webnovel

Sampal Sa Mukha – Ika-Siyam Na Anyo (1)

Editor: LiberReverieGroup

Ang salita ni Jun Wu Xie ay nagpatigil sa lahat ng nasa silid dahil sa gulat.

Mababanaag ng ilang sandal ang kaba sa mukha ng Imperial Physician na si Li ngunit mabilis niya itong napalis.

"Miss Jun. Ano ang ibig mo sabihin? Ilang manggagamot na ang tumingin sa mga sugat ni Qu Ling Yue at maging si Senior Feng ay kinumpirma iyon. Sa tanong mo na iyan, hindi mo ba naisip na kakaiba ito?" ang kabataan mula sa Thousand Beast City ay itinaas ang kaniyang kilay at lumingon upang tingnan ni Jun Wu Xie. Ang katotohanan na nagtamo ng pinsala si Qu Ling Yue ay hindi maikakaila at kahit hindi nila gaanong pinagkakatiwalaan ang mga manggagamot mula sa Yan Country, ang katotohanang iyon ay pinatunayan rin Feng Yue Yang at hindi siya maaaring magkamali.

"Iyan nga ba ang katotohanan?" may alaramang nakaatas ang kilay na tanong ni Jun Wu Xie.

"Paanong ang isang batang katulad mo ay patuloy na magsabi nang walang kwentang basura dito. Ilang taon ka lang ba? Ano ang alam mo! ? Kahit hindi ka naniniwala sa kakayahan namin sa panggagamot, ngunit si Senior Feng ay isa sa tatlo na pinakamataas na kinikilalang Divine Doctors at magagawa niya na mabilis na lunasan ang anumang karamdaman o sakit. Wala ka sa posisyon na magpunta dito at ibigay ang mangmang mong opinion!" pakli ni Imperial Physician Li.

"Senior Feng, tunay nga ba na pareho ang iyong opinyon?" lumingon si Jun Wu Xie upang tanungin si Feng Yue Yang.

Ilang sandali na pinag-isipang mabuti iyon ni Feng Yue Yang bago nagsalita at sinabi: "Ang sinasabi ng mga tao ay labis na eksaherado. Kahit na ang matandang ito ay hindi karapat-dapat na binigyan ng titulo ng mga tao ay hindi ko aangkinin na magagawa kong gamutin at malaman ang bawat karamdaman at sakit. Ngunit sa kasalukuyang kalagayan ng ating Young Miss, ang matandang ito ay magagawa na malaman ang sanhi nito, at hindi ko maintindihan kung bakit muling nagtatanong ang Young Miss Jun."

Sumagot si Jun Wu Xie: "Kung yan ang kaso, hayaan natin na ang katotohanan ang magsabi." Pagksabi niyon ay bigla siyang naglakad patungo sa tabi ng higaan ni Qu Ling Yue.

Nang makita ni Imperial Physician Li ang kaniyang ginawa ay mabilis siyang sumigaw: "Ano ang binabalak gawin ng batang iyan! ?"

Lumingon si Jun Wu Xie at sinulyapan ito. "Alang-alang sa inyong mga nagmamarunong at sa kung ano ang hindi ninyo kayang gawin, ayos lang sa akin na turuan kayo ng ilang bagay."

Bumakas sa mata ni Imperial Physician Li ang pagkagulat habang nakatingin kay Jun Wu Xie at madali siyang nagtungo kay Xiong Ba.

"Hall Chief Xiong, hahayaan mo lang ba na ipagpatuloy ng batang iyon ang kalokohang ito?"

Sumimangot ang mukha ni Xiong Ba. Bagaman hinid siya naniniwala sa sa murang edad ni Jun Wu Xie ay mayroon itong kaalaman sa panggagamot na kayang tumabasan si Feng Yue Yang, ngunit ang katotohanan na konektado sa kaniya ang paggaling ni Qu Ling Yue. Hindi niya maiwasan na mag-atubili ng ilang saglit at maramdaman na naiipit sa sitwasyon kaya nagpunta siya kay Feng Yue Yang at maingat na sumangguni: "Ako ay walang nalalaman tungkol sa panggagamot. Ano ang naiisip mo Senior Feng na dahilan kung bakit ang kalagayan ng Young Miss nitong nakaraan ay biglang bumuti?"

Umiling si Feng Yue Yang. Ayon sa kaniyang pagsusuri, kahit na siya ang humawak sa kondisyon ni Qu Ling Yue mula sa simula, ay kakailanganin niya ang isang taon upang tuluyang mapagaling ito. Ang pinag-uusapan nila dito ay halos isang araw lamang. Sa ganoong kaigsing panahon ay kalimutan na ang tuluyang paggaling. Magawa man niya na mapanatili ang kalagayan ng mga pinsalang iyon, ang pagpapakita ng anumang senyales na ang kondisyon nito ay bumubuti na ay talagang mahirap.

Nang makuha ang sagot ni Feng Yue Yang, ay mabilis na pumagitna si Xiong Ba upang harangin si Jun Wu Xie sa paglalakad nito.

"Hindi ko alam kung saan ka nanggaling, ngunit ang aming Young Miss ng Thousand Beast City ay hindi sasailalim sa panggagamot ng sinumang lapastangan. Young Miss, ako ay nagsasabi na sa iyo na maaari bang huwag kang gumawa ng kaguluhan dito dahil kung hindi ay mapipilitan akong gumamit ng lakas." Kahit na puno ng pagdududa ang kaniyang puso, hindi hahayaan ni Xiong Ba na bigyan ng lunas si Qu Ling Yue nang kung sino lamang, lalo na kung ito ay sa isang munting dalaga lamang.

Tinignan ni Jun Wu Xie si Xiong Ba na bahagyang nakataas ang kilay at ang sulok ng mga labi ay malamig ang ngiti. Kumislap ang kaniyang mata at sa mahinahong boses ay sinambit niya: "Sa tingin mo ba na ang pagtayo mo lang ditto upang harangan ako ay magpapatigil sa akin?"

Natigilan si Xiong Ba sa narinig niyang sagot at bago pa siya makapagsalita ay biglang itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang kanang kamay at ilang kislap ng liwanag ang lumabas mula sa kaniyang mga daliri at sa isang iglap ay lumipad patungo sa nakahigang si Qu Ling Yue!

"Anong ginawa mo! ?" gulat at galiat na sigaw ni Xiong Ba, dinaklot niya si Jun Wu Xie sa kuwelyo nito at inangat.

Next chapter