Ang pagtalikod ni Yin Yan at paglabas ng mga katotohanan, ang nagpatatag ng kanyang katapusan…
Bago niya makita ang pagkatao ni Jun Wu Xie, may pag-asa pa si Ning Xin. Ngunit ngayon, mas nawalan pa siya ng pag-asa!
Hindi siya hahayaan ni Jun Wu Xie na mabuhay…
Napuno si Ning Xin noon ng pagsisisi, kung mas maaga lang niyang nalaman ang pagkatao ni Jun Wu Xie, hindi na siya nagtangkang galitin si Jun Wu Xie kapalit ang anuman sa mundo.
Subalit, huli na ang kanyang pagsisisi.
Walang nagakalang tatagal si Ning Xin hanggang ngayon. Si Ning Rui, na kanina'y nagpasyang itatakwil si Ning Xin ay naisip rin ang naisip ng kanyang anak. Ninais niyang magsalita ngunit nagatubili. Sa wakas, hindi na niya napigilan ang kanyang sarili, at lumapit para magtanong: "Binibining Jun."
Tinignan ni Jun Wu Xie si Ning Rui ng matalas.
"Bagaman gumawa si Ning Xin ng hindi mapapabayaang krimen, mas makapal parin ang dugo kaysa tubig. Maaaring nasabi ko na itatakwil ko ang anak ko, ngunit maaari ko bang mahingi na kung magawa ni Ning Xin na malampasan ang parusa ng Hukbo ng Rui Lin sa ilalim ng batas militar, ibig-sabihin ba noo'y tapos na ang kanyang parusa?" Kinakabahan si Ning Rui sa ilalim ng tingin ni Jun Wu Xie.
Inalis ni Jun Wu Xie ang kanyang tingin at sumagot: "Oo."
Palihim na nakahinga ng malalim si Ning Rui, pati ang mga nandoon. Matapos malampasan ang isang-daang hataw ng sagwan, baka malampasan rin niya ang tatlumpung hataw ng latigo.
Nakita ni Ning Xin ang huling paglaban ni Ning Rui, at ang mga mata niya'y nawalan ng pag-asa.
Gaano niya nais na sabihin sa kanyang ama na hindi siya bibigyan ng pagkakataong mabuhay. Gusto niyang sabihin sa kanyang ama na ang malamig at mayabang na Binibini ng Pamilya ng Jun ay ang inimbitahan ni Gu Li Sheng na bumalik sa kanyang pakultad na si Jun Xie.
Ang dahilan ng pag-alis ni Jun Xie sa Akademya ay hindi lang nagkataon, ngunit isang sitwasyong pinlano ni Jun Wu Xie, para lumitaw ngayon bilang ang totoong siya, para maparusahan ang mga naglabas ng pagpatay niya!
Sinubukan ni Ning Xin na buksan ang kanyang bibig sa kabila ng sakit na dulot nito, ngunit nakita niyang ang kanyang tuyong lalamunan ay hindi gagawa ng kahit anong tunog.
"Long Qi, simulan mo na." Walang gana si Jun Wu Xie na pakinggan pa si Ning Xin at agad na binigay ang kanyang utos.
Ang kabilang dulo ng mahabang latigong hawak ni Long Qi ay pumunit sa hangin at pumito bago pumutok, habang dumeretso kay Ning Xin!
Ang unang hataw ng latigo ay bumasag sa mukhang pinahalagahan ni Ning Xin. Ang hapdi na dulot ng inang latigong iyon ay naglagay ng malalim na hiwa sa mukha ni Ning Xin. Ang hiwa ay bumuka mula sa kanyang ilong at pumunit sa pisngi niya, hanggang sa kanyang likuran.
Naglabas si Ning Xin ng isang masakit pakinggan na ungol, ang boses niya'y tuyo habang pinipilit niya ang kanyang pagsigaw.
Wala nang iba pang magdudulot sa kanya ng pagdurusa kundi ang pagsira sa magandang mukha na pinagmamalaki niya.
Ang mainit na sakit sa kanyang mukha ay mahapdi, pinapaalala sa kanya na ang itsura niya ay sinira na ng isang hataw ng latigo!
Ang latigo sa kamay ni Long Qi ay lumipad. Walang may alam kung sinasadya ba niya ito, ngunit sa bawat putok ng latigo, ang dulo nito'y dumadating sa isang bahagi ng mukha ni Ning Xin. Bagaman hindi kasing-sakit nito ang kung sa katawan niya tumama ang latigo, ngunit ang laman ng isang dalaga ay mas malambot sa mukha at hindi makakalaban sa hataw ng latigo.
Ilang sandali lang ang lumipas, napuno na ng mga guhit na pula ang mukha ni Ning Xin na tinaguriang maganda at nakakabighani. Ang punit na laman ay nagiwan ng malalaking sugat at dumaloy ang dugo pababa. Ang dami ng sugat ay lumaki at napuno ang kanyang mukha. Ang dating ganda niya'y nawala sa ilalim ng dugo!
Nang makita ang pagiginga mala-halimaw ng isang bata, maganda, at nakakabighaning ganda, tinakpan ng lahat ng disipulo ng Akademya ang kanilang mga bibig para itago ang mga sigaw na nagtangkang lumabas sa kanilang mga lalamunan!
Napakasama!
Nabubuhay ang mga babae base sa kanilang mga itsura...