webnovel

Ang Muling Pagningning ng Zephyr (3)

Editor: LiberReverieGroup

Si Fei Yan at ang iba pa ay naupo na rin, mukhang nalilito at ligalig.

"Lahat kayo ay nanalo?"dahan-dahang naglakad si Jun Wu Xie palapit sa mga kasama. Sa sitwasyon na nagyari kanina sa Immortal's Loft, nahuhulaan niya kung ano ang ginawa ni Qiao Chu at ng iba pa sa paligsahan.

Ang magawang mabago ang pananaw ng karamihan tungkol sa Zephyr Academy ng kalahating araw lamang, bukod sa pagdurog ni Qiao Chu at ng mga kasama niya sa kanilang mga kalaban sa Spirit Battle Tournament, ay wala ng ibang dahilan pa.

Bumuntong-hininga si Qiao Chu at itinaas ang sagisag na nasa kaniyang dibdib at nakangising sinabi: "Hindi lamang iyon nakakabingi, hindi na namin kailangan pa na gumawa ng pangalawang galaw upang matapos ito."

Hindi naman nila ninais na ipahiya ang kanilang mga kalaban, ngunit ang mga iyon ay sadyang mahihina na hindi kailangan pa na ipakita nila ang kanilang taglay na kakayahan.

Lahat ng nakatunggali ni Qiao Chu at ng iba pa ay red spirits o orange spirits. Malayo ang agwat ng antas ng kanilang spirit power at kahit hindi nila gamitin ang kanilang kakayahan upang pansamantala ay itaas ang kanilang spirit powers, ay nagawa pa rin nilang talunin ang kanilang kalaban ng ilang segundo lamang.

"Ngunit sa totoo lamang... Hindi pa ako sanay na itaas ang aking kamay laban sa mga tao mula sa Lower Realm." saad ni Fei Yan, tinitigan niya ang pares ng kaniyang mga kamay. Sa Phoenix Academy, mariing ipinagbabawal ni Yan Bu Gui na makipaglaban sa mga taong mula sa Lower Realm at bagaman ang mga tao sa Middle Realm ay nakaasa lamang sa pansamantalang pagtaas ng kanilang spirit power levels upang magawa nila ang Purple Spirit, ngunit ang iba't ibang paraan kung paano nila ito linangin ay nagbigay-daan sa mga taong mula sa Middle Realm upang lumago at umunlad ng mas mabilis, na nagbigay resulta sa magkakasama, na talagang biniyayaan, upang magawa ang maganda at maingay na pagkapanalo sa Lower Realm.

Ang mga taong kinalaban ni Fei Yan at ng iba pa ay mula lahat sa Middle Realm, o kaya naman ay mas higit ang edad at nagtataglay na ng mataas na antas ng kapangyarihan. Ngunit sa mga oras na iyon, ang kinakaharap nila ay mga kabataan na kapareho lamang nila sa edad at ang antas ng kapangyarihan ng mga iyon ay... Wala silang mahanap na ibang salita upang ilarawan ito kundi "sadyang mahina".

"Pareho tayo ng nararamdaman. Sa aking palagay ay masyado na tayong nasanay kay Little Xie kaya nakalimutan ko na ang malaking kaibahan ng Lower at Middle Realms! Madalas kong isipin noon na malaki ang pagkakatulad nila ngunit ngayon ay kitang-kita ang kaibahan. Wala tayong pinapanigan sa pagitan ng dalawang reals kaya lamang si Little Xie ay nagawang sirain ang lahat ng hangganan at nilinlang tayong lahat."

Saad ni Qiao Chu na naka pangalumbaba at mausisang nakatingin kay Jun Wu Xie.

Kung ang paglinang ng spirit power nang magkakasama ay mabilis, sa gayon ang demonyong halimaw na si Little Xie ay maaaring ilarawan na "kabaliwan". Siya ay isang munting bata mula sa Lower Realm ngunit at pag-unlad na nagagawa niya ay di hamak na mas mabilis kanino man na nandoon!

Kundi lamang sa laban ng Spirit Battle Tournament ngayon, malamang ay pumalatak sila sa uri ng kapangyarihan sa Lower Realm kumpara kay Jun Wu Xie.

At dahil sa mga labanan sa araw na iyon, ay malinaw nilang napagtanto ang malaking kaibahan sa pagitan ng Lower at Middle Realm, at sa parehong pagkakataon... kung gaano naging mahiwaga si Jun Wu Xie!

"At ika'y mula sa Lower Realm. Kung ika'y isinilang sa Middle Realm, hindi mo ba tatangkain na makamit sa ngayon ang Purple Spirit?" bulalas ni Qiao Chu, patuloy sa pagkamangha sa kakaibang kapangyarihan ni Jun Wu Xie.

Sinulyapan ni Jun Wu Xie si Qiao Chu at mahinahong sinabi: "Ang aking ring spirit ay iba sa ordinaryong tao."

Hindi niya iniisip na nagtataglay siya ng kakaibang kaloob sa paglinang ng kaniyang spirit power. Nagkataon lamang na minana niya ang katawan ng ring spirit. Ang paglinang ng isang ring spirit na mula sa halaman ay talagang kakaiba. Ngunit kung makakamit ang tamang pagkakataon, ang paglinang niya ay hindi lamang magiging sobrang mabilis, hindi na rin kakailanganin ng malaking pagsisikap mula sa kaniya.

"Ang serte ay isang malaking bahagi rin." buntong-hininga ni Qiao Chu. Hindi lamang si Jun Wu Xie ang nagtataglay ng isang plant based ring spirit. Ngunit karamihan sa nagtataglay nito ay hindi pa alam na ang kanilang ring spirit ay gising na buong buhay nila at... ang magtaglay ng ganoong ring spirit ay parehong mabuti at masama.

Ang bilis ng pag-unlad sa kanilang paglinang ay isang bagay na ikinatutuwa, ngunit ang peligro na kasama noon ay isang bagay na hindi kakayanin ng isang normal na tao!

Next chapter