Halos mabaliw na sila Ye Sha at Ye mei! Saan nanggaling itong libingan ng Dark Emperor?
"Maestra.. Saan mo nalaman ang tungkol dito sa Dark Emperor's tomb?" Maingat na nagtanong si Ye Sha.
"Alam ng lahat ng taga-Middle Realm ito. Mahabang panahon na ang nakalilipas, nang mamatay ang Dark Emperor, ang mga tao mula sa Dark Regime ang nagtayo ng libingan nito. Ang lokasyon ay matagal nang isang misteryo at ang sabi ay lahat ng kayamanan at mahikal na kagamitan na nakuha ng Dark Emperor sa kanyang panahon ay inilibing kasama niya, kung kaya't naghanap ng maraming tao ang Twelve Palaces mula sa Lower Realm para hanapin ito." Alam ni Qiao Chu na hindi magaling si Jun Wu Xie sa pag papaliwanag, kung kaya't siya na ang nagsalita para tulungan ito.
Nanlaki ang mga mata nila Ye Sha at Ye Mei, lalo na nang marinig nila ang "Nang mamatay ang Dark Emperor", ang galit ay nagsimulang makita sa kanilang mata.
Pero ang mas kinagalit nila ang impormasyong kasabwat ang Twelve Palaces dito!
"Ang Dark Emperor's… *cough*, sinong nagkalat ng balitang ito?" Ni hindi man lang sinubukan ni Ye Sha na banggitin ang 'pagkamatay' sa tabi ng pangalan ng kanyang poon. Kahit na gagamitin lang itong pangklaro ng impormasyon, isa itong kalapastangan sa kagalang galang niyang poon.
"Uh… yun, hindi ko alam. Pero sa mga panahong iyon, may malabong nangyayari sa loob ng Dark Regime. Paano at bakit namatay ang Dark Emperor ay hindi alam pero ang libingan nito ay laging kasama sa mga pangarap ng mga taga-Middle Realm na mahanap." Sagot ni Qiao Chu habang napapakamot ito sa ulo. Nakita niya ang galing ni Ye Sha noon. Ang galing na yun ay kaya nang ilaban sa mas nakararaming tao mula sa Twelve Palaces. Ipinagpalagay ni Qiao Chu na mula sa Middle Realm sila Ye Mei at Ye Sha pero…
Parang wala silang alam tungkol sa balitang-balitang pagkamatay ng Dark Emperor.
"Nang mamatay ang Dark Emperor ilang siglong nagdaan, at naitayo ang libingan nito isang taon matapos ang kanyang pagkamatay. May mali ba dito?" Tinanong ni Qiao Chu.
Naramdaman nila Ye Sha at Ye Mei ang kanilang mga bibig na nagsisimulang kumibot.
"Saglit lang."
Matapos nilang sabihin ito, dali daling lumayo ang dalawa at nagusap ng mahina.
"Walang nakakaalam tungkol sa pagkakulong ng ating poon sa Lower Realm. Wag mong sabihin na naniniwala ang mga tanga sa Dark Regime na ang poon ay …. Uh… wala na?" Nakasimangot na bulong ni Ye Sha.
Tumungo lamang si Ye Mei.
"Hindi yan nalalayo sa katotohanan. Ngayon ko lang napagtantong iilan lang sa atin ang nasa tabi ng ating poon sa mga pangyayaring iyon at tayo lang ang may kaalaman na ang ating poon ay nakakulong dito. Sa mga panahong iyon, ang alam lang natin ay nasa Lower Realm ang ating poon, pero hindi natin alam kung nasaan ang kanyang lokasyon. Lahat tayo'y naghahanap ng walang pahinga at hindi na natin sila nabalikan kaya't ang inakala nila'y ang ating poon ay….. Kaya nabuo ang libingan." Nararamdaman na ni Ye Mei ang isang malaking sakit sa ulo.
Ang mga pangyayari noon ay limit sa kaalaman ng mga taga-Middle Realm. Iilan lang na kasama ni Jun Wu Yao ang nakakaalam sa kung ano talaga ang nangyari. Nang Nakulong si Jun Wu Yao, lahat sila'y hindi nakapagisip ng iba kungdi hanapin si Jun Wu Yao, at walang ni isang nakapagisip na bumalik sa Dark Regime para balitaan sila.
"Anong… komedya ito?!" Sabi ni Ye Sha at nagbuntong hininga ito.
"Pero hindi pa tayo sigurado dito, at ito'y isang hula laman. Hindi pa natin alam kung ang Dark Regime ang gumawa ng libingang ito." Pinaalala ni Ye Mei kay Ye Sha.
"Pero mukhang malaki ang interes ng maestra dito!" Nawala ang memorya ni Ye Sha at lagi siyang nagtataka kung bakit piniling maglakbay ni Jun Wu Xie kasama sila Qiao Chu at ang iba. Ngayon, mas nagiging klaro na ito sakanya.
Mataas ang hangarin ng maestra na mapuntahan ang "libingan" ng kanilang kagalang kagalang na poon.
Hindi makapagdesisyon si Ye Sha kung siya'y tatawa o iiyak.
"Dapat ba natin sabihin ang totoo sa maestra?" Tanong ni Ye Sha. Kung ang ilalim ng Heaven's End Cliff ay talagang ginawa ng Dark Regime, magiging mas klaro lang sakanya na ang lugar na pupuntahan nila'y totoong mapaglalang at mapanganib.