong natakot. Hinid makapaniwala na tinitigan niya si Lei Chen, hindi matanggap ang katotohanan na ganoon lamang kadali na sinang-ayunan ang kahilingan ni Xiong Ba.

"Your Highness! Your Highness Crown Prince!" desperadong sumamo ni Imperial Physician Li.

Tumanggi si Lei Chen na tingnan lamang siya.

Ang ibang manggagamot ay tumingin sa matayog na pangangatawan ni Xiong Ba at sila ay nanginig, alam nila na kahit magsama-sama sila ay hindi pa rin nila matutumbasan ang malaking taong ito.

At dahil nasabi na ni Xiong Ba ang kaniyang nais at sumang-ayon si Lei Chen dito, alam nila na wala na silang takas doon at wala silang mapagpipilian kundi ang isuko ang kanilang mga sarili doon.

"Ang kaganapang ito na nagpahirap sa aming Young Miss ay naging malinaw dahil sa iyong tulong Miss Jun. Ang marahas na kilos ni Xiong Ba ay nakasakit sa iyo kanina Miss Jun at ako ay nagmamakaawa na patawarin mo Miss Jun. Kung iyong mamarapatin Miss Jun… ako ay humihiling na patuloy mo sanang alagaan Miss Jun ang kondisyon ng aming Young Miss katuwang si Senior Feng." bumaling si Xiong Ba kay Jun Wu Xie, bakas sa mata nito ang alab, ang boses niya ay tapat at magalang.

Tinitigan ni Jun Wu Xie si Xiong Ba at nanatiling tahimik ng ilang sandali bago siya nagsalita: "Gagawin ko."

Isang ngiti ang bumasag sa mukha ni Xiong Ba, at lubos ang pasasalamat na nagpasalamat kay Jun Wu Xie.

Samantala, ang namumutlang mukha ni Imperial Physician Li ay lihim na nakatitig kay Jun Wu Xie. Hindi talaga niya maintindihan kung paanong ang isang bagay na hindi napansin ng iginagalang na Divine Doctor na si Feng Yue Yang ay napansin ng isang hamak na munting dalaga? At nagawa pa nitong gamutin iyon ng ganoon kadali lamang.

Hiyang-hiya sa sarili si Jiang Ying Long at sumunod sa utos ni Xiong Ba na pansamantalang "imbitahin" lahat ng manggagamot na manatili lamang sa panuluyan, upang hintayin ang pagtatanong ni Xiong Ba sa kanilang lahat.

Ang grupo ng mga manggagamot na nasa silid ay sinabihan na umalis sa silid na iyon at tanging tatlong tao lamang mula sa Thousand Beast City ang naiwan doon kasama si Jun Wu Xie at Lei Chen.

Nang makalabas na doon ang labis na mga tao, ang mga salita na itinatago ni Xiong Ba sa kaniyang dibdib ay nagkaroon na ng pagkakataon na masabi. "Miss Jun ikaw ay mula sa Qi Kingdom, bakit bigla ay nagpakita ka dito sa Yan Country's Imperial Capital? At tungkol sa tunay na dahilan kung bakit nangyari ang ganitong insidente, naniniwala ako na mayroong magandang ideya si Miss Jun. Ngunit hindi ko alam kung ano ang mga konsiderasyon na nasa isip mo Miss Jun kaya minabuti mo na huwag sabihin ang katotohanan sa harap ng lahat kanina."

Nang makita niya na mabilis nalutas ni Jun Wu Xie ang misteryo sa likod ng kondisyon ni Qu Ling Yue, at nakita niyang tinawag nito si Imperial Physician Li nang tangkain ng huli na tumakas, hindi man ganoon katalino si Xiong Ba ngunit alam niya na ang magandang munting dalaga na ito sa kaniyang harapan ay mayroong mataas na katalinuhan, mabilis at listong utak.

Siguradong nakita niya ng bahagya ang plano ng salarin.

Hindi na nagulat si Jun Wu Xie sa tanong ni Xiong Ba. Naglakad siya patungo sa isang upuan na nasa isang sulok at naupo, nagbuhos siya ng isang tasang tsaa para sa kaniyang sarili pagkatapos ay marahang hinigop ito.

Next chapter