"Kahit may kaunting hindi pagkakatugma ng kwento, mukhang hindi rin ito malayo sa katotohanan." May kasiguraduhan si Jun Wu Xie sa kaniyang konklusyon sa sitwasyon ngayon, hindi mahalaga kung paano nagsimula ang mga balita o dahil galing sa mga sinabi ni Lei Chen sa interogasyon nang nakaraang gabi.
"Upang makuha ang pinal na sagot, kinakailangan na si Lei Chen mismo ang magsabi sa atin. At para sabihin niya ito sa atin, ang tanging solusyon lamang ay ang pakikianib sa kaniya." Sabi ni Jun Wu Xie habang ibinababa niya ang tasa ng kaniyang tsa.
Tumango si Fan Zhuo. "Kung kaya, kinailangan mong umatras muna para maakit siya papasok at nakianib sa kaniya sa huli."
Pagkatapos ng mga nangyari kahapon, hindi na naisip ni Jun Wu Xie na makakabuti ang pagputol ng koneksiyon kay Lei Chen. Para mahanap nila ang mapa, ang natatanging solusyon nila ay sa pamamagitan ni Lei Chen. Ang lahat ng ginawa niya at sinabi niya ay para makalabit ang puso ni Lei Chen upang matakot at mabalisa ito at ipakita rito na hindi siya makakaligtas kung hindi siya matutulungan ng Zephyr Academy.
Makalipas ang ilang sandal, nagmamadaling bumalik si Lei Chen. At nang makabalik ito sa komedor, may dala-dala itong kahon.
"Ano iyon?" Tanong ni Rong Ruo.
Ang ngiti sa labi ni Lei Chen ay nawala. Binuksan niya ang kahon at sa loob nito ay isang liham na isinulat gamit ang dugo. Ang mga nakasulat sa mapulang dugo ay ipinakita sa kina Jun Wu XIe at kasamahan nito.
Ito ay tiningnang maigi ni Jun Wu Xie.
Ang hindi pagkakatugma sa Nging diskusyon ni Jun Wu Xie at Fan Zhuo kani-kanina lamang ay masasagot ng liham na ito na isinulat gamit ang dugo.
"Sino ang nagbigay nito sa iyo?" tanong ni Jun Wu Xie at inangat ag tingin kay Lei Chen.
Mapait na ngumiti si Lei Chen, "Isang katulong ng emperatris, o mas tamang tawagin kong… totoo kong ina."
Sa mga sinabi ni Lei Chen, si Qiao Chu at ang iba pa na hindi pa nababasa ang laman ng liham ay nanlalaki ang mga mata sa gulat.
"Nakakatawa mang sabihin pero ang kasalukuyang tagapagmanang prinsipe ng Yan Country ay isang ilihitimong anak na walang kahit anong bahid ng dugo ng Imeprial Family. Ang aking ina ay isang katulong ng emperatris. Ang emperatris ay nanganak ng siang lalaki ng mga panahon iyon samantalang ang aking ina ay nagkaroon ng relasyon sa isang guwardiya at ipinanganak ako sa parehong panahon na nanganak ang Emperatris. Gusto sanang ipapatay ang aking ina ng emperatris noon subalit namatay ang batang lalaki na ipinanganak nito. Upang manatili sa pososyon bilang emperatris, inangkin ako ng emperatris bilang sarili niyang anak. Sa lahat ng nakalipas na taon, ang alam ko ang emperatris ang tunay kong ina ngunit… nang dumating ang ikaapat kong kapatid, doon ko nalaman ang lahat ay kasinungalingan lamang."
Si Lei Chen ay hindi totoong anak ng Emperatris. Hinayaan lamang ng emperatris na mabuhay siya at ang kaniyang biolohikal na ina dahil kailangan niyang protektahan ang kaniyang posisyon bilang emperatris. At dahil siya lang ang natatanging anak na mayroon ang emperatris, minahal siya nito sa mga unang taon. Iniisip ng mga tao sa labas na ang meperador at emperatris ay tunay na nagmamahalan at walang nakakaalam na ang totoong minahal ng emperador simula ng bata pa ito ay isang katulong sa palasyo. Pagkatapos maluklok sa pwesto ang emperador, nilipat niya ang katulong na iyon sa kaniyang harem at itinuon ang buong atensiyon dito. Ngunit ang babaeng iyon ay namatay dahil sa komplikasyon sa panganganak.
Ang batang iyon ay inalagaan din ng emperatris ngunit ang totoong intensyon nito ay upang gamitin ang bata para takutin ang emperador. Hindi nagtagal sa pangangalaga ng emperatris ang bata dahil na rin nilunod ito ng emperatris sa danaw at ang kasalukuyang kinikilalang ikaapat na anak na si Lei Fan ay isang ilihitimong anak ng emperatris sa punong ministro ng Yan Country…
Ang emeprador ng Yan Country ay walang alam sa mga nangyari kaya ang lama nito na si Lei Fan ay siyang anak niya sa pinakamamahal niyang babae. Ibinuhos niya rito ang kaalinga at pagmamahal simula ng bata pa ito at kahit ang emperatris ay ganoon din. Natuwa ang emperador sa magandang pagtrato ng emperatris sa kaniyang anak. Ang atensiyon ng emperador at emperatris ay nakatuon lamang kay Lei Fan at si Lei Chen na ginamit lamang ng emperatris para protektahan ang kaniyang posisyon ay biglang kinainisan ng dalawang tao!