webnovel

Huwag mong Hilingin ang Iyong Kamatayan at Ika'y Maliligtas (5)

Editor: LiberReverieGroup

"Ah, tungkol pala doon. Young Master Jun, makakaasa kayong hindi ako tatalikod sa pinag-usapan. Makakarating sa susunod na roung si Young Master Jun." Nakahinga ng maluwag si Zhao Xun. Sa kaniyang nakikita, hindi tatanggihan ni Jun Xie ang ganitong bagay. 

Kahit na ang Panginoon ang nag-utos sa kaniyang ipatalo ang laban, hindi ba't dapat na matuwa si Jun Xie na hindi ito mahihirapan bukas? Naisip na siguro na Jun Xie na ang Crown Prince ang nagpautos nito. 

"Oh?" Nagtatanong ang mga mata ni Jun Wu Xie. Ang isang kilay nito ay nakataas. 

Tumawa si Zhao Xun at nagpatuloy: "Iyon ang kahilingan ng Crown Prince, sana ay tanggapin niyo, Young Master Jun." Mahigpit na ipinag-utos sa kaniya ng Panginoon na huwag na huwag siyang babanggitin. Sa halip ay gamitin na lang ang pangalan ni Lei Chen bilang responsable sa bagay na ito. 

"Sinasabi mo bang ang Crown Prince ang may gawa nito?" Tanong ni Jun Wu Xie kay Zhao Xun. 

Tumango naman si Zhao Xhun, pero sa kaniyang puso ay medyo kinasusuklaman niya si Jun Xie. Sa murang edad nito ay nangahas na itong sumali sa Spirit Battle Tournament at sinuswerte pa ito! Hindi na mahalaga kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito. Ngunit ang katotohanang maiiwasan ni Jun Xie na makaharap ang malalakas na kalaban at walang kahirap-hirap na nakakatungtong ito sa bawat susunod na round, masasabing napakaswerte talaga nito! 

Marahang kinuha ni Jun Wu Xie ang tasa ng kaniyang tsaa sa lamesa at sumimsim ito. Matapos nitong humigop ng tsaa ay may tinawag ito. "Qiao Chu." 

"Andito!" Lumapit si Qiao Chu na kanina pa nananahimik sa isang tabi. 

"Hawakan mo siya." Utos ni Jun Wu Xie. 

Hindi na nagkaroon ng oras si Zhao Xun para iproseso ang kaniyang narinig. Nakita na lang niyang nasa kaniyang tabi na si Qiao Chu at sinipa ang likod ng kaniyang tuhod! 

Naramdaman niya ang pwersa noon. 

Napaluhod si Zhao Xun sa harap ni Jun Xie. Gusto niyang tumayo ngunit ang kamay ni Qiao Chu ay mahigpit na nakahawak sa kaniyang balikat. 

"Ikaw!" 

"Isa pang salita mo at puputulin ko ang dila mo." Malamig na tiningnan ni Jun Wu Xie si Zhao Xun. 

Natigilan naman si Zhao Xun sa nakakatakot na titig ni Jun Xie. Binalot ng takot ang kaniyang puso nang kaniyang marinig ang mga sinabing iyon ni Jun Xie. Nakita niyang si Fei Yan na nasa tabi nito ay naglabas na ng patalim. Kumislap ang matalim na dulo noon nang tamaan ng liwanag na dulot ng kandila. Agad niyang itinikom ang kaniyang bibig. 

[Hindi nagbibiro ang batang ito!] 

[Mapanganib talaga siya!] 

Tumulo ang malamig na pawis sa mukha ni Zhao Xun at kinakabahang tumingin kay Jun Xie. Kahit na alam niyang walang kalaban-laban sa kaniya si Jun Xie, hindi rin lingid sa kaniyang kaalaman ang kakayahan ng mga kasamahan nito. Kahit sino sa mga ito ay di-hamak na malakas kumpara sa kaniyang nasa orange level spirit pa lang! 

"Ang lakas ng loob mong paniwalain ako, maghanda ka! Tingin mo ganon ako katanga?" Nakaangat ang isang kilay ni Jun Wu Xie habang nakatitig sa namumutlang mukha ni Zhao Xun. Nanginig siya sa sinabi nito. 

"Hin...Hindi...ko..." Napalunok ng malakas ni Zhao Xun, at sa hindi niya malamang dahilan, tuluyan na siyang nilamon ng takot. 

Ang pares ng matang nakatingin sa kaniya ay parang nanunuot sa kaibuturan ng kaniyang kaluluwa at hindi niya maitago ang kaniyang kasinungalingan. 

"Sinong nag-utos sa'yo?!" Tanong ni Jun Wu Xie. 

"Ang Crown Prince..." 

Bago pa man matapos ni Zhao Xun ang kaniyang sasabihin ay agad na itong sinuntok ni Qiao Chu sa mukha. Agad namang pumutok ang bahaging iyon ng mukha ni Zhao Xun! 

Next chapter