Hindi ibinuka ni Wen Xin Han ang kaniyang bibig ngunit ang boses nito ay umabot sa tenga ni
Jun Wu Xie.
Paghahatid ng boses gamit ang spirit!
Isang abilidad iyon na tanging purple spirit lamang ang gumagamit!
Tiningnan ni Jun Wu Xie si Wen Xin Han na hindi niya nakita ng matagal. Napansin niya na
walang ipinagbago ang itsura nito subalit ang kapangyarihan at malakas na aura nakapaligid sa
kaniya ngayon ay ibang-iba kaysa noon!
sa pagtayo pa lang doon, ang presensya lang ni Wen Xin Han ay nagbibigay na sa kanila ng
pakiramdam na para bang may malakas na puwersang hindi nakikita ang nakadagan sa kanila.
Mula sa indigo spirit hanggang sa maging purple spirit, iyon ay isang hakbang lamang. Ngunit
ang isang hakbang na iyon ay napakahirap sa iba!
Hindi agad nakasagot si Jun Wu Xie sa tanong ni Wen Xin Han. Ang kaniyang tingin ay
nakabaling sa pintuan at iyon ay naintindihan ni Wen Xin Han kay kaniyang sinabi: "Ginamit ko
ang aking spirit power upang mapahiwalay tayo. Wala siyang maririnig na kahit ano sa ating
pag-uusap."
Nang magsalita si Wen Xin Han, ang kaniyang mata ay maingat na sinusukat ang maliit na
binata sa kaniyang harapan. Ang binata ay mas maliit kung ikukumpara sa iba na kapareho niya
ang edad at payat. At ang mukhang iyon ay ibang-iba sa naaalala niya na nagpabagsak ng mga
bayan at bansa. Subalit, kapag minamasdan ni Wen Xin Han ang pares ng malamig na matang
iyon na kasing lamig ng tubig tuwing taglagas, hindi niya maiwasan na isispin na ito ay pamilyar
sa kaniya.
Katulad ng nakita niya noong araw na iyon, ang parehong pares ng mga mata ng isang binibini!
"Ang iyong apo ba ay magaling na?" tanong ni Jun Wu Xie ng tumingin ito kay Wen Xin Han.
Ang unang tanong niya ay nagpasindak agad kay Wen Xin Han.
[Alam niya!]
[Siya ay nagmula nga sa Lin Palace?]
Pinawi ni Wen Xin Han ang pagkagulat sa kaniyang mga mata at marahang tumango.
"Mas maayos na siya ngayon at kakailanganin lamang ng ilang araw pa upang lubusan na
siyang gumaling."
Gulat na napatitig si Gu Li Sheng kay Wen Xin Han at naguguluhan na ibinaling ang tingin kay
Jun Xie. Alam niya ang tungkol sa apo ni Wen Xin Han at dahil doon ay nanilbihan siya sa Qing
Yun Clan nang ilang panahon. Subalit ng maglaho ang Qin Yun Clan ay wala ng balita tungkol
kay Wen Xin Han simula noon. Kaya ng kaniyang marinig ang pag-uusap sa pagitan ng
dalawang taong ito ay tila ang apo ni Wen Xin Han ay gumaling na?
"Nangako ka noong araw na iyon na kung maisalba ng mga elixir ang buhay ng iyong apo ay
utang mo sa akin ang buhay mo. Handa ka ban a pangatawanan ang iyong sinabi?" tanong ni
Jun Wu Xie.
Kahit ang iginagalang na si Wen Xin Han ay hindi napigilan na ipakita ang pagkagulat sa
kaniyang mukha.
Natatandaan niya ang mga salitang iyon. At sa kaniyang pagkakatanda ay kilala niya kung
kanino niya eksaktong sinabi ang mga salitang iyon!
"Ikaw si Jun Wu Xie? Ang Young Miss ng Lin Palace?" isang masayang sorpresa ang bumakas sa
mata ni Wen Xin Han.
Tumango si Jun Wu Xie.
Sa pagtango na iyon ni Jun Wu Xie biglang naramdaman ni Gu Li Sheng na siya ay nanigas na
parang isang bato. Ang nagawa lamang niya ay dumilat ang kaniyang mga mata sa labis na
pagtataka kay Jun Wu Xie, ang kaniyang utak ay blanko.
[Lin Palace?]
[Jun Wu Xie?]
[Anong nangyayari dito?]
Bilang pagbati ay yumuko si Wen Xin Han sa harap ni Jun Wu Xie. "Nais kong ibigay ang aking
lubos na pasasalamat sa Young Miss ng Jun Family para sa tulong upang masagip ang buhay ng
aking apo! Ako ay naghangad na magtungo sa Lin Palace upang personal na pahayag ang aking
lubusang pasasalamat sa iyo ngunit nalaman ko mula sa Duke na ang Young Miss ay matagal
ng wala sa Palace at ako ay lubusang nalngkot. Hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon ang
Young Miss dito! Pahintulutan mo ako, si Wen Xin Han na yumuko sa iyong harapan!"
Mabilis na inalis ni Wen Xin Han ang kaniyang mapaniil na spirit aura at taos-puso na yumuko
sa harap ni Jun Wu Xie.
Tila mawawala sa sarili si Gu Li Sheng.
Si Wen Xin Han ay lubos na iginagalang at may pinakamataas na abilidad bilang unang tao sa
nakaraan na siglo na nagtagumpay na makamit ang purple spirit! Isang iginagalang at
sinasamba na indibidwal ngayon ay walang pag-aalinlangan na yumuko, ibinaba ang kaniyang
tanyag na sarili sa harap ni Jun Wu Xie na di hamak na mas bata pa kaysa sa kaniyang apo…
Ang isip ni Gu Li Sheng ay walang hinto sa pag-ikot, inisip niya na maaaring dinadaya lamang
siya ng kaniyang mga mata!
[Isang dakilang purple spirit sa harap ng isang maliit na dalaga at isinantabi lahat ng
pormalidad, nakayuko at nagpapakumbaba dito…]
[Ang mundo ba ay talagang nahibang na?]
"Hindi na kailangan. Ang gusto ko lang malaman ay kung ang iyong mga sinabi ay
mapapangatawanan mo." hindi inintindi ni Jun Wu Xie ang pasasalamat ni Wen Xin Han, ang
nais niya malaman ay kung ito ay isang tao na may isang salita!