Taun-taon, bago mag-umpisa ang Spirit Battle Tournament, ang Yan Country ay naghahanda
ng isang malaking piging upang bigyang karangalan ang lahat ng kalahok na disipulo mula sa
iba't ibang paaralan. Ngunit ang piging sa taong iyon ay naiiba, sapagkat ang Spirit Battle
Tournament ay pangangasiwaan ng Crown Prince na si Lei Chen, kahit ang piging ay siya ang
punong-abala at iyon ay magaganap sa Crown Prince's Residence na tatanggap ng mahigit
isang libong bisita na mga disipulomula sa iba't ibang paaralan na sasali sa paligsahan.
Sumapit ang gabi at lahat ng kabataan mula s iba't ibang paaralan na nasa Imperial Capital ay
nagsama-sama upang magtungo sa Crown Prince's Residence. Ang lahat ay pinag-isipang maigi
kung paano nila ihaharap ang pinakamahusay na panig nila sa harap ng Crown Prince. Lahat ng
kabataan ay nakabihis sa uniporme ng kanilang mga paaralan, lahat ay masaya at mataas ang
layunin habang sila ay naglalakad sa daan na nasisinagan ng buwan patungo sa Crown Prince's
Residence.
Ang mga guwardiya ng Crown Prince's Residence ay nakalinya sa magkabilang gilid ng
tarangkahan, ang mahahabang sibat ay mahigpit nilang hawak sa kanilang mga kamay, ang
kanilang mga mukha ay matigas at matapang, ang mga hitsura ay kahanga-hanga at
nakakatakot.
Ang Crown Prince's Residence ay nakatayo sa isang malawak na lupain na kayang tumanggap
ng maraming tao. Ang lugar ay nilagyan ng mga dekorasyon na talagang nagpakita ng
karangyaan sa buong lugar at dahil iyon ang uang pagkakataon na ang mga disipulo ay
tumapak sa Crown Prince's Residence, ang kanilang mga mata ay namangha habang nakatitig
sa buong lugar, ang liwanag mula sa ilaw ng mga parol ay nahipnotismo ang mga mata ng
kabataan at nagbigay iyon sa kanila ng kakaibang pananabik at pag-asa.
Ang mga tagapaglingkod ay hinatid ang mga dispulo sa kani-kanilang upuan na nasa malaking
plasa kung saan gaganapin ang piging. Ang mga kabataan ay pinaghiwa-hiwalay sa apat na
sulok kung saan nakabuo ng isang malaking parihaba at may malaking espasyo sa gitna.
Nakaupo ang Crown Prince sa kaniyang upuan na bahagyang mataas, nakangiti at tumatango
tanda ng pagkilala sa mga kabataan na pumapasok sa piging.
"Nakakita na ako ng karangyaan ngunit hindi ganito kalabis. Magkano kaya ang ginastos nila sa
Crown Prince's Residence? Ang lupain kung saan nakatayo ang Crown Prince's Residence ay
kasinglaki ng buong Phoenix Academy!"saad ni Qiao Chu, ang kaniyang mga mata ay sinuyod
ang kabuuan ng Crown Prince's Residence, ang mga muwebles na gawa sa mataas na uri ng
rosewood, ang mga dekorasyon sa nakakalatsa buong lugar na gawa sa jade at napapalibutan
ng iba't ibang mamahaling hiyas. Kahit si Qiao Chu na walang alam sa ganoong mga bagay ay
napansin na maging ang mga ginamit na porselana sa Crown Prince's Residence ay mamahalin!
"Ang Yan Country ay ang unang bansa na itinatag at kasalukuyang may malakas na
kapangyarihan. Ang bansa at kanilang mga mamamayan ay mayaman na maging ang
karaniwang tao dito ay mariwasa kumpara sa katabing bansa, lalo na ang namumuno." Kibitz-
balikat na sabi ni Fei Yan. Nalaman niya ang lahat ng iyon ng mag-imbestiga siya sa lugar.
Talagang napakayaman ng Yan Country at napakalakas ng kanilang hukbo. Bagaman wala
silang piling pwersa katulad ng Rui Lin Army, ngunit ang bilang ng mga iyon ay sadyang
napakarami kaya't walang bansa ang nagtangka na lumapit sa kanila.
Walang ekspresyon na minasdan lahat ni Jun Wu Xie ang naroon sa Crown Prince's Residence.
Ang Crown Prince's Residence na kung saan nanirahan si Mo Qian Yuan ay mailalaran na sira-
sira at luma kumpara sa lugar ni Lei Chen. Bagaman pareho sila ng titulo na Crown Princes, ang
kalagayan nila ay magkaibang magkaiba, tulad na lamang na napakaliit ng Qi Kingdom kung
ikukumpara sa napakalawak na Yan Country.
"Kayo ba ang aming mga bisita mula sa Zephyr Academy?" nakangiting lapit ng isang
tagapaglingkod sa kanila.
Bahagyang tumango si Jun Wu Xie.
Ngasalitang muli ang tagapaglingkod: "Kung gayon, maaari ba na ang aming mga bisita ay
magtungo na sa piging? Malapit na iyon mag-umpisa at kung inyong mamarapatin hayaan
ninyo na ang inyong tagapaglingok ay dalhin kayo doon."
Sumunod si Jun Wu Xie at ang iba pa sa likod ng tagapaglingkod papasok sa bulwagan ng
piging. Hindi sila nakarating ng maaga at ang piging ay malapit ng magsimula. Ang piging para
sa isang libong katao ay gaganapin sa isang malawak na lugar at nakita nila na karamihan sa
mga kabataan na nandoon ay nakaupo na. Marami ng nakupo sa isang hilera kung nasaan ang
upuan ni Lei Chen. Karamihan ng nakaupo doon ay mga kabataan na naksuot ng uniporme ng
Dragon Slayers Academy at War Banner Academy.
"Mukhang may batayan maging sa ayos ng upuan." Nakangiting sabi ni Fan Zhuo matapos
sulyapan ang bulwagan. Ang kilala at prestihiyosong mga paaralan ay nakaupo malapit kay Lei
Chen. At para sa mga hindi kilalang paaralan, ang upuan ay nasa pinakamalayo.